KABANATA 2

2 0 0
                                    

"briiii!!! Bakit ang gagandang lahi nila sir leo?! Parang.. Parang hindi uso ang pangit!" ani Liz sabay subo sa piatos na hawak niya.

Breaktime namin ngayon. Actually tatlo lang kami nila Liz at John na nag bebreaktime. Hindi kasi pwede sila George at headchef na sumabay sa amin dahil walang magluluto sa restaurant. Medyo, mas marami kasi ang kumakain ngayon kumpara kahapon kaya kailangan talaga may maiwan sa resto.

Kasalukuyan kami nakatambay ni Liz dito sa likuran bg restaurant. Samantala, hindi namin ngayon kasama si John dahil may iniutos si Sir Leo sa kanya.

Napatingin sa relo na nasa kaliwang braso ko. 20 minutes na lang at kami naman ang papalit sa kusina.

"nalilito na ako bri kung sino sa dalawa ba ang pipiliin ko." wika ni Liz  na feeling pinag aagawan ng mga lalaki. Napasulyap ako sa kanya sandali at umiiling na binawi ang tingin sa kanya. Kung minsan talaga, umaatake ang pagkasaltik niya. Mabuti na lang din at wala dito ai John dahil kung hindi, bangayan na naman nila ang sisira ng sisiyesta ko.

Daniel legaspi. Yun pala ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya yung pangalan na iyon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakapaniwala na nakita ko muli siya. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito na dumating.  Halos dumating na nga ako sa pagsuko eh. Tapos isang araw, bigla ka na lang susorpresahin ng tadhana. Yung mga bagay na sinukuan mo na, ay bigla na lamang darating.

Kanina habang pinapakilala siya sa amin ni Sir, hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na hindi siya pagmasdan. Halos walang pinag bago sa itsura niya. Maliban na lang na tumangkad siya ng bahagya at mas naging matikas ang kanyang pangangatawan. Ganoon pa rin naman ang hairstyle niya. Mahaba pa rin ang buhok niya na tumatabing sa kanyang noon na umaabot hanggang kilay nito. Katamtaman pa rin ang singkit niyang mga mata. Mapula pa rin ang kanyang labi. Makinis at maputi pa rin ang balat.

Pero nakilala niya kaya ako kanina? Nung mapatingin siya sa akin. Nung nagsalubong ang aming mga mata. Posible bang naalala niya rin ako?

Syempre hindi! Base sa obserbasyon ko sa kanya. Halata namang hindi naman niya ako nakikilala.

"napansin mo ba bri na hindi man lang siya ngumiti sa atin?" tanong ni Liz sa akin dahilan para bumalik ako sa reyalidad. "mukhang masungit eh." dagdag niya.

"hindi naman masungit yun. Mabait yun." sabi ko. Dagliang tumingin sa akin si Liz. "parang kilala mo siya ah." sabi niya. Agad akong umiwas ng tingin.

"oy, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" pag uusisa niya. Hayss.. Ito na nga ba sinasabi ko. Hindi na ako titigilan nito eh. Daldal ko kasi.

Hindi ko siya sinagot.

"napansin ko ang pagtitig mo sa pinsan ni Sir Leo bri." sabay sanggi niya sa balikat ko dahilan para mapasulyap ako sa kanya at makita ko ang ngiti niyang nakaloloko.

"please, don't you dare deny it dear. Huli kita." pag aasar niya pa. Wala na akong choice kundi ang aminin sa kanya.

"okay okay.. Hindi ko siya literally kilala pero nagkita na kami." sabi ko.

"saan?"

"sa cavite. Sa gahak."

"tapos? Walanjo! Pabiten ka naman eh! Dagdagan mo pa." naiinip na turan niya.

"nakisukob kasi ako sa kanya noon. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa lugar na yun. Nagkakwentuhan kami saglit. Nalaman ko na sa Alapan siya pupunta. Then ayun na. First and last na namin pagkikita yun."

"e.. bakit parang may panghihinayang sa tono mo?" tanong niya muli sabay ngisi nito.

"hindi lang ako nakapagpasalamat sa kanya noon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mi IluviaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon