"Tatlong buwan ng hindi umuuwi dito 'yong dating tenant." Informed sa akin ng landlord.
"Okay na po ako dito."
"Ipapalinis ko na lang— Kelan ka ba lilipat?"
"Ngayon na." Napatingin pa sa'kin si Jessy. "Magbibigay na 'ko ng bayad."
"Pero pa'no yan? Nandito pa 'yong gamit no'ng dating tenant?"
"Itatabi ko na lang muna. Okay lang naman sa'kin basta may matulugan sa ngayon." Weirdong napatingin sa'kin ang landlord pati ulit ang kasama ko. "Bukas na lang po ako maglilinis."
Napatango na lang ang katransaksyon matapos kong ibigay sa kanya ang paunang bayad at ipinagkatiwala na sa'kin ang susi. Ibinilin nitong wag akong sisira o magtatapon ng gamit no'ng dating tenant baka daw balikan pa niya, basta daw pagkaisahin ko at i-surrender sa kanya.
"Babae." Dinig kong sambit ni Jessy pagpasok namin sa loob pero di ko na lang pinansin. "Tol, babae 'yong dating renter dito."
"Gusto ko na matulog, umalis ka na." Agad akong sumalampak nang makakita ng couch.
"Ako nakahanap ng studio-type apartment building na 'to tapos ngayong may sarili ka ng tutuluyan, basta mo na lang akong itataboy." Wika nito pero hindi naman mukhang nagrereklamo. Alam kong sanay na siya sa bugnuting pag-uugali ko.
"Pagod ako."
"Sa tingin mo pala, bakit sa malayong parking space pa nag-park si Mikaela? Hindi na lang do'n sa parking area ng bar na pinanggalingan niya?"
Napalingon ako kay Jessy. "Pa'no mo alam yan?" Kahit walang pakialam ay nagawa kong magtaka dahil sa pinagsasabi niya. Paano niya nalamang nag-park sa malayong lugar 'yong babae at galing ito sa isang bar?
"Sige tol. Uwi na 'ko." Hindi niya binigyang sagot ang kwestyon ko.
"Paki-lock na lang ng pinto." Pahabol ko bago siya tuluyang makalabas. "Salamat."
Iniunat ko ang mga binti at ipinatong ang ipinagkrus na paa sa katapat na lamesita at inilubog ang sarili sa napakalambot na kutsong kinasasandalan. Sa pagiging komportable, ayos lang kahit dito na 'ko makatulog kahit alam ko namang ilang oras pa bago ako antukin. Kahit gaano pa kasi ako kapagal sa lahat ng bagay ay hirap pa rin akong makatulog. Lalo na no'ng mawala si Alessa. Pakiramdam ko hindi lang siya ang namatay noong gabing 'yon, pati ako. Lumala ang BPD ko at nadagdagan pa ng panibagong D sa buhay. Nawalan ng interest sa lahat ng bagay at purpose sa buhay. Hindi lang ako sa college na-stuck. Since mawala siya kasama ang anghel namin, nawala na rin ang dating ako. Naging masugid kong bisita ang kalungkutan at naging best friend ang sleeping pills at anti-depressant.
Napahilamos ako ng mukha at napagpasyahang bumangon na lang kaisa kariren ang pagbalik sa nakaraang gusto ko ng kalimutan. Habang naglilibot ay pinagmasdan ko ang mga gamit na narito. Masasabing babae nga ang dating nakatira dahil sa mga pambabaeng gamit na makikita sa bawat sulok ng apartment. Maayos namang tingnan kahit na maraming librong pang-medisina at kung ano-anong mga papel ang nakakalat sa bawat mesang nandito. Meron din akong nakitang stethoscope sa console table at pagbukas ko sa isang closet ay panay clinical uniforms o scrub suit at white coat ang nakasabit. Tingin ko medical student ang dating nandito. Alangan namang Culinary o Accountancy student?
Tinangka kong buksan ang isa sa mga drawers ng cabinet nang biglang may magsalita.
"Who are you and what are you doing here?"
Napatingin ako sa pianggalingan ng boses at nakita ang isang babaeng nakatayo malapit sa'kin. Ang babaeng dahilan ng pagtataka ko kanina sa pagtataka din ni Jessy.
"Are you a thief or something?" Tanong ulit niya na parang nang-iinteroga. "At yang lalagyan pa talaga ng undies ko ang unang punterya mo."
Napataas ang parehong kilay ko dahil do'n. "A-ano?" Saka ko lang na-realized na nakahawak ang kanang kamay ko sa handle ng isang drawer. Agad ko itong binitawan at hinarap ang babae. "Pa'no ka nakapasok dito?"
"Ako dapat nagtatanong sa'yo niyan."
"Ha?"
"This is my flat. How did you get here?"
"I-ikaw 'yong dating tenant dito?"
"'Til now."
Di ko alam pero nai-intimidate ako sa tindig at paraan ng pagtingin niya sa'kin. Naka-cross arms on her chest siya at tinaasan pa 'ko ng isang kilay nang tingnan ko ulit siya.
"Uhm, ano kasi... Pa'no yan? Inoccupy ko na 'tong space mo. Ako na ngayon 'yong nandito."
"Get out of here." Mukhang di niya dininig ang sinabi ko. Lumapit siya sa'kin at tinangka niyang hablutin ako sa kamay para siguro palabasin pero nabigla ako sa nangyari.
Hindi niya 'ko nahawakan dahil tumagos 'yong kamay niya sa kamay ko!
Nagkatinginan kaming dalawa. Pagtataka 'yong nakikita ko sa mukha niya pero ako ay mas takang-taka at sobrang nabigla at talagang di makapaniwala. Sinubukan ulit niya 'kong hawakan pero tumagos ulit ang kamay niya sa'kin.
"Jeez! What's happening?"
Tinangka niya 'kong itulak pero tumagos ang buong katawan niya sa'kin at napunta siya sa likuran ko. Agad ko siyang hinarap at sinalubong niya 'ko ng suntok na di ko naman naramdaman dahil tumagos lang ang kamao niya sa mukha ko.
"What's happening?" Tanong ulit niya pero ngayon ay parang nagpa-panic na. "Oh my God. You're a ghost!"
"Ha? Ako? m-multo?!" Naituro ko ang mismong sarili. Pagkabigla, pagtataka at hindi pagkapaniwala ang sabay-sabay na umarangkada sa ulirat ko at lalong nagulo ang isip ko.
"Ngayon lang ako makakakita ng multo." Di makapaniwalang sambit niya at di maalis ang tingin sa'kin. "As a woman of science, I never thought ghosts are real." Inilapit niya ang kamay at parang sinasampal-sampal niya 'ko sa mukha pero tumatagos lang ito, wala akong nararamdmang kahit na ano.
Hindi kayang iproseso ng nagma-malfunction kong isip ang mga nasasaksihan, napakiramdaman ko na lang na bumagsak ako sa sahig bago mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Divine Dramedy
القصة القصيرة"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll suddenly feel normal." ―Nobody said this in the book, but somebody should have