Pang-apat na Pahina

10 7 0
                                    

Page 4

Dec 24, 20**

Dear diary,

Wala.....

Wala.........

.....wala akong.....

Hindi.....

W-Wala akong kasalanan.....

Hindi ko ginawa a-ang....



















Diary, huminga muna ako ng malalim kanina para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam bakit ako naging ganon kanina. W-Wala naman akong ginawa–

Huh? Sumakit saglit ang ulo ko. Siguro kailangan ko ng mahimbing at matagal na tulog. Ilang araw na kasi akong hindi makatulog, hindi ko maipikit ang mga mata ko.

Mabuti nalang at nandyan ang mga magulang ko at mga kaibigan ko, dinadamayan ako, umaga hanggang gabi.

Kaya halos hindi na kami makatulog. Kaya ang dapat sisihin ay sila! Hindi talaga ako makatulog dahil sa kanilang kakulitan. Madami kaming ginawa, may mga bago at luma.

Nae-excite pa nga ako habang ginagawa ang mga bagong laro na sinasabi nila. Nakasama nadin namin sila mama at papa sa paglalaro hanggang sa nagkasiyahan ang lahat at hindi namalayan ang oras.

Dibale, lahat naman sila ay nasa tabi ko, hindi kami maghihiwalay lahat kaya nakatulog ako ng mahimbing ng araw na iyon, diary. Sa pagod kakalaro, mabilis akong nakatulog. Ang huli kong inisip ay kung ano ang susunod na gagawin namin bukas.

At ngayon, hindi na ako nakakapagsulat dahil madami akong ginagawa. Patuloy ko parin kasi nilalaro ang mga nilaro namin ng gabing 'yon. Nasisiyahan ako dahil bago lang ito sa akin, kaya ilang beses ko pinaulit-ulit.

Ang saya! Gusto kong ulit-ulitin! Kaya nakaisip ako ng mga iba pang klase ng laro na alam kong magugustuhan nilang lahat. Wala silang magagawa kundi sumumod...maglaro kaming lahat. Bonding nadin naming lahat ito.

Pero wala ako...ano nga ulit ang isusulat ko? Lagi akong naba-blangko ngayon, diary. Siguro kailangan ko pa ng mas mahimbing at matinding tulog.

Nagmamahal,
Elies

Ilies DiaryWhere stories live. Discover now