Chapter 13

435 8 2
                                    

13

I was getting more and more worried.

Matapos ikwento ni Kim ang mga pangyayari kanina lamang, bilang best friend, hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Lalo pa’t nakita kong ganun yung itsura ng mga mata ng kaibigan ko? Lalong hindi ako dapat umupo lang ngayon.

Dapat may gawin ako.

Buong Chemistry class, iniisip ko kung paano ko kakausapin si Mikael. Sa kanilang lahat na involve, siya ang pinakanasaktan sa mga nangyari. Si Kim, nasasaktan dahil nakakasakit siya. Si EJ, hinayupak yun. At si Wayne, isang malaking extra.

I planned to talk to Mikael after ng 4-7pm class ko. Hindi ko exactly alam kung anong sasabihin ko sakaniya basta alam ko may dapat akong sabihin.

And so…that’s what I did.

To: Mikael

Message: psst. Musta?

Well… I didn’t exactly know kung anong sasabihin sakaniya.

Kung paano simulan. Plus, medyo may iba rin akong ginagawa nun so matagal bago ko nabasa yung reply niya. FAIL. :)

From: Mikael

Message: uhm. Ok lng.

Medyo Malabo na sa aking alaala yung simula nang aming pag-uusap.

Basta ang alam ko, nagsimulang magbago ang gabi ko sa text message na ‘to…

From: Mikael

Message: May katext si Kim?

Napakunot ang noo ko nang saktong pagbasa ko nun e tumayo si Kim, dala ang laptop niya para bumaba sa lobby ng dorm. May bisita kasi siya e.

Nagduda lang ako. Bakit ako tinatanong ni Mikael kung may katext si Kim kung magkikita naman sila sa baba? Well, si Mikael lang naman ang parating bumibista kay Kim nang ganitong oras e.

To: Mikael

Message: Nasa baba ka ba?

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Instead, tinanong ko rin siya.

Naguguluhan kasi ako ee.

“Ang weird ni Mikael. Tinatanong kung may katext si Kim e magkikita naman sila sa baba.” Napatingin sakin yung dalawa kong dorm mate at napangisi na parang sinasabing “hindi, patay ka.”

And indeed, patay nga ako.

“Hindi kaya si Mikael yung nasa baba. Sina EJ at Wayne.”

“Oo. Kanina pa nga sila magkatext niyan e.”

Napalunok ako.

Biglang umagos lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

WHAT HAVE I DONE?!

And to make things a lot worse…

Mikael

Calling…

“Oh my pakeningshet. Tumatawag si Mikael. Anong gagawin ko? Sinabi ko sakaniyang nasa baba si Kim! Akala ko kasi siya yung nasa baba eeee!” Ok. Hinga hinga.

TAE NATETENSE AKO!

“Sagutin mo, tange.” Napalunok akong muli habang tinitigan ang tumutunog kong cellphone na may nakalagay na Mikael calling sa screen.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon