Chapter 16

414 12 4
                                    

16

Naging kakabit ko na ang pangalan ni Wayne.

Oo, kinasal na kami. Igoogle niyo pa.

Pero joke lang yun. Hehe!

Pero di nga. Lagi na lang nababanggit si Wayne pag ako ang pinag-uusapan. Medyo nasanay na nga rin ako e. or not.

Sa sobrang parati nila akong tinutukso kay Wayne, hindi ko na alam kung paano ako magrereact.

Minsan, pangiti-ngiti na lang ako.

Minsan naman, no visible reaction.

At minsan din, galit-galitan naman ang drama ko.

Mari Ferrer: hi, KC!

Nagulat ako nang biglang magPM sakin si Mari.

Well… Saturday ngayon at hindi normal na magPM siya sakin kung hindi school related.

KC de Jesus: hello!

Medyo may katagalan bago siya nagreply ulit.

Sabihin na lang nating nakapagbasa ako ng isang update ni mommy Jess ko sa story niyang Tossed Coin.

Pero naman. Nang magreply naman e…

Mari Ferrer: I’m with Wayne right now. Yii

Natawa ako.

Pambihira kasi e. Sabado na nga’t lahat, di ko parin natakasan yung panunukso.

KC de Jesus: haha! Ikaw talaga.

Yun lang ang sinabi ko.

I was expecting na matagal ulit siyang magrereply pero this time mabilis na.

Mari Ferrer: Pinapasabi ni Wayne:                                         

                    “hi <3”

                   Haha!

                   yii

K. Kailangang may heart? Kailangan?

Pero ewan ko a. Honestly, napangiti ako.

KC de Jesus: tell him I said hi too. :)

Mari Ferrer: yiii

                   hi din daw sa laguna.

                   yii Wayne knows where you live. Haha

Pati laguna dinadamay e.

Pambihira.

KC de Jesus: dude, I live in the same place EJ lives.

Like hello? Close sila ni EJ?

Malamang lamang alam niya ang lupang tinubuan ko tulad ng pagkakaalam ko ng lupang tinubuan niya dahil kaklase ko si Mari. Diba diba?

But anyway…

I have a confession to make.

Sa totoo lang, hindi naman ako sobrang against kay Wayne. Hindi ko naman siya sobrang ayaw. Mabait naman siya. Hindi ko nga lang type yung physical features niya like the muscles and the hair pero mapagtitiyagaan naman yun e.

Tsaka kung minsan, nakakatuwa rin yung may taong itinutukso sayo.

Kung minsan, kahit wala ka naman talagang feelings sa taong yun e hindi mo mapigilang kiligin.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon