John lloyd's POV
Kailangan ko siyang makausap...alam kong mahal niya rin ako...Hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa akin..
Nandito ako sa bahay ng taong mahal ko at hinahanap ko siya...Sana nandito pa siya para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko...
"Sarah!!Sarah!!"sigaw ko...para na akong tanga dito pero di bale na magpakatanga basta mahal ko siya...
nakita ko ang napakagandang babae na papalapit sa akin...at agad ko siyang niyakap...Niyakap ko ang nag iisang babaeng minahal ko si Sarah...
"Im sorry...di ko sinasadya kung alam mo lang Sarah ang nararamdaman ko"sabi ko habang nakaluhod...
"Sarah di mo alam kung anong nararamdaman ko kapag nakikita kita ramdam ko ung pagkasabik ko sa'yo..at kapag nakikita kitang kasama si matteo.para akong unti unting pinapatay..."
"Wala akong pakialam s nararamdaman mo...Kaibigan lang kita so anong karapatan mo para masaktan ng ganyan..normal lang na kasama ko siya eh boyfriend ko yung tao...."sabi ni sarah na pinipigilang lumuha at alam kung sinasabi niya lang yun para saktan ako...
"no Sarah alam ko mahal mo rin ako..nakikita ko sa mga mata mo,sa halik at yakap mo...and remember ung nangyari kagabi.sinabi mo sa akin kung gaano mo ako kamahal..."
Di na siya nakasagot pagkatapos nun ay lumabas siya at pumasok sa loob ng kotse...Iniwan niya ako ng lumuluha...
Sarah's POV
"aaaaahhh,stupid sarah you have a boyfriend...ano kasi nanaman ang pinaggagagawa mo kagabi..."sabi ko sa sarili ko at inaalala ang nangyari kagabi..
*Flashback*
nasa bar...
"sarah,tama na di ba di ka sanay uminom"sabi ni Johnlloyd habang kinukuha ang baso kay Sarah.."ang kj mo naman lloydie eh...ngayon na nga lang ako nakainom...kashi nasha France sina mommy and daddy...hayaan mo kong magpakasaya..."sabi ni Sarah na lasing na lasing...
"no iuuwi n kita"sabi ni Jl habang inaakay si Sarah...
Hinatid na ni Jl si Sarah sa kanilang bahay...
"Sarah nasaan na ung susi"tanong ni Jl habang akay akay pa rin si Sarah..
"nandyan sha bulsha koh"sabay turo sa bulsa...
"ikaw na kumuha"
"itong si Lloydie oh mashado...ito ung shusi"sabay bigay...
Sa kwarto ni Sarah inihiga ni Johnlloyd si Sarah...napansin ni Lloydie na lumuluha si Sarah...
"Sarah,ba't ka umiiyak"
"Lloydie,alam mo ba kung anong nararamdaman ko...Naiinish ako sa sarili ko kasi nashishinungaling ako sa sarili ko at nanggagamit ako ng tao.."
"what do you mean?"
"kashi alam mo bebe ko di ko naman talaga mahal shi matteo ikaw (sabay turo ka lloydie)ikaw lang ang lalaking mahal ko...sabi ni Sarah at biglang hinila si Johnlloyd para halikan...at tumugon naman dun si Johnlloyd
Si Johnlloyd na ang pumutol ng halik...
"Sarah,mali tong ginagawa natin..may boyfriend ka..."
"lloydie,mahal mo ba ako?"
"I love you so much Sarah noon at ngayon"
hinalikan ulit ni Sarah si Jl..at di na napigilan ang damdamin na isa't isa...
at alam niyo na ang nangyari...
*end flashback*