IMBA

62 1 0
                                    

"Mahal na mahal kita Diane."

"...."

"Diane, sabihin mo ding mahal mo ko. Sabihin mo lang at di na ko aalis. Pangako."

"Jordan, mahal--"

"Hindi ka niya mahal. Wag ilusyonada teh!"

Natauhan ako sa sinabi ni Hannah. Nagdedaydream na naman pala ako. Hay nako! Papa Jordan.

Andito ako sa school ground, kanina ko pa kasi inaantay 'tong bestfriend kong epal. Tas bigla biglang darating, sisirain pa yung... Hay panira eh! Andun na eh, alam niyo yun? Kaasar.

"Panira ka talaga kahit kailan! Alam mo yun?" sabi ko kay Hannah.

"Hahaha! Nakakatawa kaya yung itsura mo kanina. Hanggang tenga ang ngiti mo te! Kung nakita mo lang itsura mo.." umupo siya sa tabi ko sabay pinagpatuloy ang sinasabi niya. "..pero teh, lam mo namang di ka magugustuhan nung Jordan na yun no! Ang gusto nun, seksi!" nagkorte pa siya ng hugis seksi gamit ang kamay niya. "At saka Diane, alam mo ba na"

"AY HANNAH! THANK YOU HA. BESTFRIEND KITA, GRABE RAMDAM KO YUNG CONCERN MO SAKIN! SALAMAT SA COMPLIMENTS HA! NAKAKATOUCH, GRABE!!"

"Uy natouch ang bestfriend ko? Walang anuman Diane."

"Peste ka, alam mo yun! Pagkatapos mo kong pag-antayin ng isang oras dito sa ilalim ng mainit na araw, yan pa mga sasabihin mo. Wow ha. Salamat talaga. Ugh!!!"

"Galit ka Diane?"

"HINDI!!!!"

"Weh?"

"Ewan ko sayo Hannah Janine Tamayo!"

Naglakad na ko palabas ng school, epal lang talaga ng bestfriend ko. Di man lang ako suportahan kahit one fourth man lang. Jusku!

"Hoy Stephanie Diane Tan, wag mo nga akong layasan!"

Lalo ko pang binilisan ang lakad ko... Mabilis, mabilis, mabilis, *boogsh*

Aray ko po. Susme. Ano ba yan. Hindi naman nag-iingat.

"Eh baka tanga no? Ilan nahuli mo?" sabi ni Brian.

"Tatlo lang, nakatakas kase yung isa."

Brian Cruz, kaibigan ko simula grade school.

"Hahaha! Baket ka ba kase tumatakbo?" tanong niya.

"Eh pake mo ba? Hahahaha buset ka."

"Sunget mo pa din. Hahaha!"

"Mana sayo eh.."

"Saken pa daw oh."

"Hoy!" si Hannah.

"Hmmm. Sakanya ata." sabay naming sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IMBATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon