19.
Breaking Point
Sisa
"Smile!" Masiglang sambit ni Tatang habang nakatayo siya likuran naming lima pero wala sa amin ang ngumiti.
Sa pag-flash ng camera ay napapikit na lamang ako, masyadong nakakasilaw.
Nakakapanlumo, wala kaming family picture nila Mommy at Daddy pero heto't nauna pa akong nagkaroon ng family picture kasama ang isang may sapak ng demonyo sa kanyang ulo.
Isa-isa kaming binalik ni Tatang sa kanya-kanya naming selda, ako ang pinakahuli pero nagtaka ako kasi bigla siyang ngumiti sa akin sabay sabing, "Magkakaroon ka ng unang pagsusulit ngayon, pagbutihan mo anak ha?" Aniya na para bang may pinapahiwatig kaya napatingin ako sa mga kasamahan kong gaya ko'y tadtad rin ng mga benda at bugbog sa buong katawan. May lungkot sa mga mukha nila pero nakikita ko sa mga reaksyon nilang para bang ine-encourage nila ako, para bang sinasabi nila sakin na kaya ko 'to.
"Think of happy thoughts." Rose mouthed those words to me as she smiled. Namumugto parin ang mga mata niya at namamaga pa ang mukha niya mula sa bugbog. Awang-awa ako sa lagay niya kasi may benda pang nakapalibot sa noo niya, hindi siya makakilos at hindi rin siya makapagsalita kaya hindi namin alam anong ginawa sa kanya.
****
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-inhale-exhale. Nakaupo ako sa isang bakal na upuan na gaya ng sa dental clinic. Nakatali ang mga kamay, paa at pati narin ang leeg ko sa upuan sa pamamagitan ng isang itim na garter kaya hindi ko magawang kumilos.
Wala man akong nakikitang mga matatalim na bagay sa paligid ay natatakot parin ako. Tatang is a crazy dude in a barbaric and not so osum way, sino ang shungang hindi matatakot?
Gaya ng dati, may video camera na naman na nakalagay sa harap ko. Ewan ko para saan 'to pero nakakainis, sana naman kung papahirapan niya na ako, wag na niya akong videohan. Natatakot ako kasi baka padalhan ni Tatang ng video si Mommy o di kaya si Daddy... alam niyo na, yung video habang pinapahirapan ako. Baka hindi nila kayanin.
Natatakot ako sa mangyayari sakin, natatakot akong baka dito na ako mamatay, natatakot akong hindi ko na ulit makikita ang mga magulang ko pero panghahawakan ko ang pangako ni Ponzilita... He'll find me and we'll sort things out. Mali ako nang pagdudahan ko siya kaya kailanman hindi ko na uulitin 'yon. Naniniwala ako sa kanya. Buo ang tiwala ko sa kanya.
Happy thoughts? Okay Rose, this is my happy thought... Ponzi.
Nakakatuwang isipin na pagkatapos ng lahat, may tao parin palang hindi ako sinusukuan. I'm not alone, I never was thanks to that dude with a gummy smile whose specialty is illegally downloading movies from the internet. Yeah, he also has this specialty of giving me these weird feelings that I really hate feeling... butterflies in my stomach? I guess that's the word. Ughh! See, this is why half of my osumness existence hates Ponzilita, he's making me feel crazier than I ever was. I didn't even know this is possible—me becoming crazier.
I hope he's not just a phase like Dustin and Archie was to me.
"Ba't ka ngumingiti?" Biglang tanong ni Tatang na kanina pa pala nakatayo sa harap ko. Hindi ko makita kung nakangiwi ba siya o ano dahil sa face mask na parati niyang suot.
BINABASA MO ANG
Never Cry Murder
Mystery / ThrillerThe Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?