AZARIA'S POV
Makalipas ang anim na taon ay hindi na bumabagabag sa isip ko ang nangyari sa amin ni darcy. Kakagraduate ko lang last year sa awa ng Diyos, naging isa akong ganap na chef.
Pinag-aral ako ng kamag-anak ko na tumulonh sa akin noong panahon na gulong-gulo ako sa buhay ko. Bilang kapalit ay nais kong suklian ang hirap at pagod ng akin tita sa pamamagitan ng pakakaroon ng sariling bakeshop. Sa ngayon kasi ay hindi ko pa kaya gumastos ng napakalaki para mag business kaya naghahanap ako ng opportunity nang sa ganun ay masimulan ko na ang business na matagal ko na ring pinapangarap.
"Azariah!!" Sigaw ng aking tita at may pa talon-talon pa.
"Bakit excited at nagsisisigaw ka diyan tita, anong meron?"
"May new show kasi na magbubukas dito sa Pilipinas at ang pangalan ng show is inferno's kitchen at lahat ng chef ay maaring sumali dun! At ang judge dun ay ang isang bigatin na chef! Walang iba kundi si gordon blue!!" Pinagpapalo na ako ni tita dahil sa show na iyon.
"Talaga tita? Kaso nahihiya ako pero sige na nga sasali na ako diyan kelan ba start?"
"Aba'y ngayon na ah! Tsaka wag mo naman sayangin ang pinang-aral ko sayo, jusko isipin mo yan kapag pumunta ka diyan ay para kang magiging artista kumbaga makikilala ka sa tv at kapag nanalo ka, makakatanggap ka ng 10 million!!!!!!!!!" Sobrang malakas na sigaw ni tita sa huli.
"Sige po! Pangako tita gagawin ko lahat ng best ko kahit na alam kong may mas magaling sa akin. Once na nanalo ako diyan ay makakapagpatayo na pa ako ng bakeshop!" Masaya kong sabi kaya naman ay nagyakapan kami ni tita.
"Goodluck sayo pamangkin, susuportahan kita."
Agad ko ng chineck ang website para makita kung pano sumali at lumabas na dun ang mga chef na makakalaban ko. Nagulat ako na ang unang tumambad na chef ay si darcy. Walang pinagbago sa muka niya, maganda pa din.
"Oh ano sino makakalaban mo?"
"Tita parang ayoko na," hindi tuloy ako makatingin kay tita.
"Napagusapan na natin toh diba, anong meron?"
"Nandito po kasi ex ko."
"Sus hayaan mo na ex lang naman yan kapag nagkabalikan kayo tas siya ang nanalo edi hahatian ka niyan."
"Tita!" Angal ko.
"Ito naman di mabiro basta kapag nagkasalubong kayo eh magpanggap ka na hindi mo siya kilala. Kung sakaling ipahiya ka dun labanan mo lang maganda nga kung kita sa camera para magkaroon ng issue tas mapag-uusapan kayo edi kikita."
"Yung show ang kikita at hindi tayo."
"Ay oo nga pala ah basta sumali ka na diyan wala ng pero pero."
Wala na akong nagawa at tuluyan ng pumunta doon. Agad naman ako tinanggap at bukas na daw magsisimula ang show.
kinabukasan ay naroon na ako at nang magpre-prepare pa lang ako ay nagulat at kinabahan ako ng makita ko si darcy. Wala naman ng epekto ang gayuma pero bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Ay baka dahil lang sa hindi ko pagtulong sa kanya, ay oo tama nga dahil dun at hindi ko siya mahal, kalma self.
Nakasuot siya ng pang chef pero kahit ganun ay bakat ang sexy na hubog niyang katawan at dibdib sa fit na fit niyang damit. Samantalang ako mukang ewan sa suot kong pang chef. Nakalugay ang buhok niya straight na straight pa din at silky sana all.
Andami nagpapicture sa kanya at ng matapos ay dadaan sana ako ngunit napansin niya pala ako kaya napapikit ako.
"Oh look who's here long time no see azariah? Talagang kinalaban mo talaga ako dito sa show na ito, ganyan ka ba kahayok sa pera?" Sabay irap niya. Hays sabi na nga ba nagbago na siya, at ang mas malala pa ay bumalik ang dati niyang ugali nung binubully niya ako noong mga estudyante pa kami.
"Ikaw nga mayaman na pero nangangailangan pa din ng 10 million? So sino ang mas mukang pera sa atin? Baka ikaw ang naghihirap kasi ang alam ko mayaman ka pero hayok ka din sa 10 million! Atleast ako may paggagamitan na halaga, Eh ikaw i-pambibili mo lang ng sarili mong luho!" Sabay sama ko ng tingin sa kanya.
"Aba talaga lumalaban ka. Para sabihin ko sayo, hinding-hindi ka mananalo. Hanggat nandito ako hindi mo makakamit ang gusto mo. I will make sure na luluhod ka sa akin para magmaka-awa para sa ikakabuti ng buhay mo. Kapag ako ang nanalo magiging trabahador lang kita na papahirapan! I'm boss you're a worker bitch!" Sabay ngisi niya, Talagang ginaya niya pa yung line ni cardi b sa bodak yellow.
"Asa ka sisiguraduhin kong ako ang mananalo."
"Ikaw ang aasa at siya nga pala walang nakakakilala sayo kaya for sure ako hindi ikaw ang mananalo, at walang masasarapan sa luto, knowing you na nag-uumpisa pa lang ni hindi ka naman hasa sa paggawa ng mga pagkain like kaya mo bang gumawa ng best selling food sa 200 plus countries?" Pangmamaliit niya sa akin.
"Baka dahil sa kayabangan mo yan ang ikatalo mo aber. 'Wag ka sana karmahin ha at tsaka lumaban ka ng patas!"
"Tignan natin," dahil sa inis ko ay akmang sasabunutan ko na siya pero napigilan niya ako, buti na lang walang ibang tao ang narito.
"Sige papayagan kitang sabunutan basta ang pagsabunot mo yung kagaya ng pagsabunot mo sa akin kapag kinakain kita."
"Bastos! Palibhasa kasi may pagnanasa ka pa rin sa akin!"
"Dream on azariah! Nothing is special about you," pang-iinsulto niya sa akin na ikinurot ng puso ko.
"Oo kaya tigilan mo na ako kahit kelan hindi mo ako magiging trabahador! Hinding hindi ako papayag na bumagsak sayo!"
"Tignan natin azariah, nagsisimula pa lang ako maghiganti sa ginawa mo sa akin."
"Bakit ako lang ba ang may kasalanan? Ikaw din naman ah!"
"Nah may kasalanan ka din sakin. This revenge won't happen if you didn't leave me!"
"So hindi ka pa nakakapag move on?"
"Why would I? Ew hindi ka kawalan para iyakan at alalahanin noh!" Tsk defensive.
"Tsk basta ako mananalo"
"No! May the best chef win"
"Talaga at ako ang the best."
"Hindi sakin ang alas wala kang ibang pupuntahan kundi sa company ko lang, ready ka na ba maghirap? And over my hot and gorgeous body halatang walang susuporta sayo dahil sa akin mapupunta lahat ng suporta."
"Edi ikaw na basta masarap ako magluto."
"Hays nakikipagkulitan pa kasi ako nga ang magiging winner girl kaya humanda ka na, magsisimula pa lang ang laban," ngisi niya. *tsup* bigla akong hinalikan sa labi tsaka niya binuksan ang pinto para lumabas.
"Bwisit ka!" Inis kong sabi. Hays galit-galitan pa siya diyan gusto niya lang chumansing tsk!
"Wag mong isipan yang halik ko sayo pang distraction lang talaga yan para di ka makaayos sa pagluluto, wag assuming," sabay irap niya, nagulat ako ng bumalik siya para sabihin yun. Napaka-kapal talaga ng muka niya nakakairita!
"Hi ma'am pinapatawag na po kayo sa show," sabi ng make up artitst.
"Ay sige po ito na po," agad na akong pumunta. Hays masasapawan ako ni darcy nito nakakainis.
Ano naman kayang paghihirap ang mararanasan ko sa kanya?