Chapter 4

209 12 0
                                    

Jade Madelyn POV

Ipinatawag ako ni Master sa kaniyang opisina. Dahil may sasabihin daw siya na napaka importante sa akin.

AT THE OFFICE~

"Master nandito na po ako..." saad ko pagkatapos kumatok

"Pumasok ka Jade"

"Bakit n'yo po ako pinapunta dito master?"

"Nasabi naman na siguro sa iyo ni Kiro na papasok na kayo sa academy sa susunod na buwan"

"Opo Master"

"Jade sa susunod na linggo ay pupunta kayo sa pamilihan ng bayan upang bumili ng inyong mga gamit kaya gumawa na kayo ng listahan ng mga kailangan ninyo na gamit"

"Hindi n'yo po kami sasamahan master?"

"Hindi ko kayo masasamahan dahil may mahalagang tao akong pupuntahan kaya mag-ingat kayo ni Kiro"

"Sige po master"

"Bumalik ka na sa iyong silid at magpahinga, Jade"

"Opo Master", dahan-dahang kong sinira ang pintuan ng opisina ni master

Habang ako ay naglalakad sa hallway papunta sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Kiro.

"Ohh Kiro, gabi na. Bakit nandito ka pa?"

"Pupunta ako kay master. Ikaw, bakit nandito ka pa?" aniya

"Kagagaling ko lang kay master"

"Ipinatawag ka niya?"

"Oo"

"Bakit?"

"Sa susunod na linggo raw pupunta tayong dalawa sa pamilihang bayan para bumili ng mga gamit natin para sa darating na pasukan, kaya gumawa kana ng listahan ng mga bibilihin mo"

"Hindi tayo sasamahan ni Master?"

"Hindi daw ehh, may pupuntahan daw s'yang mahalagang tao"

"Ahh ganun ba"

"Ano yan na nasa kamay mo?" tanong ko sa kaniya. Dahil nakitang ko na may hawak siyang papel.

"Ahh listahan ng mga libro na bibilihin ko para bukas kaya pupunta ako kay master para magpaalam..."

"Pupunta ka sa bayan bukas?!"

"Oo- Bakit?"

"Pwede sumama? Hindi na kasi ako nakakapunta ng bayan ehh..."

"Teka....."

"Dali na sama mo na ako" pag-pupumilit ko sa kaniya

"Hindi ko pa nga alam kung papayagan ako ehh"

"Edi kapag pinayagan ka, isama mo'ko"

"Sige na nga"

Fastforward~

"Jade bilisan mo naman"

"Oo na eto nah"

"Ano ba yan ang bagal bagal mo"

"Syempre naghanap pa ako ng susuotin na damit"

"Tara na nga"


Gumamit kami ni Kiro ng teleportation necklace para makarating sa bayan. Dahil kung maglalakad kami papunta sa bayan ay baka gabi na hindi pa kami nakakarating.

Reincarnated as the Lost Daughter of Marquess FamilyWhere stories live. Discover now