I'm in love with a NERD. ♥ [short story]

305 8 0
                                    

NERD.

-foolish

-weird

-uninteresting

-unattractive

-unpleasant

-boringly studious

-unpopular

-dweeb

-geek

-plain/simple

JANE

oh di ba? sa sobrang plain ko pati pangalan ko kasama na sa description ng NERD.

Oo nerd talaga ako....pero may masama ba sa pagiging nerd? eto yung gusto ko eh.

Bakit ganun? Big deal ba talaga ang pagiging nerd? Tao rin naman kami ha? May feelings din kami at may karapatan din kami maka-experience ng feeling na tulad ng sa ibang tao. may karapatan din kami main-love :)

kung hindi ka mahilig sa mga cliche na story sinasabi ko na sayo.....CLICHE tong story na to pero wala ako magagawa kasi eto talaga story ng lovelife ko eh hahahaha :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THE USUAL. maaga ako pumasok sa school. tambay sa library kapag vacant. makipag-usap or hangout sa mga friends kong nerd din. at tignan yung locker ko kung nag-iwan na ba ulit sya ng letter :)

as expected..nag-iwan nanaman ng letter si Mr.Somebody..hindi ako nag-iimbento ng name ha..yan talaga yung nakasulat sa letter..sya daw si Mr.Somebody.....nacu-curious na nga ako kung sino ba talaga to. sabi nya lagi nya daw ako nakikita...lalo na daw sa tambayan ko...kapag nasa library naman ako lagi ako tumitingin sa paligid pero parang wala naman si Mr.Somebody.

Isa lang yung palagi ko nakikita sa library...yung si Mr.Popular/hearthrob ng university namin. nakakainis nga kapag nandun yun sa library eh kasi ang ingay...andami ko naririnig na mga nag-uusap or mga nagbubulungan about dun kay Brent. Puro na lang si Brent. hay!

Hindi ko naman talaga hate si Brent..nakakaumay lang talaga yung mga tao sa paligid ko kasi puro pangalan na lang ni Brent naririnig ko. pwede kaya kahit saglit lang sana wala ako marinig na 'BRENT' nakakaumay lang talaga.

Pumunta ako sa isa ko pang tambayan...umupo ako dun at binuksan yung letter.

Hi Jane! :)

Nagpalit ka pala ng bag ngayon? hindi kita kaagad nakilala kanina nung nakita kita sa canteen..nakatalikod ka kasi hahaha. hindi naman talaga ako kumakain sa canteen pero nung nakita kita dun kanina parang naisip ko na hindi naman masama kung susubukan ko kumain sa canteen. actually hindi ko alam oorderin ko dun kanina..since nakita kitang bumili ng pizza tsaka pineapple juice..yun na lang din binili ko. ang sarap pala ng pizza nila dun tsaka yung pineapple juice tama lang yung tamis nya. hahaha! alam mo ba kanina hindi ko alam gagawin ko kasi bigla ka tumingin sakin..di ko alam kung iiwas ba ako ng tingin o ngingiti. kaya ang ginawa ko kunwari may tumawag bigla sakin kaya lumabas nako ng canteen. di mo ako napansin noh? hahaha! busy ka kasi sa pag-aaral nun eh. pero okay lang kasi gusto ko naman nakikita ka kapag seryoso yung mukha mo. :)

Hanggang dito na lang muna Jane...malapit na kasi yung next class ko. haha! ingat ka palagi :)

-Mr.Somebody :D

WHAAAAT??? SINO BA TALAGA SYA?! Wala naman ako matandaan kanina sa canteen na tinignan ko. sobrang busy ko kasi kanina sa pagrereview eh...hayy.

Grabe sumasakit talaga ulo ko sa kakaisip kung sino yun.

I'm in love with a NERD. ♥ [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon