"Margharita! ano ba?! mag aalas-syete na. male-late kana!" sigaw ni mama sa tapat ng kwarto ko, nagulat ako kaya napabangon ako kaagad, 'nakakainis, sarap na sana ng panaginip ko tss hindi pa naman tumutunog ang alarm clock ah?!' bulong ko sa sarili ko habang napapakamot ng ulo "andyan na po ! saglit lang." tiningnan ko muna ang orasan na nasa bedside table ko at napakamot nalang ulit ako ng ulo ng makitang 5:45 a.m. pa, haaayyy si mama talaga. Paglabas ko nang kwarto ay pakanta-kanta pa si mama habang naghahanda ng almusal, ganun talaga ang mama ko, laging nasa mood, laging masaya, sana katulad nalang ako ni mama.
6:45 pa nang dumating ako sa classroom namin pero medyo marami narin akong mga ka-klase na nadoon, inip na inip nako, wala pa kasi yung ultimate crush ko :D oo, classmate ko lang ang ultimate crush ko, mula grade school ay crush ko na siya Haha ! halos lahat na nga yata ng information tungkol sa kanya alam ko, kaya lang hindi niya naman ako pinapansin, puro magaganda lang kasi ang nakikita nun and I'm not that pretty para mapansin niya, sino ba ko? isang hamak na nerd na walang sense of fashion at puro science at formulas lang ang alam. Bumilis ang tibok ng puso ko ng may maamoy akong familiar na perfume, alam kong si Renzo na yun! Mala-aso ang pang-amoy ko pagdating sa crush ko ehh. Nasa harapan kasi ako ng klase at nakaupo naman si Renz sa likuran ko. 'Diyos ko po! amoy pa lang makalaglag panty na!! :D' sigaw ko sa sarili ko lang syempre, alangan naman ipagsigawan ko sa buong mundo, edi nagmukha akong gaga. "Hi, Magz." halos bumagsak ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ng crush ko 'ano daw? nag hi siya sakin?? My ghad! totoo ba to?' haha ! exaggerate lang? everday naman siya nagha-hi sakin, pero hanggang dun lang, parang hi lang naman yata ang nasa vocabulary nun pag ako ang kausap, ewan ko ba, siguro hindi lang talaga siya interesado sakin. "Hi renz" sabay nginitian ko siya nang pagka tamis-tamis "hello ulit" at ngumiti ito, paagkatapos nun ay binuklat nalang niya ang notes niya at nagsimulang magbasa.
'Ayy, disappointed ang lola niyo. Akala ko kakausapin nako.' Everyday nalang ako nag-eexpect, kailan pa kaya ako papansinin nang gwapong to?
Next part.. later :)