First and Last

17 0 0
                                    

Protagonist's POV

"Uy bakla. May sumisilip na naman sa gate niyo oh." Ninguso ng bff kong literal na bakla.

"Tss. Yaan mo yun. Lagi namang ganyan si Troy." Napakamot na lang ako sa ulo. Shemay baka may kuto ako. Hahaha. Joke.

"Weh? Yaan lang daw pero gustong-gusto naman." Asar niya sakin.

"Ewan sayo. Baka pinagtitripan lang ako niyan." Napabuntong hininga na lang ako.

"Yan ba talaga si Averie Montes?"

"Loko ka talaga Francisco Reyes." Binatukan ko nga. Sira ulo talaga.

"Aray ko naman bakla. France bes ha, hindi Francisco." Sabay himas sa ulo niya.

"Ikaw kasi eh. Alam mo namang di ako papansinin ng isang Troy Kim."

"Asus. Di nga ba? Ayun lang oh. Katapat lang ng bahay niyo ang bahay niya. Tapos lagi ka na lang sinisilip dito." Turo ni Francisco sa labas.

"Asa ka. Nakakah-"

*ding dong*

"Hala ano yun?" Tanong ko kay Francisco.

"Bakla, may tao yata. Tara." Hinila na niya ako.
--------

Sa may gate...

Binuksan ko yung pintuan sa gate namin.

"Uhmmm, kayo po ba si Ms. Averie Montes?" Tanong sakin nung lalaki.

"Uhh, yes. Bakit po?"

"May nagpapabigay po." Inabot sakin ni manong yung box.

"Ano po ito? Saan po galing?"

"Ah-eh. Di ko alam. Nakiusap lang sakin yung binata." Sagot sakin ni manong.

"Sigurado po kayong sakin ito?"

"Oo. Sabi niya dito ka daw nakatira"

"Ahh. Sige po. Salamat na lang po." Ningitian ko na lang si manong.

"Walang anuman." At umalis na si manong.
-------

Sa loob...

"Buksan na natin yan bakla." Excited na sabi ni Francisco sakin.

"Sandali lang. Baka may bomba to."

"Sira." Aba't binatukan ako.

"Ouch naman Francisco."

"Dali na kasi."

"Oo na. Bwisit."

At ayun kinuha ko ang guntibg para gupitin yung tape na nasa box. Pag kabukas ko...

"Bes. May admirer ka. Grabeeeeee." Eto na ang sign."

"Anong sign ka dyan? Loko."

May isang blue na rose dun at album. Kinuha ko yung photo album. Hala, puro pictures ko. Tapos may nakalagay na iba't ibang caption.

"The way your eyes sparkle when I look you secretly."

"Your smile that captivates my heart."

"Your face that makes my heart flutter."

"Your lips that makes me want to kiss you."

At may isang note dun:

My beloved Averie,

You're my angel. You're my life. Whenever I see you hurt, my heart is like stabbed by a knife.

You'll know who I am. Because I'm your admirer always looking at you behind the gate<3

*Dug dug* Napangiti na lang ako ng nakita ko siyang nakasilip na naman sa gate namin at nakangiti.

×○×○×○×○×○×○×○×○×○×○

Hanggang dun na lang. Wala na akong maisip eh. Hahahahaha. Thanks sa time sa pagbabasa.:)

Gateway to Love(oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon