Chat MATE

36 3 3
                                    

[Tignan nyo yung picture sa taas , naranasan nyo na bang maging ganyan ?]

Keith may computer ba sa inyo ? Gagawa akong power point para sa report natin bukas ? - sabi sakin ni Alyana

Pauwi na kasi kami putik naman ,naalala nya pa yung report, kinakalimutan ko nga yun eh ....

Wait may na isip ako

Alyana wala kaming computer eh ganito na lang ako gagawa ng report gagawa na lang ako sa computer shop then ipapaabot ko na lang sayo yung USB mamaya pag natapos ko- mahabang paliwanag ko sakanya

Sana pumayag

Oh cge kahit papaano mag ka grade ka rin , pasalamat ka kaibigan mo ko- sabi ni Alyana sakin

Mag sasalita na sana ako ng biglang magsalita ulit sya

Bruha toh galing mag interrupt

Nakoo Keith gusto mo lang makita yung kapitbahay nyong singkit noh?

Uy Alyana tigilan mo nga ako alam mo naman na inis na inis ako doon sa bwiset na yun - naka busangot na yung mukha ko nung sinabi ko na yun

Oo na , wag ka nang sumimangot apaka panget mo bessy

Napapahinto nya ako pag sinasabi nya yung " bessy" ibig sabihin nya na " calm down"

Nag huwalay na kaming dalawa dahil gagawa pa daw sya ng script na sasabihin ko , what to do, gagawa pa ba ako o hindi .

1 message
Keith better to do it na ha? Gagabihin ka nyan .
~ bessy Alyana

Concern sya sakin , maka gawa na nga , para bukas hindi ako papasok * insert evil laugh*

Pumunta na ako sa kabitbahay dahil sila lang malapit na computer shop samin. Pag pasok ko bumungad sakin si Bwiset.

Hi Keith , musta na madalang ka nang nandito, ano sadya mo ngayon .- sabi nya sakin

Sya pala si Luke , oo na gwapo , singkit , maputi hindi kasi pala labas ng bahay, kaso ang pinaka ayaw ko sa kanya masyado syang mean.

Gagawa lang ako ng report sa power point - sabi ko sa kanya habang hindi tumitingin

Aba ang sipag mo naman ngayon , okey lang yan ako naman sadya mo rito diba? * wink*

Gusto mo talagang masapak noh? Mag-tigiltigil ka nga Luke maraming babae dyan na maganda ako pa pinag- tritripan mo- inis kong sabi kay Luke habang binubuksan ang computer 12 , kahit papaano malayo layo sa kanya .

Sabagay , bakit naman ako magtitiis sayo maraming babae pa naman dito sa sudb. natin , saka dont worry Keith hindi kita type noh panget mo kaya- sabi ni Luke , at nag simula na syang tumingin sa harap ng computer na ginagamit nya

Aray ha ? Kung hindi lang kita type bwiset ka

20 minutes~

Sakit na ng leeg ko na ngawit ata , napapadalas kasi lingon ko kay Luke

Malapit na din matapos yung report , konti lang naman ito. Makapag open nga ng facebook.

CHATWhere stories live. Discover now