o8
My life seemed to perfect nung naging kami ni Gelo.
4 months na rin pala. 4 months na ring pala kaming dalawa. Sa apat na buwan na yun, ok na ok ang lahat. Ok si Gelo sa mga kaibigan ko. Pinakilala ko siya sa parents ko at tuwang tuwa sakaniya ang mommy ko. Pinakilala din niya ko sa mommy niya at ok lang din naman. Oo, legal nga kami.
Nung first monthsary namin, sinurprise niya ko.
Birthday kasi ng isang kabarkada naming dalawa nung mismong monthsary namin at nagkayayaan dahil manlilibre daw si kaibigan naming yun. He backed out the night before dahil birthday rin daw ng mommy niya. Hindi siya pinayagan.
So I was surprised nung sinundo namin yung manliligaw ni kaibigan namin sa tapat ng Chowking. Nagulat ako kasi andun siya. Akala ko talaga hindi siya makakapunta.
Hindi ko malilimutan yung first monthsary na yun. Yun din kasi yung first time that we really spent time together as a couple. Hindi namin pinapakita sa school na kami e. Though alam ng marami.
It was the first time that we shared our food, first time na nagsubuan… first time na nagholding hands…
I didn’t want to let go of his hands. Parang gusto ko ganun na lang kami forever.
Tapos ewan ko ba. may kung ano sa tiyan ko tuwing magdidikit yung balat namin.
Ewan ko nga kung normal pa yun e.
The first Christmas we spent together was as special as our first monthsary.
Nung Christmas party namin sa school, late siyang dumating. Tinext niya kong antayin siya sa gate ng school dahil may sasabihin daw siyang importante.
Kinabahan ako nun. Feeling ko kasi magbebreak na kami.
Pagdating niya, naglakad kami papuntang classroom niya.
Hahawakan pa sana niya yung kamay ko kaya lang bigla naming nakasalubong yung guidance councillor. Hehe.
Bago pa man namin marating ang classroom niya, inabot niya sakin ang isang lata.
Lata? Oo. Lata nga.
Wala siyang sinabi. Nagthank you lang ako at ngumiti siya.
Tapos bumalik na ko sa covered court dahil may program na nagaganap dun.
Pinakialaman agad ng classmates ko yung lata na hawak ko.
Teddy bear pala yung laman ng lata na yun. May hawak yung teddy bear na gift box.
Akala ko kasama yun sa design. Nagalit pa ko saglit sa classmate ko nang tanggalin niya yung gift box sa teddy bear pero that’s when we found out Gelo’s true gift.
May laman na singsing yung box.
Nakausap ko si Glenn one time nung kami na ni Gelo. Nagkamustahan. Nagkwentuhan.
Hanggang sa napunta na sa iba ang usapan.
“May nagpapatibok na ba ulit ng puso mo? Pwede bang ako na lang ulit?”
Sabihin niyo nang masama ako. Pero I wouldn’t commit the same mistakes again. Hindi ko na paasahin si Glenn sa wala.
“Sa isang tao lang naman tumitibok ang puso ko e. Noon pa. Masaya na ako ngayon, Glenn.”
Indeed, I was happy being with Gelo.
Pero…
Oo, merong pero.

BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romantizm...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...