POST-WRITING:
Because there’s our expectation on the contrary of reality.
<<<Now Playing: Airliner>>>
Thursday palang pero umuwi na ko ng Laguna.
Wala kasi kaming pasok from 1pm onwards tapos masama na talaga ang pakiramdam ko kaya napagpasiyahan ko nang umuwi ngayon at mag-absent na lang bukas.
Kung hindi niyo na naitatanong e tatlong linggo na akong inuubo at pabalik balik ang lagnat ko. So I really needed a rest. Pero bago ko tuluyang maisakatuparan yun e nagtungo pa muna ako sa bahay ng blockmate ko kasama ang groupmates namin sa Biology Lab para gumawa ng project on Ecology.
Hinatid naman niya kami ulit sa UST dahil taga-paranaque pa siya.
Pagkahatid niya samin, saka ako lumarga.
4:30 nakasakay na ko sa fx at nagsimula nang bumyahe.
Hindi ko lang ineexpect na sa dulo ng byahe e may surpresang naghihintay sa akin.
Paliko na ang fx na sinasakyan ko sa terminal ng jac liner at naghahanda na akong bumaba nang sa di ko maipaliwanag na dahilan e napatingin ako sa labas ng bintana.
Parang nagslow motion ang paligid ko, nagtune out lahat ng tunog sa paligid ko, halos pati paghinga ko natigil sa ilang segundong pananatili ng mga mata ko sa kaniya.
Oo, siya nga.
Yung taong minsang nagbigay sa akin ng sobrang kaligayahan.
Yung taong halos ikagunaw ng mundo ko nang ako’y nilisan.
Yung taong, kahit anong gawin ko, kahit gaano katagal ang panahong lumipas, nananatili pa ring espesyal.
My favorite story to tell: Gelo.
“Manong, sa tabi lang ho.” Bigla akong bumalik sa mundo. Sa totoong mundo.
Bumaba ako ng fx.
Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong nagmadaling maglakad. Yung tipong may humahabol sakin pero wala naman. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Nakakairita.
“Kuya, san po yung Balibago?” shemay. Ba’t ba ko nagmamadali?
“Ay wala pa. Pila ka muna dun.” Sabay turo ni Kuyang employee ng Jac liner dun sa pila.
Napabuntonghininga ako. Ang haba kasi ng pila. Kaasar.
Pero dahil no choice naman ako e dali-dali akong nagtungo doon.
Yun nga lang, pagdating ko sa may unahan ng pila e…natigilan ako.
Paano, andun siya sa harap ko. Nakayuko. At isang tao lang ang nasa pagitan namin.
Iniwas ko agad yung tingin ko bago pa man niya ko mapansin.
Tinignan niya ko. Naramdaman ko.
Nagmadali akong pumunta sa dulo ng pila..
Dumaan siya sa left side ko pero sa kanan ako nakatingin kahit na bus lang naman yung andun.
Tae. Nasa likod ko lang siya.
“Mauna na po kayo.” Narinig kong sabi niya sa isang matandang babae. Yun na ngayon yung nakatayo sa likod ko. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag.
Hindi naman nagtagal at dumating na yung bus.
Sa pangalawang bus na ko nakasakay kaya medyo konti palang yung sakay.
BINABASA MO ANG
The Novelist: Confessions of a Writer
Romance...because every writer has their own hidden stories. Copyright © 2011 by prettychq18 All rights reserved. NO part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, or stored in a database or retrieval s...