Pasensya MATARAY talaga ako

63 0 0
                                    

ChaCha's POV

"Hoy lalake, lumayas ka nga diyan sa seat ni Paula. Dun ka sa likod nakaupo diba?" sabi ko sa lalaking bakulaw. Nakakainis talaga kapag may mga lalaking nagpapapansin. TSS! 

"Chacha naman eh! Alam mo namang gusto lang kita makatabi." sabi ng lalaking BAKULAW

"Hoy! Wag mo nga akong machacha-CHACHA diyan. Hindi tayo close at hindi kita gusto makatabi kaya chuupi.!" pagpapaalis ko sa bakulaw.. Nakakairita lang talaga..

"HAHA! Osige na nga, mukhang may dalaw ka ngayon eh!" sabi niya sakin. ABA! may gana pa 'tong mang-asar.. Ang ayoko sa lahat inaasar ako..

"Anong may dalaw? Baka ikaw? Andami na ngang dugo oh!" sabi ko sa kanya sabay turo sa pants niya....

"H-huh? Asan? Asan?" Bwahahahahahahahaha! LAUGHTRIP yung face niya. SUPER EPIC..

(O,O)

"So, sa tingin mo dinudugo ka talaga? HAHAHA!" sabi ko sa loko. BELAT! Nakaganti din.. :P

 then sinabayan ako nang ibang kaklase ko sa pagtawa.

"Tss.. Sige, ganyan ka naman lagi eh!" sabay walk-out niya.. Oi teka lang, siya pa ang pabida effect diyan at paawa. Eh ako kaya ang unang inasar. Pero hindi nga nagwalk-out siya? Anlabo ah! Kahit anong asar ko diyan dati hindi yan nagagalit pero ngayon may paganun-ganun pa siya? 

"Oi, yan nanaman eh! Kaya wala kang lovelife." sabi sakin ng bestfriend ko...

"Oh? Bakit naman nadamay ang lovelife ko dito? Nagwalk-out lang ang tao eh! Tss.." sabi ko, nakuu! Kinokonsensya pa ako...

"Eh, yun na lang kaya ang lalaking hindi sumusuko sayo despite of your traits.. Tsk Tsk!" sabi niya sakin..

"Tingnan mo 'to. Bestfriend kita talaga." sabi ko.. 

"Haha! Joke lang yun.. Binibiro ko lang bes eh!" ah,ganda biro.. ;(

hindi na ako sumagot.. Natulog na lang ako sa armrest ko...

-----------------------------------------------------------------------------------------

"CHA!" biglang may tumawag sakin. Sino yun?

hinanap ko yung tumawag sakin.................... at yun nakita ko na rin. Tss! Si john lang pala yung lalaking bakulaw.

"Bakit?" sarcastic kong sagot.

"Galit ka pa ba sakin?" tanong niya.. Ayyy! Hahaha.. Sabi na eh, hindi niya kayang magalit sakin.. Hayy! Gumaan-gaan unti yung pakiramdam ko nung nalaman kong hindi siya galit sakin.. :))

"Huh? Hindi naman ako galit eh! Ikaw nga yun eh, nagwalk-out ka pa nga." sabi ko sa kanya

"Haha, yun ba! Wala. Nainis lang ako pero ngayon wala na.. Salamat naman at hindi ka galit sakin. I love you." sabi niya sakin sabay takbo. HALA! Ang loko talaga nun. Tss! pero I admit kinilig ako.. Hindi niyo lang kasi natatanong, Crush ko rin siya. Super Duper CRUSH! Since Gr.5 pa ata kami hanggang ngayong 3rd year na. Sinusungitan ko lang siya lagi kasi. kasi, teka! Hindi ko rin alam.. Siguro I want to make him see that I'm strong.. Diba yun yung mga tipo nang lalaki? Yung palaban na mga babae?

John's POV

Hello sa inyo. Ako nga pala si John Serra.. Mahal ko yung bida sa storyang 'to. Hehe! Pano ko siya naging mahal? Simple lang,kasi sobrang simple lang niya. Maganda, mabait, matalino, masipag, at palaban,minsan talagang masungit siya sakin pero ok lang yun kasi atleast nakakausap ko siya at napapansin niya din ako. Naku! Baliw na ako diyan sa babaeng yan. Lalo na kapag nagsusungit siya mas lalo siyang gumaganda at mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Ok. Ang corny ko na.

Pasensya MATARAY talaga akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon