CHAPTER 27

100 1 0
                                    

CHAPTER 27

Hindi ko alam kung para saan yung sinabi nyang "bye". Yun ba ay dahil pauwi na sya o tinatapos nya na ang pagkakaybigan naming dalawa

Habang naglalakad sya palayo sakin, saka ko naalala yung sinabi sa akin ni Jilted na ngayon ko lang nararamdaman na special nga sa akin si Fhane

Gusto ko syang sundan at habulin pero parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko, pakiramdam ko ay napangunahan na ako ng hiya sa twing naiisip kong ako ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon

Sa sobrang tagal kong nakatayo sa labas ng gate ng school namin ay parang hinayaan ko na lang syang makalayo sa akin kahit parang sa isip ko ay magbabago na ang lahat sa pagitan namin ni Fhane sa susunod na magkita kami ulit kung di ko sya kakausapin ngayon

Pero ng tumagal ay natabunan na sya sa paningin ko ng mga naglalabasan estudyante mula sa gate ng school hanggang tuluyan na syang mawala sa paningin ko

Kung kanina gusto ko ng umuwi ng bahay, ngayon nag-iba na matapos ang nangyari sa'ken ngayon, parang gusto ko ng makakausap at alam ko kung sino ang mas karapatdapat kong pagsabihan nito

Walang iba kundi yung pulubing bulag sa kalsada di kalayuan sa school namin, si Camote cue alyas camote, nakakatawa mang isipin pero sya lang kasi ang nakakaalam ng pagkatao ko, nandito lang naman yun di kalayuan kaya nilakad ko na at maswerte ako dahil nandun pa rin sya sa lugar na yun at walang pinagbago

Bago ko sya lapitan ay binilhan ko muna sya ng tinapay dahil alam kong nagugutom na sya dahil tanghaling tapat na rin yun

"Kuya camote tinapay oh," alok ko sa kanya sabay abot ng tinapay

"Dark ikaw pala yan," sabi nya

"Huh?" sabi ko

Nagulat ako kasi nakilala agad ako ng bulag na ito, I don't know kung sa boses o sa amoy (~__~)

"Ang galing mo naman at nakilala mo agad ako eh bulag ka nga diba?" sabi ko

"Ikaw lang kasi nakakaalam ng pangalan ko kaya alam kong ikaw yan," sagot nya

"Hindi ako naniniwala, I'm sure may nakakakilala pa sayo like your relatives or friends,"

"Diba nga sabi ko sayo na hindi ako tagarito,"

"Okey okey," pagpaparaya ko

Kinain nya naman yung mga tinapay na binigay ko sa kanya at habang kinakain nya yun ay naupo muli ako sa tabi nya gaya ng dati nung una kaming nagkita, este una ko syang makita

"Napadalaw ka yata iho," sabi nya

"Diba sabi mo sa aken nung una, hanapin ko sa sarili ko ang dahilan kung bakit ako ang biniyayaan na makabasa ng isip," sagot ko

"Oh nahanap mo naman ba?"

"Hindi eh, puro problema yata ang dulot nito saken, iniisip ko nga na sana hindi na lang ako nagkaroon ng ganito," sabi ko

"Baket ano bang nangyare?"

"Ang akala ko advantage na para sa akin ang makabasa ng isip pero na-realized ko na may mga sikreto talagang dapat manatiling sikreto, siguro kung hindi ko nalang nalaman na mahal nya ako edi sana hindi magbabago ang tingin ko sa kanya at hindi na sana---," sagot ko pero itinigil ko na ang pagdedetalye sa nangyari sa'min ni Fhane dahil masyadong mahaba

"Ano ba'to pati lovelife ko na-kwento ko na sa'yo" dagdag ko

"Iho Love is Blind," sabi nya

"Tado ikaw yung bulag dyan eh!!"

"Haha, ikaw talaga di na mabiro, pasensya ka na, pagdating sa usapang pag-ibig, pass ako dyan, para sa aming mga bulag, love is blind talaga haha," sarcastic nyang sabi

Napabuntong hininga na lang ako, maski ako ay naisip din ang mga sinabi ko na kung naging ordinaryong tao nalang ako

( "-__-)

"Mukang malalim talaga yang pinagdadaanan mo ah," sabi ni Camote cue sa seryosong mukha "padala mo yung kwento mo kay Papa Dudut ng barangay LS wahahaha,"

"Ba't mo alam yun?"

"Haha anloko naman nito, may tenga pa naman ako, dyan ako nakikinig ng radyo sa may tindahan," sagot nya

"Well hindi ko naman pwedeng isapubliko ang istorya ko, alam mo namang isinisikreto ko yung ability kong makabasa ng isip, baka isipin lang ni papa dudut na isa akong baliw diba,"sabi ko

Sandali kaming natahimik at tanging mga ingay lang ng mga nagdaraang sasakyan ang aming naririnig

"Ayan tama ka dyan Dark," bigla nyang sabi

"Ikaw na nagsabi na may mga sikreto talagang kaylangang manatiling sikreto, kung sasabihin mo kay papa dudut yung ability mo, pag-iisipan ka lang nilang baliw na iyon namang ayaw mong mangyari," dagdag nya

"Eh ano naman yun?"

"Ganun din sa nararanasan mo Dark, kung nalalaman mo man ang mga sikreto nila, ang kaylangan mong gawin ay unawain ang mga to, dyan mo masusubukan ang kakayahan mong magtago ng sikreto ng iba, isipin mo ang mangyayari sayo kung nalaman ni papa dudut ang sikreto mo, diba pinagkamalan kang baliw, ganun din sa sikreto ng iba, maaaring makasama pag pinagsabi mo pa o pinakailaman mo ang sikreto nila, isipin mong mabuti Dark," paliwanag nya

"Pinagsabi, pinakailaman?" sabi ko sa sarili habang hawak ko ang baba ko

Mukhang nakuha ko na ang point, pinagsabi ko nga yata ang feeling ni Fhane sa'ken na sya namang hinayaan kong pakailaman ni Jazer

ITUTULOY . . .

Mystery Life: Hidden StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon