CRUSH KITA, HINDI MO LANG ALAM- SHORT STORY:
Ako pala si Lienne Mendoza, tawagin niyo nalang akong Yen, simple lang ang pamumuhay ko. Hindi masyadong Fashonista, yun bang maraming nakakalabit sa katawan, masiyahin din ako, palaging tumatawa sa lahat nang oras, at saka 2nd year pa ako, nag-aaral sa San Carlos National High School. Sigurado naman hindi mawawala sa buhay natin ang pagkakaroon nang lovelife, crushes o boyfriends and girlfriends. Pero ito, re-relate kayo sa istorya nang LOVE-buhay ko.
Last, last Year- 2011(year kung paano ko nakilala siya, year na, tinuruan niya akong magmahal.
Habang ako'y nakaupo sa sofa, may unknown person na nag-text sa'kin.
Unknown: HI. :)
Aba, sino naman ito? ay naku, manloloko lang ito, yun bang tipong kukunin ang number mo ta's everything was said was LIES? HARSH -,-, Ni replayan ko naman at nagtatanong sino siya.
Unknown: Ako pala si James Santos,
Ako: Nag-kita na ba tayo.? *SENT*
Unknown: Ay Oo.
Ako: O sige nga, saan?
James Santos: Ako yung binangga mo dati sa hallway, ka-same section mo din ako, major in visual arts, 3rd Year -,-.
WHAAAAAAAAAAAAAAAAT? HINDI KO NA MASYADO MAMUKAHAN SIYA! LECHE! SINO KA BA?
Ako: ayyy? sorry, hindi na kasi kita namukhaan doon. At sorry pala, hindi ko yun sinasadya.
James: Hmm, ok. Pwede maki-pag friends? Anong pangalan mo?
Ako: Lienne Mendoza, Yen for short. major in instrumental music 1st year. :)
Nag tetext kami, hanggang sa mag-sawa! Minsan nga, sa klase, nag-tetext parin kami, para kaming mga tanga, HAHHAHAHA. Minsan nga pag ako'y naghuhugas nang pinggan, pinupunasan ko dali2 yung kamay ko para ma-replayan siya! RELATE? HAHAHA.
Nag-text siya:
James: Yen, anong ginagawa mo?
Ako: Andito, nagdradrawing. Pangit pa ginawa ko.
James: Ok lang yan.
Ako: Eh kasi, magaling ka kasi sa drawing and stuffs.
James: Hahaha! Simple lang yan noh! Kaya mo yan! :)
Ayan tuloy! na inspire na ako! -,-
-------
Sa SCHOOL
Naglalakad kami sa hallway, at may nakasalubong kami na taga same section, another year. at feel ko na siya iyon. may babaeng tumawag ka sa kanya at sabing James! Halika na!
OH MY GOSH? Si James iyon? Yung gwapo na maputi, ta's ang tangos nang ilong!
Hanggang sa klase, nagmumukmok pa rin ako sa armchair ko, hindi ako makapaniwala na siya iyon. Nag-tetext siya sa'kin, at sa gusto kong mag-reply, nakinig nalang ako sa titser. Hanggang sa pag-uwi ko, hindi ko siya ni-reply.
9;00 pm
James: Nakita kita kanina!
Ano ba? sasagutin ko bang text na ito, o hindi? O s'ya na! sasagutin ko nalang ito!
Ako: Haa? HAHAHA! nakita din kita kanina! Ang gwapo mo.
Ayyyy, delete pala yung ANG GWAPO MO!
*Haa? HAHAHA! nakita din kita kanina! -Sent!
James: HAHAHA! So, bakit hindi mo ako kinibo?
Ta's andun lang, hindi na ako nagreply, anong isasagot ko? emigeeed! 10 minutes past, hindi pa rin ako nag-reply, kunukulit na niya ako! MAAWA!
BINABASA MO ANG
CRUSH. <3
Teen FictionCrush, inspiration ba ang idulot mo, o ang iidulot niyan ay ang katangahan ko!