WRITING:
Seeking a fairtylate in a world of reality
o9
3 years later…
CLICK
Natigilan kaming lahat.
Walang umiimik. No one dared to move.
Unti-unti kaming nagkatinginan ni Kim and I knew the moment our eyes met e hindi ko na mapipigilan pa ang pagtawa.
“WAHAHAHAHAHA! Ampfufufuf! NYAHAHAHAHAHA!” at talagang with matching pagpalo palo effect pa yan a. Natignan tuloy ako ng masama ni Kim. Hahaha!
E pano naman kasi ako hindi matatawa.
Itong si Istine na dorm mate namin e nagtanong lang naman ng isang katanungang katatawa tawa ang sagot.
“Sino first kiss mo?”
Ok. Little insider. Ang first kiss ng best friend ko ay ang first boy friend niya na medyo ayaw na niyang maalalang naging boyfriend niya and moreover, AYAW na AYAW niyang naaalalang yung first boyfriend na yun mismo ang first kiss niya. Hahaha!
“Ang sama mo. I hate you.” with matching pagpalo rin yan sa braso ko pero di naman malakas.
“Ano nga? Sino nga first kiss mo? Dali naaaaaaa…” O diba? Ang kulit din ng dorm mate namin. Hahaha!
“Eeee. Wa—“
“Si Renz! Hahahahaha!” True friend stabs in front. HAHAHAHAHA!
Pero biglang nanlisik ang mata ni bespren kaya napatago na ko sa unan ko. Haha! Alam ko na ang mga susunod na mangyayari.
“I hate you talaga!” Pero natatawa naman siya habang pinaghahahampas ako ng mahina.
“Eee. Teka… Sino si Renz?” sabat ni Istine sa kalagitnaan ng paglalambingan namin ng aking bespren.
Lalo tuloy akong natawa.
Si kim naman e nagmake face lang at umayos.
Nafeel na rin siguro niyang wala na siyang takas sa panunumbalik ng kaniyang nakaraan. Hahaha!
“Si Renz, first boyfriend ko yun. Matagal na yun.” Tapos tipong nag-isip siya. Ang weird lang e nung parang may naisip na siya e bigla siyang natawa.
Pinigil niya yung tawa niya para makasalita.
“Haha! Kasagsagan pa pala yun ng GelCee loveteam. HAHAHA!” nagkatinginan kami ni Istine na parehong nakakunot ang noo.
“Anong GelCee loveteam?” sabay pa naming tanong.
“Edi…loveteam nina Gelo’t Kc. Hahahaha!” Natahimik ako. Hindi ako natawa.
Napansin naman nilang dalawa yun kaya pati sila e natahimik din bigla.
“Ay. Sorry.” Ngumiti ako.
“Ok lang. Ano ba? Ang tagal na nun. Haha!”
Tama. Matagal na nga yun.
Tatlong taon na nga ang nakalipas e.
Pero bakit ganun?
Bakit hanggang ngayon, may epekto parin sakin yung pangalang Gelo?
Bakit parang hanggang ngayon… hanggang ngayon… parang…
Hindi parin ako moved on?
Pero moved on na ko e.
Alam ko sa sarili kong moved on na ko. Na tanggap ko nang wala na kami ni Gelo at hindi na magkakaron pa ng kami kahit kalian. Aware naman akong matagal nang lumitaw ang The End at matagal nang tapos ang credits ng love story namin.
Pero ewan ko.
Kung minsan, naguguluhan ako sa sarili ko.
Kung minsan, siguradong sigurado na kong wala na talaga kong nararamdaman para kay Gelo. Tipong halos isuka ko na yung pangalan niya, majustify lang na wala na kong feelings.
Pero kung minsan naman, parang…namimiss ko siya. Na parang…gusto ko siyang makita, makausap… parang gusto kong ibalik yung dati. Kahit yung dati bago maging kami, kahit nung panahong ako si Kc, ang babaeng tanga’t martyr.
Kahit sa panahong yun lang…
Bumaba ako sa first floor ng dorm kinagabihan.
Nasa second floor kasi yung room namin. E may pagkabulok ang wifi system ng dorm namin at hanggang first floor lang abot. Nakakainis pa kasi may internet stubs pang nalalaman at 10 pesos worth pa yun na tig-one hour lang naman. Tss. Pero mas ok kesa wala.
Automatic na nagbukas sa browser ko ang mga site ng Tumblr, Facebook, at Teentalk.
Siyempre, patumblr tumblr lang ang drama ko. Konting pastalk stalk sa crush kong Psycho Boy sa College of Science ng UST, at ang walang kamatayang Teentalk (teentalking since 2007). Haha!
Pakalat kalat lang naman ako sa teentalk.
Hanggang sa mahintuan ko ang isang post ng isang lalaking teentalker na ubod ng bolero na sa sobrang bolero niya e mukha na siyang bola. Hahaha! Ito lang naman ang sabi niya:
Acceptance +Distance + Time = Moving On
O diba? Sinong mag-aakalang may matinong masasabi ang isang bolerong tulad niya? (hahaha! Patay ako pag nabasa ‘to ng teentalker na tinutukoy ko! Hahaha!)
Pero kidding aside…
Natigilan ako nang mabasa ko ang post niyang yun.
Bakit?
Kasi napaisip ako.
Acceptance. Matagal ko nang tanggap lahat. As in. Pramis!
Distance. Tatlong taon akong walang communication sakaniya. Pag nagkakasalubong kami sa corridors ng school, hangin siya. Last December 2009 lang nga kami nagsimulang magtext ulit e.
Time. Three years, dude. Three years.
Pero parang hindi naman umepek sakin yung equation na ‘to. Buti na lang may pahabol pa yung post ng lalaking teentalker na bolero.
If that doesn’t work. Try replacement.
Now, that I haven’t tried.
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...