"Love is something that makes anything extreme. It can make you extremely happy or extremely pained." - author
÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷÷
CHILL's State of MindAko yung tipo ng lalaki na hindi mo gustong makasama. Hindi dahil ako ay basagulero, kundi ako ay isang napakaboring na tao. Hindi ako bumabarkada, hindi rin ako naglalakwatsa. Wala akong bisyo at hindi marunong makihalubilo sa tao. Hindi ako pala-imik kung hindi kinakausap. Suplado ako at halos hindi mo ako makikitaan ng emosyon. Mahilig mag-aral at mas marami pang nakitang mukha ng libro kaysa tao. Oo, may sarili akong mundo, may ginawa akong pader na naghihiwalay sa akin sa tunay na mundo. Ang mundo ko? Malabo. Madilim. Malungkot. Walang emosyon, kulay o sigla. Oo, ako si Chill Mendez, nerd, anti-social at isa akong dakilang INTROVERT.
Noong bata pa ako ay nahihiwagaan talaga ako sa salitang pag-ibig. Love. Alam kong naibigay at naramdaman ko na ito mula sa aking mga magulang ngunit hindi ko pa rin lubos ito maintindihan. Nang nabasa ko ang play ni Shakespear na Romeo and Juliet hindi ko maintindihan at matanto ang kahulugan ng pag-ibig. Ang pagmamahal na kayang harapin ang kahit ano, ang pag-iibigang kayang ipaglaban sa kahit anong kaaway. Emosyong kayang gumiba ng 'di pagkakaunawaan. Isang natatanging bagay na siguro kayang magpinta, kumulay magbigay saya sa aking masalimuot mundo. Ngunit, alam ko sa sarili ko ma kailanman ay hindi ako makakahanap ng ganyang pagmamahal. Walang kahit anong makaka-ayos sa gula-gulanit kong puso at pagkatao. But I was wrong that I was right.
++++++++++++++++++++++++++++
Junior na ako noon when I met her in a very cliché way. First day of class nun, I transferred to Luxe Highschool. I was walking down the corridor, syempre naglilibot ako noon kasi maaga pa ako pumunta ng school. Sinadya ko talagang maagang pumunta sa school para malibot at ma-familiarize sa school. Nakasaksak sa mga tenga ko ang earphone at nakiking ako ng music habang naglalakad-lakad. Naglilibot ako doon sa may field ng biglang may bumunggo sa akin."Ouch"
Ansakit ah. Sino naman kaya ang tangang ito kay aga-aga tumatakbo. Wala pa namang class hours eh."Sorry, hindi ko sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako eh." Sabi ng babaeng nakabungguan ko. At nag bow siya sa akin.
Hindi ko siya pinansin. Tumalikod ako at pinulot ko ang earphone ko. Bakit naman siya magmamadali eh 1 hour pa naman bago pa magsimula ang klase.
"Hai. Salamat." Bulong ko nang nakita ko na ang earphone at cellphone ko. Sa lakas ba naman kasi ng impact ng pagkabundol niya sa akin, tumalsik ang cellphone na hawak-hawak. Chi- neck ko muna ang earphones. Tae. Nagasgas at napasukan pa ng lupa. Napunta kasi sa may mga halaman eh. Nasaan na kaya ang cellphone ko?! Sana naman hindi nasira kasi patay na naman ako kay tita. Bwisit kasi ang babaeng 'yon eh. Pagminamalas ka nga naman. Tae. -_-
"Uhmm.. Hinahanap mo ba ang cellphone mo?" Hindi ko siya hinarap. Hindi ko rin siya sinagot. Obvious naman diba? Nagpatuloy ako sa paghahanap sa mga halaman dun.
Matapos ang ilang segundo, nagsalita siya ulit. "Buti hindi tumalsik 'yang salamin mo." Hindi ko pa rin siya pinansin.
"Alam mo nagsasayang ka lang ng oras mo kakahanap diyan. Tumingin ka kasi sa may likuran mo. Malay mo, nandoon lang hinahanap mo pero 'di mo lang pinapansin kasi sa maling direksyon ka naghahanap."
WOW! May hugot din 'tong babaing 'to eh. Pero hindi ko pa rin siya pinansin.
"Hoy! Ano ba!? Kanina pa ako dito nagsasalita, wala ka bang balak akong pansinin. Sorry na kase." Kalabit siya ng kalabit sa akin. May saltik pala 'to eh. -_-
Hindi ko pa rin siya pinansin.Maya-maya
"Aray!!! F*ck!" Ansakit nun ha. Binato ba naman ako. Tinignan ko lang siya with poker face habang hinihimas ang batok ko. Ansakit talaga. Nakakadalawa na 'tong babaeng 'to ha. Bwisit -_-"Hindi mo man lang ba ako sisigawan ng 'what was that for!?' "
Hindi ako nagsalita. Okay. Bakit kaya t-shirt at nakajogging pants 'tong babaeng 'to. Mukhang hindi pa siya naliligo. Hindi pala, naliligo siya ngayon, nalilugo ng malagkit niyang pawis. Kadiri! Siguro sa school dorm siya nagiistay. Hindi pa rin ako umimik pero kinunot ko ang noo ko.
"Hello.!! Mute ka ba?" Winawagayway niya ang kamay niya sa harap ko. Nagsmirk lang ako.
"Hindi ka naman siguro pipi kasu narinig kita kaninang ng curse eh. Tumingin ka sa ibaba." Aba, inutusan ba naman ako. Sinunod ko siya at nakita ko ang cellphone ko.
"WTF!?" Bulong ko. Pinulot ko ang cellphone ko. Lecheng buhay 'to oh. Basag na basag ang screen. Bakit hindi na lang kasi ibinigay ng maayos?
"Uhmm... Hindi 'yan sa pagbato ko sa'yo nasira." What a lame excuse.
"Still!!!" I said with exclamation.
"Oo na. Alam ko kasalanan ko. Huwag na magalit. Chill ka lang."
"Sa tingin mo magchi-chill lang ako dito. Kung ikaw kaya sa kalagayan ko na nasiraan ng telepono dahil sa isang careless na babaeng kagaya mo, ok lang ba sa'yo?" Sigaw ko.
Joke lang. ^_^ 'yon lang ang iniisip ko noong gawin. Hindi ako nagsalita. Hindi ko rin siya pinansin. Nagsimula na akong maglakad. Alam ko papagalitan ako ni tita pero bibilhan niya naman siguro ako nun. Mahal na mahal ako nun eh.
Alam kong sinusundan niya ako pero hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko ang paglalakad ko.
"Teka lang naman. Ang daya-daya mo eh. Ang taas-taas mo kaya ang laki ng hakbang mo. Hintayin mo naman ako" Hindi ko pa rin siya pinansin. Ang daldal ng babaeng 'to. Tumakbo siya para masabayan ako sa paglalakad.
"Sorry na kase. Ano bang gusto mo para mapatawad mo ako? Lumuhod? Magmakaawa?" Tanong niya. Tinignan ko lang siya. *insert poker face* Hindi ko naman siya pinapagawa ng kung ano-ano eh.
"Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Magkano ba yang cellphone mo?" Tanong niya. Ang kulit niya talaga. Nakakairita na ha.
"32000 thousand" emotionless kong sagot.
"Haaah?! Ang mahal naman!" At nag pout siya ng lips. :3 Sabi ko naman eh, hindi ko naman pinapabayaran eh.
"Gusto mo iba na lang. Kung gusto mo, ipaglalaba kita ng isang buwan." Suggestion niya.
Umiling ako.
"How about gagawin ko lahat ng assignments sa loob ng 3 buwan. Kasama projects at tutulungan kitang magreview?"
"Matalino ako"
"Maging maid mo? Yaya for one month?"
"Pag-iisipan ko."
"Na maging yaya mo ako?"
"Kung anong ipapagawa ko sa'yo."
"O, sige. Basta huwag lang yung malalaswang gawain ha! Bad yun"
Napangiti ako. Ang abnormal niya talagang mag-isip."Hala 6:30 na. Patay! Late na ako. Sige una na ako sa'yo." Tumakbo siya pero pagkatapos siguro ng limang metro ay bumalik din siya.
"Charity Valdez pala" inilahad niya ang kanyang kamay."Chill Mendez" Nakipag-shake hands ako sa kanya. Ang lambot ng kamay niya pero basa ng pawis. Kadiri.
Tumakbo siya ulit papunta ng sa daan ng ladies dorm hanggang sa ang layo na niya sa kinatatayuan ko.
"Chill! Chill ka lang. Tsaka huwag kang palaging nakapoker-face. Mas gwapo ka kapag nakasmile ka"
Tsss. Ang kulit talaga niya. Hindi ko namalayang napangiti pala ako.
BINABASA MO ANG
Into INTRO
RomanceThey say opposites attract. This is a cliché story of a an anti-social, nerdy but good looking guy plagued by a brainless, talkative girl with overflowing energy. Let's follow their misadventures in the magical world of love.