Chapter 29

3.1K 45 0
                                    

Peanut

"Hindi ko alam na kasal ka na kay Leo, Nadia. But don't worry, binawi ko na ang sinabi ko kay Mama." Si Tristan iyon.

Narito kami ngayon sa Starbucks para pagplanuhan ang entry namin sa publication. "Okay lang. Oh nandito na rin pala si Sophia." Sagot ko at saka sinulyapan si Sophia na kasalukuyang naglalakad na papalapit sa amin.

Kinawayan ko siya at tinawag. "Sophia!" Sigaw ko. Nakita naman niya ako kaagad kaya dumiretso siya sa mesa namin ni Travis at umupo sa tabi ko.

"Sorry na-late ako." Paghingi niya ng pasensya at saka inayos ang kanyang salamin. Nginitian ko lamang siya at saka nagsimula na sa pagsasalita.

"May nahanap na akong pwedeng i-feature sa article natin." Masayang pahayag ko sa dalawa.

"Talaga? Sino?" Tanong ni Sophia.

"My mother-in-law, nakakatawa nga e kasi hindi ko naisip agad." I said shyly and chuckled a bit. Sophia just smiled while Tristan remained silent.

"May asawa ka na pala?" Namamanghang tanong muli niya. Tinanguan ko lamang siya at saka nginitian.

"Kung pwede kayo bukas, bukas tayo pumunta kila Mama. Free ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila sa akin.

"Okay, bukas ten am ah. Dito na lang tayo ulit magkita. Tapos sabay-sabay tayong pumunta sa bahay ng biyenan ko." Imporma ko sa kanila.

"Sige."

"Okay."

Sabay na sagot  nila sa akin.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto para sa detalye ng aming gagawin bago kami nagpasyang umuwi. Hindi ako nagpahatid kay Leo ngayon at ginamit ko na lamang ang kotse ko papunta rito kahit pa nagpumilit siya kanina na ihahatid niya ako. Paglabas ko ng coffeehouse ay kaagad akong nagtungo sa sasakyan, pinaandar ko iyon at dumiretso pauwi sa bahay.

Maaga pa naman kaya nagbalak akong ipagluto ng lunch si Leo at dadalhin ko iyon sa site nila. Minsan na kasi niya akong sinama roon kaya pamilyar na ako sa direksyon. Nang makarating ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa kusina at naghanda para sa pagluluto. Buti na lamang at tinulungan ako ni Mama. "Tikman mo kung okay na ang lasa." Utos sa akin ni Mama mula sa kabilang linya.

Ka-face time ko siya ngayon. Tinapat ko ang camera sa naluto kong caldereta. Makaraan ay tinikman ko iyon. "Masarap, Mommy!" Natutuwang sabi ko dahil maayos ang naging pagluluto ko.

"Oh mabuti naman. Dige na, Nadia at magluluto din ako ng tanghalian namin ng Daddy mo." Pagpapaalam da akin ni Mommy.

"Sige po, thank you. I miss you Mommy!" Then I ended the call. Pagkatapos ay nilagay ko sa plastic container ang ulam at kanin na naluto ko. Naghiwa rin ako ng pakwan at nilagay rin iyon sa bukod na container.

Nang maayos na ang lahat ng dadalhin ko ay nag-drive na ako papunta sa Pandi kung nasaan si Leo. Pagkarating ko sa site ay dumiretso ako sa opisina niya. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha ng makita niya ako pero kaagad din siyang tumayo at saka ako sinalubong. "Love." Tawag niya sa akin at saka ako iginiya paupo sa couch na nasa loob ng opisina.

"Kumain ka na?" Tanong ko at saka inilapag sa maliit na mesa ang mga niluto ko. Pagkaraan ay sinalin ko ang mga iyon sa dala kong pinggan at mangkok.

"Let's eat." Pagyaya ko sa kanya at saka tinapik ang couch para paupuin siya sa tabi ko.

"Love ano kasi..." He trailed off like he wanted to say something, but then changed his mind.

"Ikaw ba ang nagluto?" I nodded at him then smiled sweetly.

Pulang PanyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon