Sensya na po busy kasi sa work kaya ngayon lang ako UD. Enjoy reading guyz!
**************************************************************************************
Chapter 13:
Madalas na nagkikita ang dalawa lingid sa kaalaman ng boyfriend pero kahit ganun pa man mas mahal pa rin nya ang boyfriend kesa kay Marco.
Isang araw nagulat na lamang siya ng sorpresahin siya ni Marco, nagpunta ito sa pinagtatrabahuan niya. Lumabas siya sa reception at kinausap ito.
"Anong ginagawa mo dito Marco?"
"Sinusundo ka"
"Hindi pwede andito ngayon si Ivan, sana nagtext ka muna…" palinga-linga ito dahil baka may makakita sa kanila
"Akala ko kasi masusurprise ka, invite sana kitang magdinner"
"Next time na lang ha…." ilang sandali pa lumabas na ang boyfriend niya, lumayo siya sa lalaki
"Jillian andito ka na pala lets go…." at inakbayan siya ng dalaga, nakatingin lang sa kanila si Marco at lihim na napatingin si Jillian sa kanya.
****************************
Sa bahay ng dalaga….
"What?! Anong gulo ang pinasok mo Jillian?" naiinis na sabi ni Kei
"Kei hindi ko din alam…"
"Anong plano mo?"
"Hindi ko alam…." iiling-iling na sabi niya
"mahirap yang pinasok mo Jillian, gusto mo ba talaga si Marco? Baka naman natutuwa ka sa kanya dahil madalas kayong nagkakasama?"
"Mahal ko na si Marco Kei…. Iba ung nararamdaman ko sa kanya kesa kay Ivan"
"Alam ko naman na mali naguguilty ako kay Ivan pero…. "
"Sige basta alam mo naman ang consequence nyan, basta pagnagkaproblem ka andito lang ako friend…."
Jillian POV:
Hindi ko maiwasang mai-compare ang dalawa iba kasi si Marco laging may time sakin, full of suprises at mahal na mahal ako. Si Ivan naman mahal na mahal din ako pero, kulang sa time pero sobrang understanding naman. Hay ewan…. nalilito ako.... biglang nagring ang phone ko.
"Hello babe"
"Babe I'm sorry"
"Bakit?" takang tanong ko
"I can't make it today meron akong urgent meeting hope you understand..."
Oo nga pala naalala ko may dinner date sana kami ni Ivan, kung ano-ano kasi ang iniisip ko ngayon kaya nakalimutan ko na. Nalungkot na naman ako dahil lagi na lang kaming hindi natutuloy sa mga date namin, ayoko naman magtampo dahil hindi naman nya gusto yun.
"Ok lang babe, sige pag available ko na" malungkot kong sabi
"Sige i'll go ahead, i love you babe"
"I love you too" at binaba ko na ang phone pero ilang sandali lang tumunog uli ito, tinignan ko ang screen hindi na si Ivan kundi si Marco agad kong sinagot ang phone ko.
"Hello"
"Hi Jillian, how are you?"
"I'm fine" nakangiti niyang sabi
"Pwede ka bang lumabas muna sa bahay nyo"
"Ha? Bakit?" gulat niyang tanong
"Basta..."
Paglabas niya nagulat siya ng makitang nasa labas ang binata, may dala itong isang boquet of flowers.
"For you..." inaabot sa kanya ang bulaklak at humalik sa pisngi
"Wow thank you... hilig mo talagang magsurprise..."
"Syempre para sayo, kanina pa pala kita tinatawagan busy yung phone mo."
"Tumawag kasi si Ivan maglakad sana kami kaya lang hindi kami natuloy..."
"Date?" tumango lang ito
"Eh di tayo na alng magdate tutal nakabihis ka naman... let's go..."
"Sige..."
Laging napupunan ni Marco ang pagkukulang ng kanyang boyfriend na si Ivan, dahil lagi itong busy sa trabaho lagi kasing on-call ang trabaho nito. Kaya mas lalong napamahal siya sa lalaki at dito na nababaling ang pagmamahal niya para sa totoong boyfriend. Kahit kailan laging may panahon sa kanya si Marco, hindi siya nakakalimutan nito sa araw-araw. Kahit hindi sya humiling ng panahon dito lagi lang nandyan ang lalaki para sa kanya.
"Thank you Marco, your always been ther for me..." nakangiti niyang sabi sa lalaki
"I-I love you Jillian, I love you so much..." tinitigan nya ang lalaki
"I love you too Marco..." at dahan-dahan nilapit ni marco ang mukha sa babae at hinalikan ito.
**********************************************************************************
VOTE
BECOME A FAN
LEAVE COMMENTS & SUGGESTION IF YOU LIKE
Lovelots
JHingzzy
BINABASA MO ANG
I Love You My EX (Completed)
RomanceTeaser: Sinong mas matimbing ang kaibigan o ang minamahal? Masakit makita na ang taong mahal mo ay nasa piling na ng iba at higit sa lahat sa kaibigan mo pa. Paano ka magrereact? Paano mo sya ipaglalaban kung ito ay EX mo na....