Chapter 8- Too Late

6 1 0
                                    

Huhu. Grabe na this. Hindi ako nilulubayan ni Dylan.

"Kaya ko na to. Hindi mo naman na ako kailangang alalayan eh. Ayos lang." ano ba tingin nito sakin? Senior citizen? Matandang uugod-ugod?

Grabe naman kasi umalalay sa akin eh nandito lang naman kami sa park at naglalakad-lakad.

"No. Baka kasi ma-out of balance ka. Hindi mo pa nababalik yung dating lakas mo eh." aish. Yan din paulit-ulit niyang sagot sa akin.

"Ang tagal naman umuwi ni SioPao." mahinang bulong ko.

"What?" aba. Hindi ko naman akalaing maririnig niya pa yung ganoon kahinang bulong.
"Wala. Sabi ko ang tagal naman umuwi ni Mommy."

"Well, actually kakatext lang niya sa akin. Nandoon na daw sila sa bahay niyo." Sila?

"Sinong sila? May kasama siya?"

"Yeah. I think so." nakangiti niyang sagot.

Hay. Asan ka na ba Paolo. Huhu.

Feeling ko namomolestya na ko dito. Huhu ╥﹏╥

Naka-alalay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami pabalik sa bahay.

Pagpasok namin sa bahay ay nakita ko kaagad si Mommy na nasa sala at nasa harap niya ang isang lalaki.

Nakatalikod siya sa amin ni Dylan kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.

"Mommy! San ka galing?" masiglang tanong ko kay Mommy sabay halik sa pisngi niya.

Tinitigan ko ang lalaking nasa harap ni Mommy.

Bigla siyang tumayo at nakita ko kung gaano siya katangkad.

The man in front of us is wearing a black suit and he is properly groomed.

Ash colored hair and a square shaped face.

And his eyes...

We have the same eyes.

"Is she my daughter Althea?"

"Yes Kristoff. She's your daughter." I was stunned sa mga narinig ko.

He's my Dad?!

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata.

"You have my eyes. You're really my daughter. My beautiful daughter."

"Mommy. Ano ba ibig sabihin nito? I thought patay na si Daddy?" I lied. Mom never told me na patay na ang Daddy ko. I just don't know what to say kaya sinabi ko yon.

I saw pain in his eyes ng sabihin ko iyon.
Nilingon ko si Mommy at agad akong lumapit sa kanya.

"Hey Tito Kristoff. How's your flight?" huh? Magkakilala sila?!

"John. I didn't know that you're here. Where's your Dad? Maybe we can talk about your wedding at some place."

"Sure Tito. Ngayon na po ba? Kate needs to rest a little more. She just got out from the hospital."

"Teka. Ano namang kinalaman ko sa kasal mo Dylan? Abay ba ko? Bridesmaid? Sino ba pakakasalan mo? "

"You're going to marry him Katherine." sagot ni... Ahm. Yung Daddy ko daw.

But wait. What did he just said?

"Paki-ulit po?"

"Kate, we're going to get married."

Love Don't Cost a ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon