12
“Hi, Kc!”
Napangiti na lang din ako.
Napagiggle naman yung mga babaeng kasama nila. K.
Bumalik na ko ulit sa pagkukunyareng text.
Feeling ko sa mga sandaling ito, itinatanong niyo na sa mga sarili ninyo kung sa wakas ba e nakita ko na ang pagmumukha ni Mateo chuchu. Well… to answer that question…
Hindi. Sa kadahilanang may dalawang babaeng nakaharang nang siya ay kumaway. Natakpan ng ulo nung mga babae yung 75% ng mukha niya. Meaning, mata lang ang nakita ko.
O diba? At least improving. Nakita ko na this time kahit yung mata lang. wahahaha!
Minutes later, dumating na sa wakas si ISTINE!
Sa wakas talaga! Dahil gusto ko na iwrestling sapagkat iniwan niya kong mag-isa upang harapin ang mga awkward moments na iyon. Pfft.
“Ang tagal magserve nung babae sa cashier. BV.” Sisihin si ate sa cashier! Sisihin!
“Uy, grabe!” Kumunot ang noo ni Istine habang umuupo sa upuan sa harap ko.
Badtrip talaga ‘to. Pahihirapan pa kong magkwento.
Doon pa sa tapat ko umupo.
“Bakit?” Pinalapit ko siya sakin para makabulong ako. Pero dahil pareho kaming kapos sa height, naging mahirap para sa amin ang gawaing iyon.
“Si EJ, nasa kabilang table.” Nanlaki ang bilugan niyang mga mata. Nagcontract ang muscle ng braso niya. (A/N: kung saka-sakaling mabasa ‘to ni Istine… PEACE!) at automatic siyang napatingin sa mga nilalang na nakaupo sa katabi naming table.
“Yun?!”
“Hindi. Nasa lane mo e. Dito ka kasi.” Napilitan tuloy siyang lumipat sa tabi ko para masilayan niya ang pagmumukha ni EJ.
“Oooh…” Pasimple niyang tinignan si EJ pero obvious kasi nagbubulungan kami tapos pareho kaming nakatingin sa bandang table nila.
Pag talaga magkasama kami nitong si Istine e FAIL lagi e. hehe.
“Anong masasabi mo?”
“Hmm… Ok lang. Swak na swak siya sa pagkakakwento ninyo.”
You see, hindi namin classmate nung high school si Istine. So wala siyang kaalam-alam sa physical features ng mga characters ng mga storyang pinagkukwento namin sakaniya. Co-incidence lang naman na blockmates kami at dorm mates rin e.
“But wait! There’s more!” Kung minsan, masaya sanang batukan ‘to e.
“Kung yun si EJ, ibig sabihin… yung isang lalaki ay si…” Hindi ko na pinatapos pa ang dialogue niya dahil humahaba na ang exposure niya so tumango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...