Part I: Aftermath

699 13 5
                                    

Aftermath

Months later, sinimulan kong isulat ang kwentong The Perfect Stepbrother.

Ang kwentong yun ang naging outlet ko sa lahat ng emosyong kinikimkim ko.

Simula kasi nang matapos ang kwento namin ni Gelo, unti-unting nabago ang pagkatao ko.

Hindi na ko parating nagkukwento sa mga kaibigan ko.

Lahat dinadaan ko sa pagsulat ko.

Pero ok lang, mas naging matatag naman ako.

Hindi na ko iyakin. Hindi na ko umiiyak kahit nasasaktan na ko.

Ewan ko. Namanhid ata ako.

Hindi na rin ako tumanggap ng manliligaw matapos yun.

Tumigil na rin ata ang pagtibok ng puso ko mula nung…

O kaya naman talagang natakot na lang din akong magmahal.

Dahil nalaman kong nakakatakot din palang masaktan.

Nung second year ako, nadiagnose akong may sakit sa puso. Cardiac dysrythmia.

Nakakatawa. Naging literal pa ang pagkabroken hearted ko bigla.

Hindi naman malala yung sakit ko pero natakot ako nun.

Natakot ako sa posibiladad na pwedeng biglang lumala ang sakit ko at kahit anong oras, basta gustuhin Niya, pwede akong…

…mamatay.

“Because I believe that death wasn’t our enemy.

It’s forgetting.”

—from The Diarist, Epilogue, p.156

Nung third year ako, medyo tumibok ulit yung puso ko. Secret na lang kung kanino. Baka kasi mabasa ‘to ng best friend kong si Kim Constante at mabangas ang mukha ko dahil wala siyang alam dito. Hahaha! Pero wala namang nangyari sa love story na yun. Tumibok lang ulit sandali yung puso ko pero huminto rin agad.

“When you expect, include disappointment.”

—from Heartbreak #26, Chapter 24, p.96

I’ve realized na hindi lahat ng unang dumarating sa buhay natin ay ang leading man ng kwento.

Hindi lahat ng blue colored lines na dialogue ay ang nakakatuluyan ng bida.

Kung minsan, late dumarating ang mga Prince Charming at steelblue ang kulay ng dialogue nila.

Sometimes, we don’t end up with our first loves ‘cause later on in life…

…we’ll meet someone greater than our first loves whom we truly deserve.”

—from Heartbreak #26, Epilogue, p.117

E ano namang nangyari kay Gelo?

Well…Nagtagal sila ni Colleen. Umabot sila ng mahigit isang taon.

I don’t really know the story behind it. Tsismis lang ang umabot sakin.

Pero nung third year ako, may nabalitaan akong isang good news bad news balita.

Break na daw silang dalawa.

Bakit?

Nabuntis si Colleen.

Ng ibang lalaki.

Hindi na ko magpapakaplastik pa para sabihing nalungkot ako sa balitang yun dahil ang totoo, humalakhak talaga ako’t napasabi ng “buti naman”.

Masama na kung masama.

Bitter na kung bitter.

E sa anong magagawa ko kung bumongga ang karma sa kanila?

In fairness to Colleen.

She inspired me. She made me realize something about life.

“Pero kung minsan kasi, masyado tayong nabubulag sa mga bagay na meron tayo.

That’s why sometimes we take them for granted.

Not realizing the consequences we might face after what we did.

Kung minsan, sadyang mapaglaro ang tadhana.

And we simply have no other choice but to face it…”

—from 53.000 steps, Prologue, p.1

Pero kung akala niyo, dito na nagtatapos ang kwento ng manunulat na si Ako…

Ngayong palang sinasabi ko na sa inyong…

Mali ang akala ninyo.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon