Chapter 10

624 12 4
                                    

1o

Normal na yung magkwentuhan kami sa bus.

Tuwing Sunday, sabay kaming bumabalik ng dormni Kim at hindi na bago ang magkwentuhan kami habang nasa biyahe. Normal nang malaman ng bawat nilalang na nakasakay sa loob ng bus ang kwento ng love story ni Kim, ang mga oops moments namin ni Istine, o ang mga latest happenings sa mga taong kakilala namin aka mga pinagchichismisan namin ni Kim. Hehe.

Hindi na rin bago na kami lang ang tanging nilalang na maririnig mong magsasalita sa loob ng bus. Well… its what best friends do right?

Pero ang bago sa set-up namin ngayon ay ang mismong pinag-uusapan namin.

“Matanong nga kita, nakamove-on ka na ba talaga kay EJ?”Kumunot ang noo niya.

“Alam mo kasi, Kim. Sa nakikita ko a? Meron pang konti e. Kasi hindi mo siya mabitiwan. Kahit sobrang pang-gagago na yung ginawa niya sayo noon…kahit na may Mikiel ka na ngayon. So…meron pa yan. Kahit konti.” Ngumiti si Kim tapos tumingin sa flat screen tv ng Jac Liner, the first and only in the industry with free wifi ;)

PS. For more information about my bestfriend’s love life, to know who EJ and Mikael are…abangan ang Stupid Diaries. Coming this summer. ;)

“E ikaw, Kc, matanong kita. Bakit hanggang ngayon hindi ka pa fully na nakakamove on kay Gelo? Kahit sobrang pang-gagago na yung ginawa niya sayo noon? Kahit ilang taon na ang nakalipas?” Ok. So this is how the turn of events would go?

“The way I see, moving on is like the process of writing. Merong pre-writing stage, writing proper stage, at post-writing stage. Nagsisimula sa paghahanda sa sarili para magmove on. Ito yung pagtanggap sa sarili mo na…wala na. The end lang ang meron kayo at wala talagang happy ending.” This time, tumingin na siya sakin. Ako naman, nakaharap sa kaniya pero sa bintana na katabi niya nakatingin, nag-iisip.

“Then comes the proper stage of moving on. Ito yung pagtayo mula sa pagkakadapa. Dito, you’re creating a whole new composition of your life. Pero once in a while, kailangan mong magbaliktanaw sa nakaraan. See the errors you’ve committed at subukang itama iyon sa bagong “composition” na ginagawa mo.” Napangiti ako. Ang lalim ng pinagsasabi ni Kim. Nakakalunod!

“At tulad ng unang sabi ko, proseso ang pagmomove on. Unti-unting nagagawa pero hindi overnight natatapos. Iba-iba ang length of time bago maisakatuparan ito. Maaaring tatlong buwan lang sakin pero tatlong taon sayo. It really doesn’t matter because at some point we will both move on.” Sa totoo lang, mangiyak ngiyak ako matapos niyang sabihin ang speech niya. Grabe a.

Akalain niyong naisip yun ng bespren ko? Hahaha!

Nang marating namin ni Kimang dorm, siyempre binaba muna namin yung mga gamit namin. After that e lumabas ulit kami ng dorm para kumain sa KFC.

Nakagawian na rin kasi naming kumain sa KFC every Sunday. Kilala na nga kami ng mga tao dun e. hehehe. Siyempre, lahat yan e naganap habang kaming dalawa e tuloy lang sa pagkukwentuhan.

“Hahaha! Oo! Tapos naalala mo nung—“ ngunit sa kalagitnaan ng kwentuhang ito e biglang ngumuso ang nguso ni Kim habang nakatingin sa may likod ko.

Naputol tuloy ang sinasabi ko sabay taas ng kanang kilay.

“Tignan mo o. Kamukha ni Mateo Guidicelli.” Si ako naman e lumingon sa direksyong tinutukoy niya. But when I was about to lay my eyes on the person she was talking about…

“Nice. Mateong Mateo nga ang…LIKOD.” Yep. Sakto lang naman na tumalikod siya paglingon ko. Edi kitang kita ko tuloy yung likod niya.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon