Nagising ako sa alarm na hindi ko pala napatay dahil nakalimutan kong wala pala kaming pasok. Dali-dali ko 'yong hinampas para manahimik. Mukhang nagising din si Renzo kasi may gumalaw sa tabi ko.
"Fricking 6 AM, Adi," nag unat siya. "Ang aga mo naman. Ay, may pasok ka nga pala," humikab siya.
"Wala pala akong pasok.... Academic break namin..."
"Ha. Ba't noong sa amin walang ganyan. Ang unfair ng DLSU, ah." Umirap siya.
"Sa department lang namin may break, 'yung iba merong pasok," tumawa ako.
"Ah. Sana pala nag Pol Sci na lang ako..." pabiro niyang sabi. Ang immature pa rin talaga ng isang 'to.
"Tara, punta tayo sa Taft. Alam ko pwede naman outsiders," humikab ako at pumunta sa banyo para maligo.
I wore the green dress he gave me way back when I was 15. It still fits me well. Nagsuot na rin ako ng white heels. Lagi na lang akong naka heels, pero hindi nasakit ang paa ko dahil sanay na ako.
Paglabas ko ng banyo, naghihintay rin si Kuya Ren. Tapos kumatok si Daddy at ako ang nagbukas.
"Happy birthda- Saan ka pupunta, bakit ka nakabihis?"
"Hi, Tito!" bati si Renz mula sa likod ko.
"Oh, Renzo. You're here," gulat na tanong ni Daddy.
"Yes, Tito. Pumunta ako kagabi, 'di ba? Ikaw pa nga nagbukas ng gate," he chuckled.
"Ay, oo nga pala. What I mean is... you're still here." sabi ni Dad.
"Oh, yes. And we're leaving. Pupunta kami sa La Salle Taft," I giggled.
"Okay, ingat kayo. Happy birthday, anak." He kissed me on the cheeks.
"Thank you so much, Daddy," I hugged him. After that, he gave me an envelope.
He smirked and closed the door. I opened the envelope and all I saw was blue.
Bills.
25 blue bills. I was so shocked! 25k? All for me? Grabe! Dami naman nitong pera.
"Wow, that's a lot...", Renzo was lost for words.
Naligo na rin siya at nagsuot ng mint green polo and khaki shorts. Pang binata pa rin talaga ang pormahan.
"Ganda mo, Sis. Sana all!" Pabirong sabi ni Mav.
"Duh, ako lang 'to."
We left the house at 11 AM. I expected traffic because it's a weekday in Manila. Nakatulog ata ako habang nasa byahe dahil grabe pa rin ang antok ko.
Nang magising ako, I checked the time and it was 2 PM na. Grabe, halos 3 hours ang byahe namin. Nang mapatingin ako kung nasaan na kami, namangha ako. Bumungad sa mga mata ko ang Henry Sy Sr. Hall! Napakaganda! Wow!
"Hala! Ang ganda!" Masayang sabi ko.
"It's so amazing. Ang ganda," he parked the car.
I got out of the car pero walang students. I went closer to the guard and asked kung bakit walang students.
"Naka academic break po ang lahat ng students, Ma'am. Pero, pwede po kayong pumasok. Present niyo lang po 'yung I.D niyo ng DLSU," sabi noong security official.
Kuya and I presented our I.D's. Valid pa rin naman ang kaniya dahil alumni naman siya.
Pumasok kami at kumuha ako agad ng pictures! Hindi ko na palalampasin ang pagkakataon! We roamed around the place until we ran out of breath.
"La Salle's beauty is incomparable." Biglang sabi ni Kuya. Napalingon naman ako sa kaniya at tiningnan ko siya habang hinihingal siya.
"26 ka na pala, 'no?" tanong ko habang naglalakad kami sa isang mahabang hallway.
"Yes. But, I don't feel like it. I still act and feel like I'm just 21," he chuckled.
I was about to laugh but my phone rang. I pulled it out from my pocket and Cal was calling.
Calvin is a student in DLSU-D. Medtech. Pol-Sci student din 'yung sister niya, blockmate ko. Actually sa kaniya ko nakila si Calvin dahil kuya niya iyon. Kapag napapadalas ako sa bahay ni Callie, 'yung kapatid niya, madalas ring nandoon si Cal. O kaya minsan kapag nagkikita silang magkapatid para may ibigay habang nasa campus. And then, ever since, Calvin has been courting me. Mga 6 months na siguro.
"Hello?" I answered the call. I put it on loud speaker because I could barely hear him.
"Happy birthday, Adi!" he greeted me through the phone. "Is it okay if I take you out now?"
"Uh," I hesitated. "I actually can't."
"Why not?" he asked with a bit of disappointment in his voice.
"I'm with Renzo right now, e." I bit my lip.
"Renzo? The guy you always post in your Insta?" he scoffed. "Akala ko ba busy siya?"
"He isn't now kasi birthday ko nga. I'm sorry. We could go out tomorrow,"
"Okay. Happy birthday." He dropped the call.
I sighed because I felt bad. Ayaw ko naman siyang i-turn down, pero ayaw ko rin namang umuwi na. Minsan lang kami magkasama nitong si Renzo, tapos aalisan ko pa?
"Sino 'yon?" He asked.
"Si Calvin," I whispered.
"Boyfriend mo?" Napatingin siya sa akin.
"Hindi pa, manliligaw ko," I got rid of eye contact.
"Hindi 'pa'? Soon?" he chuckled sarcastically. "'Di mo sinasabi sa 'kin may manliligaw ka na pala, ah," binangga niya ako sa bewang.
"'Di ko rin naman kasi sineseryoso. Wala nga akong balak mag boyfriend until after law school, 'di ba study first?"
"So, paano ako? Tapos na ako mag-aral, pwede na ako magkaroon ng love life?" Tanong niya bigla.
"Bahala ka." Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo. Hinabol niya rin naman ako.
"Oh, bakit ka affected. Totohanin mo nga ako, gusto mo pa rin ba ako?"
Humarap ako sa kaniya at tiningnan ko siya sa mata.
"Oo. Kahit ang sakit na. Kahit nakakainip nang maghintay. Kahit ang hirap mo nang abutin ngayon, bukod sa matangkad ka, ang layo layo mo sa akin palagi. Hindi na katulad ng dati. Sabi mo dati gagawan mo ng paraan para manatiling ganoon palagi. Pero wala namang nangyari. Naiintindihan kong kailangan mong mag-trabaho, pero kung alam mo namang hindi mangyayari, sana hindi mo na rin sinabi dati para hindi na ako umasa. Kahit ang daming nangliligaw sa akin pero sabi ko sa sarili ko, "Hihintayin ko hanggang pwede na kami ni Renzo,". Na hihintayin ko hanggang sa makatapos ako at legal na ang edad ko. Na sana single pa rin siya sa mga panahong iyon. Na sana magustuhan niya rin ako. Na sana hindi na lang kapatid ang tingin niya sa akin. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Titigil lang ako 'pag nawala na 'yung pagmamahal ko para sa 'yo," nagpipigil na ako ng luha.
At sana 'wag mong hayaang mawala iyon.
*****
BINABASA MO ANG
He Was My Umbrella
RomanceAdi, a jolly, enthusiastic, and smart girl. She moved into her dad's hometown when her parents separated. Little did she know that there's a quiet, Mr. Suplado but nice, and good-looking Renzo that will welcome her in a subdivision that she isn't fa...