CHAPTER ONE

8 3 0
                                    

Elsie! Elsie!”. Rinig ko ang pagtawag ni Aki sa labas ng bahay namin. Nagsusuot ako ng bago kong biling sapatos, hindi kasi ako komportableng tumakbo sa dati kong sapatos kaya nagpabili ako kay nanay ng panibago. Pinagbuksan ko siyang pinto at hinayaang pumasok.

Ikaw nanaman?”. Kunwaring singhal ko sa kan’ya dahil palagi na lang kaming magkasama, napapagkamalan pa nga ng karamihan na may relasyon kami. Pati nga sila nanay ay tinatanong ako kung boyfriend ko raw ba ang lalaking ito. Hindi ah…. Hindi pa


Ayaw mo yata akong kasama?”. Tanong niya habang nakataas ang mga kilay. Natawa ako dahil bakas sa mukha niya ang lungkot at pagtataka. Di hamak na napakagwapo ring lalaki nitong si Aki, marami ngang nagkakagusto dito dahil sa hitsurang mayroon siya at bukod doon ay gentleman din siya.

Niloloko ka lang eh, halika na pumasok na tayo baka mahuli tayo sa klase”. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam kila nanay na aalis na. Naglilinis si nanay ng bahay habang si tatay naman ay nagluluto.

Alas sais pa lang ng umaga kaya wala pang gaanong tao sa labas, maganda rin ang sikat ng araw, malamig din ang simoy ng hangin dahil presko ang hangin dito sa probinsiya. Madaming puno na matatayog gaya ng mga puno ng niyog at puno ng mangga, noong mga bata pa kami ay hilig naming manguha ng bunga mangga sa bundok dahil maraming tanim na puno doon si nanay.

"Maneth, tingnan mo magkasama nanaman sila, bagay talaga itong dalawang 'to". Rinig ko ang chismisan ng mga kapitbahay namin kaya nilingon ko sila. Nakangiti naman si Aki sa kanila.

"Narinig mo 'yon? bagay daw tayo". Bulong sa akin ni Aki. Hinampas ko siya at nagtawanan kaming dalawa.

"Akio, napakagwapo mo talagang bata. Hay naku! gusto talaga kita para sa anak ko". Kinikilig na sabi ni Aling Linda. Totoong maraming magulang ang may gusto kay Aki para sa anak nila.


"HAHAHAHA nasa dugo lang ho ang pagiging gwapo". Pagyayabang naman ng isang 'to kaya natawa ako.

Si sheshe pala? Bakit hindi natin kasabay ngayon?”. Si Sheriel o si “sheshe” ang bunso kong kapatid, dalawa lang kaming babae at apat na lalaki. Si kuya Rio, kuya Mady, at kuya Amirh, ang isa naman sa kapatid naming si Kuya Noah ay sumakabilang buhay na. Pare-pareho na kaming tapos ng elementary, si Kuya Rio ay kolehiyo na ganun din si Kuya Mady. Si kuya Amirh naman ay panay ang pagbubulakbol kaya hindi makatapos tapos ng high school.

Ayon late nagising, paano ba naman kasi gumala kagabi kasama ang mga kaibigan niya”. Totoo yun napakagala ng babaeng yon, palagi niyang kasama ang mga tropa niya. Gala dito, gala doon. Pero kahit naman ganon ang ginagawa niya hindi niya pinapabayaan ang pag-aaral niya.

Matapos ang kinse minutos na paglalakad narating na namin ang high school. Malapit lang kasi sa amin ang school kaya naman hindi na kailangang mamasahe pa. Halos dito lahat nagtapos ang mga taga sa amin kaya matagal na ang paaralang ito.

Hi Elsie!”. Narinig ko nanaman ang boses ng maingay kong bestfriend na si Wendy kasama niya pa si Nile

Umagang kay ingay mo Wendy”. Pang-aasar ni Aki sa kan’ya. Nang-asar naman pabalik si Wendy at may binulong pa siya kay Aki, lumawak naman ang ngiti ng lalaki kaya napangiti rin ako.

Huwag kang masyadong magaslaw Wendy, tingnan mo muna ang ngiti ng Elsie parang mapupunit na ang labi”. Hindi ko namalayang nakangiti pala ako? Kaya agad akong nagpatay malisya.

Hindi ako nakangiti ah!”. Singhal ko sa kanilang dalawa na tatawa tawa pa.

Sus, dedeny pa si ate mo. Kung makikita mo lang kanina ang ngiti mo baka hindi mo makilala ang sarili mo”. Gano’n ba talaga kalawak ang ngiti ko? Ni hindi ko nga namalayang nakangiti pala ako.

Course of DestinyWhere stories live. Discover now