14
Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito. AS IN.
“Actually, dapat hindi ako sasabay sayo ngayon pabalik ng dorm e.” Yep. It all started with this line. Dito talaga nagsimula ang gabi ko e.
“Hmm? Bakit?”
“E diba, sumali si EJ sa dance troupe nung sa UE?” Automatic akong natawa.
Seriously. Natawa ako.
Lagi naman akong natatawa kapag nababanggit ni Kim si EJ at ang dance troupe na yun. E kasi naman…
HINDI BAGAY! Hahahahaha!
“O, anong meron?” Nagpipigil ako ng tawa.
“Ngayon kasi yung laban nila. Sinasama ako ng parents ni EJ kaya lang masyadong maaga kasi e.” Tumango tango na lamang ako.
Marami kaming napag-uusapan ni Kim habang nakasakay kami sa bus pabalik ng dorm. Parati kasi kaming sabay niyan tapos ayun. Bonding time na namin yung pagkukwentuhan sa biyahe. Ang ingay ingay nga namin dun e. Pakiramdam ko, alam na alam na nung buong bus yung mga kaganapan sa buhay namin. Kami lang kasi yung kwentuhan ng kwentuhan.
Actually, hindi lang kami sa bus nagkukwentuhan. Pati sa LRT at jeep. Bale tatlong sakay kasi bago namin marating ang dorm. Una sa bus, tapos sasakay ng LRT tapos jeep. And then tadah! Welcome back sa dorm!
Hindi ko lang talaga ineexpect na yung pinagkukwento ni Kim kanina tungkol sa dance troup, EJ, at strawberry cheesecake na gawa niya e may ipinahihiwatig.
Kaya ayun. Parang wala na kong nagawa nung sinabi niyang…
“Magkikita kami nina EJ at Wayne sa Mcdo Morayta. Sama ka?” Hindi ko rin gets ang sarili ko nung moment na yun. Hindi kasi ako nag-isip e. Bigla ko na lang sinabing…
“Tara.” Ngumiti si Kim. Yung ngiting… basta! Yung ngiting yun! Hahaha!
“Sigurado ka? Ok lang?” Tumango ako. Trying not to show any emotions.
The next thing I know e nakaupo na ako sa isang table katabi si Kim sa left, si EJ sa right, at katapat ang dalawang nilalang na ngayon ko lamang nakita.
“Ad (eyd), Wayne. Si Kim, KC.” With matching pagturo pa niya niyan samin ni Kim para madistinguish kung sino si Kim at sino si KC. Ginawa rin naman niya yun kina Adrian at Wayne.
And yes.
Nakita ko na ang pagmumukha ni Wayne.
Sa wakas.
Tapos kumain na kami.
Ang tahimik. Walang nagsasalita.
Alam niyo yung awkward silence? Ganun lang naman.
Kaya rin bigla akong napapatext sa cellphone ko kahit wala naman talaga kong katext. Habit e? hehe.
Pero dahil na rin sa sobrang tahimik naming lima e nagulat kami ng bonggang bongga nung…
“HOY! Magsalita naman kayo!” Si Adrian. Nagulat kaming lahat at ang automatic reaction namin e ang tumawa. Hindi ko rin alam pero parang may something kay Adrian na tignan mo palang matatawa ka na.
At for some reasons, biglang pumasok sa isipan ko si Istine sa mga sandaling ito.
Wolo lang. Their chemistry is so strong that I can see it without them being together. Ehem. Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...