Kinakabahan ako. Naka bili na'ko ng gamot para sa kanya at na rito sa harapan ng kaniyang apartment. Lakas loob akong huminga ng malalim bago kumatok sa pintuan.
"Aliana...si Christopher ito, naka bili na'ko ng gamot mo." Ilang segundo ang aking inantay bago bumukas ang pintuan. Mabilis akong tumalikod ng makita ang itsura niya.
Halos gulo-gulo ang buhok at basa pa, taspi lang niya ay tiwalya na naka pulupot sa kanyang dib-dib hanggang binti.
"Bakit ka naka talikod? tara pasok," Halos pag pawisan ako. Ni hindi ko nga alam kung lilinga ako, dahan-dahan akong lumingon ngunit naka sarado ang aking mga mata.
"Para kang t*ng*, hindi ka pa ba nakakakita ng katawan ng babae?" Umiling ako habang naka pikit pa rin, "Ay, bakla, akin na nga 'yan antayin mo'ko babayaran kita, bihis lang ako." Kinuha niya ang supot ng gamot sa aking kamay.
Nang marinig ang pag sara ng pinto ay duon na'ko nag mulat ng mata. Hindi naman sa na-tor-torpe pa rin ako sa kanya, ngunit dahil babae si Aliana. Oo, may lihim akong nararamdaman para sa babaeng iyon ngunit hindi naman porque meron ay mawawalan na'ko ng respeto.
Sumandal ako sa tabi ng kaniyang pinto, may mga dumaan na naka tira rin sa ibang unit ng apartment at ako'y nginingitian. Ayoko naman maging masama kung kaya't ginagantihan ko rin sila ng matamis na ngiti.
Ilang minuto ay bumukas muli ang pinto at bumungad sa'kin si Aliana na naka shorts na may ka-iklian at T-shirt na may printed na cartoon na Tom & Jerry.
"Ito pala yung bayad," napa tingin ako sa perang inaabot niya pero hindi ko 'yon tinanggap. "Hindi na, sa'yo na iyan...gusto ko lang sana itanong kung gusto mo sumama mamaya dahil may magaganap na handaan ang kaibigan ko para sa anak niya?"
Kita ko ang gulat sa kanyang mukha pero napawi rin at bahagyang tumango. Nakaramdam ako ng saya at kilig pero syempre ayokong ipahalata.
"Anong oras ba at para ma pag handaan ko?" Tanong niya sa'kin. "Mamaya-maya na 'yon, nag liban ako sa trabaho kasi nag text ka sa'kin." sagot ko.
Natigilan siya sa aking sinabi, nag tangis ang bagang bago pumewang. "T*ng* ka?" Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya kaya bahagya akong nagulat. "Ha?"
"Ang bait mo kasi sa'kin, ang mahal nung gamot tapos ayaw mong bayaran kita pabalik. May gusto ka sa'kin ano?" Dun namula ang mukha ko, Hindi ko alam sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung nag bi-biro lang siya o sadyang alam na niyang gusto ko siya.
"A-ano..." Hinahanap ko ang pwede kong sabihin pero bigla siyang tumawa ng malakas para mag taka ako at mapa tingin sa kanya.
"Biro lang ano ka ba! cute mo rin, pero yung totoo bakla ka ano?" Natuptop ako sa kinakatayuan ko. Ewan ko ba pero kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig niya, mukha ba'kong bakla sa lagay ko?
Kamot ulo akong natawa bago onti-onting umiling. "Hindi, ang totoo niyan ay may babae na'kong inibig."
"Ay talaga, may girlfriend ka na pala?" Umiling muli ako, "Hindi pa kami dahil hindi naman ako umaamin." At walang balak umamin.
"Bakit naman? Sure akong magugustuhan ka nun pabalik. Tahimik ka pero masipag, mabait at gwapo!" Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Sapalagay mong ayan din ang tingin niya sa'kin?" Tumango siya.
"Oo naman, lahat ng babae ganyan ang tipo sa lalake! Kaya amin na!" Matawa-tawa akong bumuntong hininga. "Sasusunod na lang." Pinang hihinaan ako ng loob para gawin 'yon.
"Oh sige, basta ha sunduin mo na lang ako kapag aalis na!" Nag paalam na'ko at masayang umalis.
Yari ako sa boss ko nito...
"Renne! mamaya ha!" Tumango siya. Natapos na rin sa wakas ang trabaho. Hindi na'ko nag bihis dahil ma la-late kami, ilang minuto na lang at mag sisimula na ang birthday party, buti na lang kamo ay maaga ang leave ko ngayon.
Tinext ko na rin si Aliana na papunta na'ko sa kanila upang sunduin.
Nang kumatok ako ay agad bumukas ang pinto. Naka maong siya na pantalon at yung suot niya kaninang damit na Tom & Jerry, naka lugay ang buhok na aabot sa kaniyang dib-dib.
"Tara na?" Yaya niya at tumango ako. Pa alis na sana kami ng may dumaang matandang babae, "Oh Aliana aalis ka kasama ng nobyo mo?" Pareho kaming natigilan sa sinabi ni manang.
Siya ang sumagot. "Nako nay, ka-trabaho ko po si Christopher, si Nanay Berta pala. Kapit bahay ko." Nag mano ako sa matanda at agad naman nitong pinisil ang aking pisngi.
"Kay gandang lalaki naman ire...nakikita ko asawa ko sa'yo Hijo," Napangiti ako roon. "talaga po? nasaan po ang asawa ninyo, nay?"
"Nasa langit na," Napa ngiwi ako ng humalakhak si manang. Ang Dark naman...Mukha ba'kong patay?
"Oh sige na po, Nay. lalakad na po kami," Sabay na kaming nag paalam sa matanda. Sakto namang dumaan si Jack at nang makita kami nito at kasama niya ang kanyang asawa at bunsong anak na lalaki.
"Oy, pare!" natigilan ito at napatingin kay Aliana, "Aliana?" Hindi maka paniwalang tawag niya sa babaeng katabi ko.
"Sino ka?" Porma naman nitong sagot sa aking kaibigan. "Si Jack, Jack Santos! Yung dating sinaksak mo ng lapis!" Nan laki mata ni Aliana sa sinabi ni Jack.
"Ay h*y*p! Ikaw pala 'yon! kamusta sak-sak ko? Ayos ba?!" Sabay silang nag tawanan bago pinakilala ni jack ang kanyang asawa. Hindi daw naka sama ang anak nila na panganay dahil busy sa pag-aaral.
"Na'ko kayo ha! Parang dati lang hindi kayo nag-uusap ngayon mag kasama na kayo!" Takang tumingin sa'kin si Aliana at hindi ako naka-imik.
Sumakay ako sa likod at siya naman ay sa loob ng side car kasama ng mag-ina ni Jack.
"Ikaw pare ha." Ngising asar ni K*mag bago pa-andarin ang ang sasakyan.
Aaminin kong ito ang pinaka masayang araw sa aking buhay. Hindi ko rin aakalain na mabibigyan ako ng pag kakataong makasama at maka-usap ang babaeng matagal ko ng sinisinta.