Chapter Six

143 19 15
                                    

Pagkatapos kumain ng hapunan kasabay ng mga guro nila at kapwa mga contestant ay bumalik ang grupo nila Narda sa silid na assigned para sa kanila.

Pagdating nila ay naunang maglinis ng katawan si Lexi na sinundan naman kaagad ni Elise. Habang sina Narda naman at Regina ay inabala muna ang mga sarili sa pag-aayos ng matutulugan nila.

"Saan ka?" tanong ni Narda kay Regina habang hawak-hawak ang banig at comforter na gagamitin niya.

Napatigil si Regina sa paghahalungkat ng gamit niya at tiningnan si Narda bago napatingin sa bakanteng espasyo kung saan silang apat pupwesto sa pagtulog.

"Pwede bang ako sa pader malapit?" alanganing tanong ni Regina. Ayaw niyang maging choosy talaga pero hindi niya gusto pumwesto sa gitna. Hindi niya din gusto yung parte sa dulo kung saan pagdating sa dilim parang katabi mo ng tuluyan ang kawalan. Parang anytime may makakapa kang kung ano if ever.

"Oo naman. Ako bahala kila Lexi at Elise," confident pang sagot ni Narda na may kasama pang pagngiti sa dulo.

Hindi pa ito nakuntento at ipinatong pa nito sa kalapit na mesa ang sariling gamit at kinuha ang mga gamit ni Regina na para sa pagtulog at ito na ang naglatag sa espasyong katabi ng pader. Si Regina? Ayun, parang tangang nakatingin kay Narda habang inaayos nito ang tutulugan niya.

"Ayan okay na!" At ngumiti pa uli si Narda nung lingunin nito si Regina. Napatunganga na lang si Regina. At nagsisimula na ring mag-init ang pisngi ng dalaga.

"Why is she so cute? She looks like a puppy when smiling or something," dahil kay Narda ay mukhang mapapdalas ang pagkausap ni Regina sa sarili.

"Oh, nakatunganga ka diyan? Panget ba pagkaka-ayos ko? Di ba pasok sa standards mo?"

At ang pag-nguso ni Narda ay mas lalong hindi nakatulong kay Regina. From that moment she knew that what she feels right now is going to a path that is totally new to her. Isang karanasan na matagal ng alam ng mga tao pero ngayon lang niya pagdadaanan.

"No, its okay, Narda. Nagulat lang ako na may ibang taong tutulong sa akin sa mga ganitong bagay, maliban siguro sa mga katulong namin sa bahay."

"Ibig sabihin di ka sanay? Tama pala na tinulungan kita."

"Narda, ilang taon ng may mga ganitong okasyon na kailangan ko matulog sa ibang lugar kaya syempre alam ko na kung paano. Mukha ba akong clueless sa ganito?"

"Ito naman hindi mabiro."

Alam naman ni Regina na hindi naman seryoso si Narda sa komento nito. Trip niya lang i-guilt trip ang isa. Natawa pa nga siya pagkatapos dahil sa sariling kalokohan niya.

At sa pangalawang pagkakataon ay nakita na naman ni Narda si Regina na tumawa. Sa ganitong mga pagkakataon niya lang nakikita si Regina na malaya. Kita dito na wala itong ibang iniisip kundi kung ano mang ideyang nagpapatawa dito. Hindi man alam ni Narda kung ano iyon ay napangiti parin siya.

Sa tingin ay mas bagay kay Regina ang ganito. Masaya at walang masyadong pinoproblema. Kung hindi palagi ay madalas na para itong umaaktong matanda na may pasan-pasan na malaking problema sa buhay nito. At tingin ni Narda, deserve ni Regina na maramdaman nito ang karanasan ng pagiging bata. Dahil sabi nga ng matatanda, minsan lang ang pagiging bata.

"Oh, ikaw naman ngayon ang natulala?"

"Wala lang, may naisip lang."

"Ano ba iyang naisip mo? Pwede mo naman sigurong i-share?"

Nagpanic bigla si Narda. Naghanap ng isasagot dahil hindi niya naman pwedeng sabihin na natulala siya dahil sa pagtawa ni Regina. At hindi lang iyon ang simpleng dahilan kasi alam niya sa sarili niya na may iba pang rason. And that is because she's developing a crush on Regina. Kung noon ay itatanggi niya ngayon naman ay tanggap na niya. Ngayon lang naging klaro sa kanya kung bakit ginawa niya ang mga bagay na ginawa niya noon para lang matulungan si Regina...ng palihim.

The Letters I Sent (Darlentina AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon