Chapter #18

233 8 0
                                    

                  Rhexyl's P.O.V

Sinalo ko ang isang swift knife na siyang ibinato sa'kin.

"Come out!" Dumako ang mata ko sa malamig na utos na 'yon.

Tumaas ang kilay ko nang makita kong kumuha ulit siya ng weapon at marahan na humakbang patungo sa aking kinaroroonan.

Wala akong choice. Gusto ko pa sanang makipaglaro pero mukhang seryoso siya sa buhay. Lumabas ako sa dilim na pinagtataguan ko.

"Rhexyl?" gulat na saad ni Fhinn pagkakita niya sa'kin.

Mabilis niya ring binitawan ang hawak niyang weapon. Pinaglaruan ko sa aking mga daliri ang binato niya sa'king swift knife.

"Paano mong natagpuan ang hideout ko?" Rinig kong tanong niya.

Abala ako sa pagtitingin sa mga gamit niya. Kanina pa ako narito. Nasaksihan ko ang pagdra-drama niya kanina. Nakita ko ang galit na tinatago niya.

"Wala lang. Just found it accidentally." simpleng sagot ko.

Dumako ang tingin ko sa board niyang may larawan nina Triff at Jiff. "Mukhang malalim ang galit mo sa kambal."

Umupo ako sa swivel chair niya. Maganda ang kaniyang hideout. Napalilibutan siya ng mga maliliit na materials for his gadgets. Siya nga talaga ang technology maker sa grupo nila.

"What's make you mad at them?" tanong ko habang ang mga tingin ko ay nanatili pa ring umiikot.

Isang maliit lang na lungga mayr'on siya pero sapat para sa lahat ng kailangan niya. Hindi madaling matagpuan ang kaniyang hideout. Mukhang bawat isa sa kanila ay mayr'ong sarili-sariling private places.

"They killed my sister." he seriously answered.

Sa aking paglingon, nasaktuhan ng mata ko ang isang picture. "Is that her?"

"Yes," sagot niya.

"She's pretty, and innocent." I commented.

Mayr'on pa itong katabing isang litrato kung saan magkasama na silang magkapatid. Base sa ngiti at closeness nila sa picture. Kita sa kanila na mahal at close sila sa isa't isa.


"What brought you here?" Napalingon ako kay Fhinn.

Ngayon ko lang nakita na maging seryoso sa buhay si Fhinn. Mostly kasi sa tuwing nakikita ko siya, nakangiti at palabiro siya katulad ni Yhoquin.

Naintindihan ko ang kaniyang nakatagong sakit sa kaniyang puso. Hindi ko rin akalain na isa rin siyang biktima ng nakaraan.

"Nothing." bored kong sagot.

Tumayo ako sa pagkakaupo. Nasulyapan ko ang dalawang litrato nina Triff at Jiff. Maging ang picture na nakita ko na kapatid ni Fhinn. Lihim na tumaas ang dulo ng labi ko.

Pagkalabas ko sa lihim na lungga ni Fhinn. Isang makahulugang ngiti ang aking binitawan. Marahan akong tumalikod saka umalis na rin sa lugar niya.

Nang tuluyan na akong makaalis, bored akong nagpagala-gala na lang. Wala akong maginawa sa buhay ngayon. Well, bukod sa ilang tao na ang napatay ko ngayong araw ay hindi ko alam ang gusto ko talagang gawin ngayon.

At yes! Pinayagan na ako ni Sylvester na lumabas. Kaya katulad nga ng sinabi ko ay wala naman akong maginawa sa buhay. Mas lalo ko namang pumasok ngayon sa klase. Mas mabo-boring ako roon at tiyak  akong palalabasin din ako.

Pero ngayong mga oras at simula ng makita ko silang magkakasama nitong nakaraang araw. Bihira ko na lamang silang makita ngayon. Busy yata sila.

       Lumipas ang oras na pagliliwaliw ko. Binitawan ko ang taong hawak ko. Rinig ko ang paglagapak niya sa paanan ko. Habang natutulog kasi ako mayr'ong sumugod sa'kin. Tiningnan ko ang pinatay ko. Galing siyang middle room. Impyernes, lakas ng loob ni kuya.

TAD BOOK II: Caught and Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon