TEASER

79 4 1
                                    

Hi everyone. Sorry napatagal ang next update. Masyado kasing maraming complications na nangyari eh. Sorry 'bout that. Now lemme give you first a little teaser of what the next chapter will be habang hindi pa ko tapos. Enjoy reading!

****

"... Mabuti na lang at nabuhay ka ulit ni Lee, yun nga lang ay hindi mo kami makikilala at isisilang ka sa katauhan ng isang tao, pansamantala ka ding magiging tao hanggang sa marating mo ang ika-labing walong taong gulang mo. Which is, exactly a week from now” sabi ni Lyris, napaisip si Luna, oo nga. Isang linggo na lang at kaarawan niya na, 18th birthday pa at ni hindi niya man lang alam kung makakapag-celebrate pa siya sa lagay niya ngayon.

"Luna, sana pumayag ka na. Para hindi na tayo mahirapan. Ito ang naka-tadhana para sayo. Nakatadhana sayong iwaksi ang kamalian ng mga Purebloods at muling ipakilala sa mundo ang lahi natin. Tayong mga Unknown. Tayo ang dapat mamuno sa mundo, hindi ang mga Purebloods, Luna" sabi ni Lyris, napapikit si Luna at pagdilat niya'y nag-kulay pula na naman ang mga mata niya. Unti-unti niyang dina-digest yung mga sinasabi ni Lyris sa kanya

"Bakit ako?  Bakit kaylangan niyo pa ako?" mahinang tanong ni Luna. Marami pa siyang mga tanong. Mahirap ito para sa kanya. Kaya't di niya talaga maiwasang magtanong kasi bagong landas 'tong tinatahak niya

~*~

Tahimik lamang siyang nakatingin sa grupo ng magkakaibigan na nasa kabilang dulo ng silid, alam niyang hindi siya napapansin ng mga ito dahil masyado silang abala sa pagtingin sa pamilya niyang kasalukuyang nagkakatuwaan sa itaas ng stage.

'Teka, anong ginagawa nila dito?' Tanong ni Luna sa kanyang isipan. Lalapitan niya sana ang mga ito ngunit biglang may sumakit sa dibdib niya. Pinakiramdaman niya ang pintig ng puso niya. Masyadong mabagal. Hindi ganito ang tibok ng puso ng isang tao, pang-lobo ang pintig na ganito. Bakit tibok ng puso ng lobo ang naririnig niya?

Napatingin siya sa orasan. 12:01 am. Sa sandaling iyon, alam niya na ang nangyayari sa katawan niya. Bumabalik na siya sa pagiging Luna, napatingin siya ulit sa magkakaibigan na nasa dulo ng silid at isa lang ang pumapasok sa isipan niya,'Galit ako kay Gino, galit na galit' hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

A/N:

Teaser nga diba? Edi magulo tsaka bitin talaga! Haha! Btw, the full chap will be published probably by May 16 ;)

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon