Chapter 132: We all need somebody

102 2 2
                                    

Gemeniano's Residence

Wendy's POV

Di ako mapakali. Anong oras na? Wala pa si Mark. Tingin ako ng tingin sa orasan. Mag aalas otso na. San naman kaya yun nagpunta?

Lumabas ako at naghanap ng payong nang bigla naman akong harangin ni Jayem.

"Oy. Oy. Oy. San ka pupunta, aber?" pagpigil niya sa akin.

"Si Mark. Wala pa siya. Baka kung napaano na sa daan."

"Wendy. Hayaan mo na si Mark. Ano ka ba. Malaki na yung tao. May sarili nang pag iisip. At isa pa, lumaki yan na laging wala ang mga magulang niya."

"E hindi naman kasi yun yung point eh. Ang point dito, may bagyo."

"Yun ba talaga yun? O dahil mahal mo pa din siya?"

"Wala na yun sa akin. Ang sa akin lang, syempre may pakialam pa din ako sa kanya. May pinagsamahan pa din kami."

"Mahal mo pa nga."

"Tignan mo nga kasi yung panahon. Madilim na tas umuulan pa."

"Kung ako nga, di nag aalala eh."

"Oh? So kelan ka mag aalala? Kapag nasa hospital na siya? Kapag may nangyari nang masama?"

Nang biglang dumating si Mark sa may gate. Basang basa sa ulan.

"Mark? Bat di mo ginamit yung payong mo? Halika dito. Basang basa ka na."

Nabigla ako nang bigla niyang binalibag yung payong sa harap ko. Medyo di maganda ang timpla niya ngayon. Nagkatinginan kami ni Jayem.

Dumiretso si Mark papasok sa loob. Animong di kami nakita.

Sinundan namin siya ni Jayem.

"Insan, basang basa ka. Magpalit ka muna."

Wala siyang kibo. Parang wala siyang pake sa patak ng tubig na tumutulo sa papag mula sa damit niya.
Dumiretso siyang kuwarto. Sunod naman kami ng sunod ni Jayem.

Kinuha niya yung tuwalya niya tsaka pumunta nang banyo. Pero bago siya pumasok ng banyo... Lumingon siya sa amin.

"Linta ba kayo? Ano ba ako? Disabled ba ako!? Bakit kailangan niyo ko alalayan? Bakit kailangan niyo ko sundan? Alam ko ang gagawin ko. Alam ko ginagawa ko. Bakit sinusundan sundan niyo ko? Hanggang dito ba naman sa banyo?" Mainit na ulo niyang sinabi sa akin.

Hindi kami nakaimik ni Jayem. Sa halip ay napayuko nalang kami. Saka kami sinarhan ng pinto ni Mark. Napakalakas.

Nagkatinginan kami ni Jayem. Tas ngumiti siya. Loko to.

Hinampas ko siya.

"Anong nakakangiti?"

"Ano?! Worry ka pa dyan? Rejected you, once again."

Loko talaga.

"Ano ba! Wala na nga yun. As a friend. Ganun lang. Wala na yung love love love."

Tapos tumawa siya. Ang lakas.

"Ano bang nakakatawa? May nakakatawa ba?!"

"Bakit kasi kay Mark pa? Kasalanan mo din yan eh."

"Nagmahal ako. Pag nagmahal ka, kahit may nakikita ka, di mo pinapansin."

"Anong nakikita?"

"Kahit nakikita mong may mali. Kahit nararamdaman mong maling mahalin yung tao. Gagawin mo pa din kahit nag aalinlangan ka eh. Kasi ayaw mong palampasin....parang ayaw mong pakawalan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Isang Sulyap MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon