7

353 14 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa ilang weeks na pagsasama ni azariah at darcy ay naging masaya sila.

Balak nilang magdate ngayon para mawala ang stress ni azariah sa pag-aaral.

"Baby pwede pakuha sa kwarto natin yung sunglasses ko, nakalimutan ko kasi," Utos ni darcy dahil wala ang mga katulong ngayon, day off kasi nila. Tumango naman si azariah at umakyat sa taas.

Nang kukunin niya na ang sungglases ay may napansin siyang kumikinang kaya kinuha niya ito.

"Gayuma," di makapaniwalang sabi ni azariah habang hawak-hawak. "Beh antag-" hindi natapos ni darcy ang sasabihin niya ng makita niya ang ginamit niyang gayuma kay azariah. Maging si azariah ay naggulat kaya naman ay nabagsak at nabasag ang gayuma.

"Walanghiya ka! Ang kapal ng muka mong kontrolin at gawin akong tanga ng dahil sa gayuma na toh! Ganyan ka ba kadesperada? Tigang na tigang ka? Ang kati-kati mo!"

Pinagpawisan ng malamig si darcy at halp halo ang grabing takot, pangaba, sakit dahil alam niyang iiwan na siya ni azariah.

"Sorry azariah, patawarin mo ako nagawa ko yan kasi gustong-gusto at mahal na mahal kita!"

"Pero tama bang gamitan mo ako ng ganyan? Hindi namna talaga kita mahal kasi minahal lang kita ng dahil sa gayuma!"

"Alam ko yun pero gusto ko lanh naman maranasan na mahalin mo ako pabalik, wag mo naman akong iwan o nagmamakaawa ako sayo please tuturuan kita na mahalin ako at di na kita gagayumahin," grabing iyak ni darcy.

"Maghanap ka na lang ng ibang lalaki na magmamahal sayo tutal isa ka namang transwoman at hindi tayo nababagay sa isa't isa huhusgahan lang nila tayo."

"Wala akong paki sa kanila ikaw lang ang gusto ko at walang ibang lalaki kundi ikaw lang, sabihin mo sa akin azariah, nang malaman mo bang ginayuma lang kita, nawala pagmamahal mo sa akin? O nandyan pa rin?" Nagbabasakali si darcy kahit na alam niyang hindi na.

"Hindi ko alam," hindi makatitig na sabi ni azariah.

"Ibig sabihin mahal mo ako hindi na dahil sa gayuma kundi sa totoong ikaw, sundin mo ang puso mo azariah mahal mo pa ako diba," sabay yakap ni darcy sa kanya. Habang umiiyak.

Lumakad si azariah papuntang hagdanan at nagpupumiglas pa rin sa mahigpit na yakap ni darcy at ng magtagumpay siyang tanggalin ay nalaglag ito sa hagdanan.

"Darcy!" Nataranta si azariah at nakitang may dugo ang ulo ni darcy.

"Ano ba kasi ang kulit mo! Sorry darcy pero kailangan kitang iwan dahil hindi tama ang ginawa mo sa akin, pinaniwala mo akong mahal kita, inakit mo ako kaya kailangan na kitang iwanan at hahanapin ko ang sarili ko."

"At dahil tinulungan mo akong maka-angat sa buhay tutulungan kitang dalhin sa hospital," agad tumawag sa ambulansiya si azariah at balak sana buhatin si darcy pero alam niyang hindi siya nito papakawalan.

"Azariah sana mamatay na lang ako kung hindi ka mananatili sa tabi ko," humahagulgol na sabi ni darcy.

"Mas nararamdaman ko ang sakit ng pag-iwan mo sa akin at mga masasakit na salita na sinabi mo sa akin, kaysa sa pagkahulog at pagdugo ng ulo."

Gusto na sana yakapin, halikan ang noo para kumalma. at gamutin ni azariah ang mga galos at takpan man lang ang dumudugong ulo ni darcy pero alam niyang hindi niya na maiiwan si darcy kapag nangyari yun kaya nakukunsensya man at kahit alam niyang kasalanan iyon ay tinakasan niya ito at nagsimula ng umiyak habang tumakbo paalis.

"AZARIAH!" Malakas na sigaw ni darcy balak niya sanang habulin pero hindi niya magawa dahil nahihilonat nagdidilim na ang paningin niya. "Walang kapantay ang sakit na nararamdaman ko sa puso ng dahil sa pag-iwan mo sa akin azariah. Hindi mapapantayan ng dugo ko sa ulo ng pag-iwan mo sa akin," mahinang sabi ni darcy hanggang sa nawalan ng malay at bumagsak sa sahig. Kumalat na ang dugo at makikita ang mga luha na tumatagaktag sa pisngi.

Chef's Potion (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon