Chapter 15

457 7 1
                                    

15

Ito na.

Ito na ang umpisa ng sigwa.

Pramis! Sobra kong pinagsisisihang nakita ko pa ang pagmumukha nung Wayne na yun.

“Ay grabe, Istine. Nakita na ni KC si Wayne.” Haay…

“Oo nga. Nagtext siya.” Yep. Isa sa mga pagkukunyare kong pagtetext e totoo. Tinext ko siya’t sinabi kong kasama namin sina EJ at Wayne. Para naman hindi siya huli sa balita.

“O? Kamusta naman?” tanong niya sakin wearing that smile.

Siyempre, wala na naman akong gana sa buhay.

Nararamdaman ko na ang mga kaganapang magaganap e.

“Uh. Ok lang.” ayoko talagang magcomment dahil alam kong lahat ng lalabas sa bibig ko e magagamit nitong mga kaibigan ko against me.

“Ayiee! Anong ok lang?” See? Kahit ok lang sinabi ko, nadugtungan pa din ng ayiee.

“Anong nangyari?” Tanong niya kay Kim.

“Ee. Si KC na pagkwentuhin mo.” Tinignan ako ni Istine, inaantay ang pagkukwento ko. Pumasok naman akong CR pero nakasilip pa din ako sakanila.

“E ayun. Nagpunta kaming Mcdo. Kumain. Nagkwentuhan. Ayun na.” inalis ko na ang tingin ko sakanila at kinuha yung toothbrush ko.

“Ee. Hindi naman ganun e. Ganito kasi yan…” at nagsimula na po silang magkwentuhan. Ako pa kasi pinagkukwento, siya rin naman talaga magkukwento pala. Tsktsk.

Pinakinggan ko na lamang ang kanilang usapan habang ako ay nagtutoothbrush. Bukas naman kasi yung pinto ng CR kung magtoothbrush ako e.

“Ayun. Grabe. Nakakakilig. Ang sweet nila.” WHAT THE HELL? Anong sweet dun? SABIHIN NIYO! ANONG SWEET DUN?!

“Anong sweet dun? Tigil tigilan niyo nga ako.” Lumabas na ko niyan sa CR para magbihis. Sinalubong naman ako nung dalawa kong kaibigan ng kakaibang ngiti. Nagkakaintindihan na tayo sa ngiting yun. Hehe.

Napangiti na lang din tuloy ako.

Ang adik naman kasi e.

“Luka! Ang sweet niyo kaya. Magtatanong si Wayne tapos sasagot si KC. Ahaaaay!” k.

“Nakow.” Ang ikli ng sinabi ni Istine pero her face says it all naman. Another k.

Naparub na lang ako ng mga mata.

Nangingiti na lang ako sa kalokohan nitong dalawa e. Pambihira.

Buti pa si Angelica. Nananahimik sa sulok. Pagawa gawa na lang ng plates niya. Hehehe.

Lumipas ang gabi. Siyempre nagpapasalamat ako at natapos yung gabing yun dahil tinadtad lang naman ako ng panunukso nina Kim. Pero grabe. I don’t know which is worse. Yung panunukso nila kagabi…

…or ang mga kaganapan ngayon.

“Yihee! Kenneth!” Biglang epal nung epal kong blockmate.

“Eh? Shut up, Jomar!” Nakakainis yan.

Bigla na lang akong tinukso kay Kenneth.

E teka, sino ba si Kenneth?

Classmate ko nung grade school, bespren ng puppy love ko. Hahaha! E it so happened na nung umalis sa school namin si Kenneth, dun siya nalipat sa school nina Jomar. Tapos blockmates kami ngayon ni Jomar. Galing noh?

Pero epal lang yang si Jomar. Wala akong gusto kay Kenneth. Malabo mangyari yun.

“Woah? KC a. Kumekenneth. Lagot ka kay Wayne.” Seriously. Kung anu-anong facial expressions na ang nagawa ng mukha ko pero wala akong masabi. Nakakaspeechless.

Tumawa lang itong si Istine.

“Excuse me. Ayoko sa dancer.” Dancer kasi si Wayne. Hindi ko naman talaga ayaw sa dancer, gusto ko nga e. ayaw ko lang kay Wayne. Haha!

“Psst! Jomar, dancer ba si Kenneth?”

“Hindi. Pero varsity siya ng football.”

“Ahh! Di ba, KC, gusto mo ng mga athletes?” ugh. This is madness!

“Ayoko. Ayoko ng dancer. Ayoko ng athlete. Period.” Tumawa si Istine. Asar ‘to. Nang-aasar ee.

“E sinong mas gusto mo? Si Kenneth? Si Wayne?” masasakal ko na ‘tong si Istine e. Konti na lang.

“Ay ewan ko sayo, Istine.” Umirap lang ako sabay tumawa siya. Tapos nabaling yung tingin niya sa iba.

“Uy, diba kakilala ni Mari si Wayne? Tara, tanungin natin. MARI!” ohkay. Hindi na talaga sisikatan ng araw si Istine mamaya.

“Yes?” All smiles pa itong si Mari.

“May kilala kang Wayne?” talaga nga naman o. Direct to the point pa.

“Uh. Oo. Classmate ko nung high school.”

“Mabait ba yun?” talaga nga naman ‘tong babaeng ‘to o.

“Oo. Mabait yun. Gentleman.” At mukhang convincing ang sinasabi niya dahil sa facial expression niya. Tumawa naman si istine.

“O? E mabait pala e.” Sabay giggle at tingin sakin ng nakakaloko. Nanlisik tuloy yung mga mata ko ng wala sa oras. Pati tuloy si Mari napatingin sakin. Tss.

“Bakit? Kilala niyo si Wayne?”

Napabuntonghininga na lamang ako.

“Kasama namin sila kahapon e.” Istine’s going to be dead soon. Patay talaga sakin ‘tong babaeng ‘to.

“Ah! Paano mo nakilala si Wayne?” ayan tuloy. Nakakainis talaga.

“Classmate niya ngayon yung classmate ko nung high school e.” Biglang naglighten-up ang mukha niya.

“Si Ej?” ako naman e nagulat.

“Oo! Paano mo nalaman?” Nevermind Istine’s agenda. Naamaze lang din ako’t ang liit lang kasi ng mundo.

“Nakita namin ni Kisha si Wayne dati e. Kasama si EJ.” Well… humahaba na ang exposure ni Mari sa kwentong ito kung kaya’t pupunta na ko sa puno’t dulo ng exposure na ito.

“Ex yun ng bestfriend ko e.”

“Si EJ? Ex mo?” WHAT?! San napunta yung salitang ‘best friend ko’? Like hello? Ako nga ang number 1 member ng Anti-EJ club e. moreover, ako pa ngaang founder nun.

Tumawa silang dalawa ni Istine.

“Uy, hindi a. Kay Wayne yan e. yihee!”

“Yihee! Wayne ka pala a. Yihee!”

Ok. Can I just die? Like right now?

Doon na nagsimula ang lahat. Kakayihee sakin nina Istine at Mari e narinig ng iba kong blockmates. So magtatanong sila kung ano yun, sasagutin naman nina Istine. At madadagdagan ang army nilang nanunukso sakin kay Wayne.

Really, isang buong lingo akong tukso kay Wayne.

Nonstop.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon