Epilogue

697 17 13
                                    

EPILOGUE

<<<Now Playing: Collide>>>

Ako si KC, isang manunulat.

Pero isa rin akong tauhan…tauhan sa kwento ng aking buhay.

Tauhan sa kwentong isinusulat ni Bro.

Maraming characters ang bumubuo sa cast ng love story ko at sa araw-araw, patuloy pa itong nadadagdagan. Pero may mga ilang nagstand out.

Andiyan sina Kim and friends na handang makiiyak, makitawa, at mambatok sa oras ng pangangailangan. Andiyan ang pamilya na hindi mawawala sa tabi ko, mawala man ang lahat sa buhay ko. Andiyan rin ang mga tulad ni Wayne na paguesting guesting lang ang drama pero nagbibigay ng kahulugan sa buhay.

At siyempre… si gelo.

Isa sa may pinaka-importanteng role sa kwento ko.

Hindi ko man masabing siya ang leading man ko, sigurado naman akong kahit sa isang kabanata ng buhay ko, siya ang naging prince charming ko.

Marami akong natutunan sa relationship na yun at ang pinakamahalaga doon ay yun bang reality ng buhay. Masasabi ko kasing eto ang tunay na love story. Ang daming twists and turns. Hindi lahat ng inaasahan e nagaganap. Hindi lahat ng gusto e nakukuha. Hindi lahat nagtatagal. At hindi lahat may happy ending.

Pero may happy ending ako. May happy ending din siya. Wala nga lang happy ending kaming dalawa. At least ngayon, alam ko na na hindi si Gelo ang leading man ko at ang tunay na prinsipe ay andiyan lang…

Pagala-gala sa paligid ko.

“Uy. Mauna na ko. Hindi ko na maaantay si Katie. Andiyan na yung sundo ko e.” Naunang magpaalam si Clareen. Manonood sana kasi kami ng recognition ni Katie kaya lang dumating na yung sundo niya.

So kami na lang ni Ria ang naiwan.

Pero hindi naman nagtagal e kinailangan na rin umalis ni Ria.

So ano pa nga ba edi ako na lang mag-isa.

Sumayaw yung UST Salinggawi para sa intermission number. Nakakakilig yung sayaw nila. Tipong masarap sana panoorin kung may katabi kang special someone.

“Do you believe in destiny?”

Napatingin ako dun sa taong nasa tabi ko. Napakunot ang noo ko.

Ako bang kinakausap nito?

Pero kaming dalawa lang naman nakaupo dito sa bench.

“A-ako?” Tinanong ko. Kahit nakakahiya’t muntanga lang ako.

“Mmm hmm…” Weird. Nagsasalita siya pero di naman niya tinitignan. Di ko rin naman siya kilala. Weird talaga.

“Uhm… I think so?” This time tinignan na niya ko at…ngumiti.

“Thanks.” Tapos nagsulat siya sa papel na nasa lap niya.

Ang weird naman ng taong ‘to.

Hindi naman na siya nagsalita ulit pero later on bigla na lang siyang tumayo.

“Siya nga pala, ako si Prince.” Inabot niya sakin yung right hand niya na tinanggap ko naman.

“KC.” Ngumiti ulit siya.

“Ge. See you around!”

This time, ako naman ang ngumiti.

Sabi sa inyo, pagala-gala lang yung prinsipe ko e.

So… paano?

Hanggang dito na lang.

prettychq18 is signing off.

The Novelist: Confessions of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon