Chapter 9- Chances

12 0 0
                                    

Hayy, salamat, natapos din ang trabaho ngayong araw, sa first day ng Eprata adventure namin. Although nakakapaginit padin ng ulo si Mr. Andres na bastos, pero carry naman na. Maybayad naman to, and trabaho lang naman talaga to. Wow, kainan na, parang fiesta naman dito, ang daming masasarap na pagkain. Oh, toasted oyster na may kesong tunaw sa ibabaw, ano kayang lasa nito? Nako, ang sarap, parang natutunaw sa loob ng bibig ko. Ito naman, ano to? Sliced chicken na may sauce na puti? Anong lasa nito? O, may mga sibuyas na gayat pa sa ibabaw. Hala ka, sobrang sarap, sumasabog sa buong dila ko ang naghahalong creaminess at tamis ng manok na to. Oh ang dami pa oh, ano tong korteng isda na kulay green? Ang ganda ng pagkakagawa dito ah, hugis isda talaga, pero bakit color green?

"Hot&Spicy, ang pagkain tinitikman hindi tinititigan. Why don't you try that one, yan, the color green with a texture like a clay, but shaped like a fish. That's so delicious, sobrang sarap niyan Hot&Spicy."

"Wag mo nga akong tawagin Hot&Spicy, Paneng, pwede Paneng panagalan ko Mr. Andres! Tsaka wag mo nga ako pinapakielamanan sa kakainin ko. Ayoko nga tikman yan, doon ka nga."

Pakielamero pa tong cute na maliit na may sungay na to. Masarap nga kaya to. Naiintriga talaga ako, malayo layo naman na siya at hindi na nakatingin saakin, tsaka kausap niya yung iba niyang empleyado. Hindi naman siguro masamang tikman to. Kumuha ako ng kutsara, isang kutsara nitong berdeng isda na to. Aba oo nga parang clay ang texture. Parang matamis at masarap nga yata to ah. Isinubo ko lahat, nilasap ko, hanggang hinayaang ko na dumampi sa dila ko ang pagkain na to.

"Ahhhhhhhhhh!!! Tubig!!! Ahhhhh! Ang anghang!!!!! Tubig"

Tumingin ang lahat saakin, wala akong mahanap na tubig, napakaanghang nito, nasusuka ako. Wala akong magawa, napahiya ako sa lahat. Tumagaktak ang pawis sa buo kung katawan, hanggang may nag-abot saakin ng malamig na tubig.

"Hahahaha! Hindi mo pala titikman ahh, uto uto kanaman pala eh, Wasabi yan! Hahahhaa! Masarap ba? Hot&Spicy?"

Hindi na siya nakakatuwa, nagmukha akong tanga sa lahat. Oo hindi ko nga alam yun pero hindi naman tamang pinaglololoko niya ako, nakita na nga niya eh, hindi man lang niya pinaalam saakin na maanghang pala yun! Anong malay ko sa Wasabi na yun. Nag walk out nalang ako, pumasok ako sa loob ng tent namin ni Dillion. Nakakahiya talaga, pero wala na ako magagawa.

--*---*--*--*--*--

"Hahahaha! She's so funny, she looks so funny! You should have seen that Beth, she swallowed one spoon of Wasabi! You should have seen her face, she turned red, and all the sweat on her face! Pero at least I was so kind enough to give her a glass of water."

That was the funniest thing ever. She ran away and go directly to her tent, siguro sobrang hiyang hiya siya sa nagawa niya. She's crazy. I can't stop laughing, and after sometime, one guy approached me.

"Mr. Andres, pwede ko po ba kayo makausap ng saglit?"

"Yeah, sure, I'm sorry, I just had my day, pero don't mind me, what is it?"

"I'm Dillion, Mr. Andres, one of the assistant photographers and I'm also a friend of Paneng, yung babaeng kumain ng Wasabi. I hope you don't get me wrong Mr. Andres, but with all due respect, nakakatuwa nga ho sigurong makakita ng taong napapahiya, o yung taong halos masuka na ho at hindi na maintindihan yung itsura dahil kumain siya ng isang kutsarang Wasabi. Pero sometimes you have to place your jokes Mr. Andres, sana alam niyo ho muna na allergic ang kaibigan ko sa maanghang, and now she's having a hard time to breath, and not only that, she was humiliated to everybody, just because you want to make fun of her, you'll forgot to respect her as a person. Excuse me po."

All the smiles in my face suddenly disappeared; Maybe I did too much. This time I felt guilty, this time I feel sorry for her. I forgot to treat her right, na kahit naman na we hated each other so much, I should have treated her the right way. We already had a deal, pero I still played around. Her friend was right. Anong gagawin ko? Should I check on her, if she's already feeling well? If she's okay now. Kung nakakahinga na ba siya ng maayos? Sometimes I'm so stupid. I'll just take a shower, and I'll go to her and check if she's alright.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Money Can Buy Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon