...the Start

21.1K 259 14
                                    

Day 1.

May 17, 20**


Dear Ma and Pa,

I don't know the hell why are you letting me write a journal and send it through you via e-mail. However, even though this is basically lame. I'll endure it. I am already here in the Philippines. It is SERIOUSLY HOT in Manila, as you had said. I already met up with my guide person for my visit here and I'm currently staying to the hotel you have recommended. I'm really tired and I'm going to sleep now. That's all for now.


Your Son,

Marcus

***


Pagkatapos kung isulat ang maikli kong journal entry, agad kong pinadala ito through Yahoo E-mail. Nasa Manila ako ngayon, hindi para bumisita ngunit para gawin ang dapat kong gawin. Bago pa ako lumayo, hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ako si Marcus Button. Dalawampu't pitong taong gulang at isang veterinarian sa isang pribadong klinika sa Alaska, USA. Nagtataka siguro kayo bakit Button ang aking last name. Actually, ampon ako ng mag-asawang Button, mga British na nagsettle sa US. Pitong taong ako nang kinuha nila ako mula sa isang local NGO na nangangalaga sa mga batang walang mapuntahan sa probinsya ng Mountain Province. Kung hindi niyo alam kung saan inyo, kung inyong mamarapatin, anim na oras lang naman ang layo nito mula sa lungsod ng Baguio. Namatay ang aking magulang sa isang landslide na tumira sa aming lugar. Wala akong kakilala doon dahil bagong salta pa lang kami sa lugar. Maswerte na lang at kinuha ako ng NGO na sakto naman na bumisita sa lugar ang mag-asawang Button. Naawa sila sa akin at kinuha ako. Wala rin lang silang anak, kaya napakaswerte ko ng biniyayaan ako ng oppurtunidad maging parte ng kanilang pamilya.


Masaya ako ng nag-edad 20 ako, nag-ampon muli sila ng batang Pilipino na iniwan daw ng kanyang ina sa isang orphanage sa Quezon. Sa una, walang balak mag-ampon muli ng mag-asawang Button ngunit napakalakas ng hatak ng sanggol at hindi na nila ito mapakawalan. Inampon at dinala nila ang sanggol sa Alaska kung saan kami naninirahan ng permanente ngayon. Pinangalanan nilang Andrew ang sanggol bilang pagbibigay galang sa namayapang ama ni Mr. Button. Sa ngayon, pitong taon na si Andrew at siya ang rason bakit ako bumalik ng Pilipinas. Iyon ay para hanapin ang kanyang tunay na magulang. Hindi alam ni Andrew ang aming binabalak. Surpresa namin ito sa kanya sa nalalapit niyang ika-walong kaarawan. Pero alam ko na mahihirapan ako sa gagawin kung ito. Pero ang pagmamahal ko para sa aking kapatid ay mas malaki kumpara sa hirap na aking haharapin.


"Sir," basag ng isang boses mula sa labas ng pinto ng aking hotel room.


"Pedro, ikaw ba iyan?" sagot ko at tumayo para pagbuksan ang tao sa labas.


Bago pa ito makapagsalita, binuksan ko na ang pinto at si Pedro nga talaga iyon, ang guide ko para di ako maligaw dito sa Pilipinas. Masayahing tao si Pedro at kakilala siya ni Mrs. Button, ang aking adopted mother. Nagsilbi kasi si Pedro dati kina Mr. and Mrs. Button biglang hardinero noong nandito pa sila sa Pilipinas.


"Pinapatawag po kayo sa front desk," sabi nito, mukhang nag-aalala.


Napakunot-noo ako pero pumunta na lang ako. Pinapasok ko na si Pedro sa kanyang silid at mag-isa na lang akong pumunta. Dahil nasa seventh floor ang aking silid, minabuti kong sumakay ng elevator. Pagbukas ng elevator, naabutan ko lamang ang isang pasahero nito. Isang buntis. Halatang wala pa sa edad bente pataas. Ang mukha nito ay kumikinang dahil na rin siguro sa maliwanag na ilaw sa loob ng elevator. Ngumiti ito sa akin at tumango na lang ako. Hindi ko na pinindot ang 1st floor dahil doon rin pala ang punta ng buntis na aking kasabay. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, biglang nag-shut down ang elevator at namatay ang ilaw. Akala ko sisigaw yung buntis, ngunit hindi. Tumawa lamang ito ng mahina na para bang akala niya nasa comedy sitcom siya. Bigla nag-open yung emergency light at may isang tinig na lumabas mula sa munting speaker na nakalagay sa itaas lamang ng mga numero.


"Ayos lang ho ba kayo diyan?" tanong ng operator, "May bigla ho kasing nangyari sa wirings ng elevator cable kaya ho bigla namin shinut down. Pwede ho bang maghintay lamang kayo ng five minutes. Wala ho rin kayong dapat ikabahala dahil hindi po ito malaking problema."


Napalingon ako sa buntis na kasabay ko, nakangiti pa rin ito at nakatingin sa akin. Binaling ko na lang muli ang aking tingin sa speaker at nagsalita.


"May kasama akong buntis. Kung maari pakibilisan," para atang kinindatan sila ng kulog sa aking sinabi at agad na sinabing gagawin nila lahat para mapabilis ang kanilang pag-aayos.


Naramdaman kong tinapik ako ng buntis sa balikat. Muli ko siyang liningon.


"Salamat ho Sir sa pag-aalala, pero wag kayong masyadong mag-panic sa akin at wala lang ito," sabi niya sabay himas sa kanyang sinapupunan.


"Buntis ka bata, baka himatayin ka," sagot ko na lang ngunit tumawa muli ito ng mahina.


"Wala naman akong iniinda, kaya ayos lang, at masaya naman ang mga bulate sa tiyan ko," di ko sigurado kong nagpapatawa ba ito, "Sir, siguro may asawa kayong buntis no at ang OA ng approach niyo sa akin. O kaya naman may baby na kayo?"


Napamulat ako sa sinabi ng buntis, "Ni minsan di ko pinangarap magkaroon ng anak. Mas pipiliin kong magpalaki ng mga aso kaysa magpalaki ng sanggol na ang alam lang gawin ay umiyak, kumain, tumae at sirain ang buhay mo."


Halatang nagulat ito sa aking sinabi. Oo, inaamin ko, di ako katulad ng iba, ayaw ko sa bata (except ang kapatid ko si Andrew dahil napakabait niya) o sanggol. Nakakairita sila at taga-sayang ng pera mo. Pagkatapos mong palakihin, lalayasan ka rin lang. Basta, ayaw ko sa bata. Nakatitig pa rin ito sa akin. Nang walang ano-ano'y bumalik na sa operasyon ang elevator. Tumingin na lang ako sa aking harapan para iwasan ang mapang-husgang mata ng buntis. Bumukas ang elevator. 1st floor. Lumabas na ako kaagad at iniwan ang buntis. Di na ako lumingon. Di na ako nag-paalam. Basta, kailangan kong pumunta sa front desk. Wala na akong pakialam sa batang buntis.

***


New story! Yup, non-fiction ang genre niya kasi... well... based on true stories and experiences ang gagawin ko.


Thanks for reading and leave your comment or even vote for it if you're interested.


_tagalog_

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon