"Oh mga pare buti nakarating kayo!" Sigaw ni Eugene habang buhat ang isang batang lalaki na naka superman costume. Halos lahat ng lobo at itsura ng birthday party ay superman theme.
Mag sasalita na sana ako pero inunahan ako ni jack na biglang binatukan ang kaibigan. "G*g* ka, pre! Ni hindi mo ako sinabihang naka uwi ka na sa Pilipinas!" Nginisian lang siya ni Eugene. "Ang pangit mo kasi."
Akmang babatukan pa ito ni Jack pero piningot siya ng asawa, "Oh Jaji, ikaw pala 'yan. Buti naman at pinatulan mo tropa namin, limit lang 'yan maligo!" Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa.
Ngayon lang uli kami nag kasama dahil may sari-sarili ng pinagkaka-abalahan. Lalo't na nung mag trabaho si Eugene sa ibang bansa.
"Ay oo, kasal na nga kami." Ngiting sabi ni Jaji. "S'ya, pasok-pasok! ito pala ang anak kong si Jeremiah. Pogi ano? mana sa tatay," Gumawa si jack ng ingay na umuubo dahilan para mangunot kilay ni Eugene.
"Alam mo pare, kung inggit ka lumayas ka na." Sabay kaming natawa ni Jack sa inasta ni k*mag.
"ay teka, Aliana?!" Gulat na bulalas nito sa babaeng katabi ko. Dahan-dahang naningkit ang mata ni Aliana na para bang kinikilala si Eugene. "Sino ka?"
"Ako 'to! si Eugene! Eugene Velasco yung classmate mo dati na sinuntok mo sa mukha dahil naapakan ko yung sapatos mo," Nanlaki mata ni Aliana dahil mukhang nakilala ang k*mag.
"Ay jusko, sorry dun ha. Ang asim mo pa kasi kaya akala ko sinasadya mo," Mas lalo kaming natawa ni jack dahil nawala ang ngiti ni Eugene sa mukha.
"Ay ewan ko sa inyo, tara pasok. pakilala ko kayo sa aking beybi girl." Pinauna ko si Aliana. Madaming bisita siguro dahil na rin kilala si Eugene, kahit sira ulo 'yan ay matulungin mula pa noon.
"Darleng! this is my friends, this is Jack and Chris. And this is Jack's wife, Jeji, and this is Chris girlfriend, Aliana." Nanlaki mata namin dalawa sa sinabi ni Eugene. Wala kaming nasabi dahil biglang naki pag kamay ang babae. "I'm Daniella, Eugene's wife."
Mahiya-hiya akong napa tingin kay Aliana na kumakain sa aking tabi. Sira talaga bungo nun ni Eugene, wala akong nagawa kundi ang mapa buntong hininga. May mga batang naglalaro at si Eugene ang host.
"Sorry pala sa sinabi nun ha," HIya kong tugon at napa tingin naman siya sa'kin bago ngumiti. "Ayos lang, ano ka ba. " Naka hinga naman ako ng malalim roon.
"Pre!" nagulat ako ng sumigaw si Jack at hinihila ako. "Bakit?!" Gulat kong tanong, "Tara kanta tayo nila euegne, may mag bibigay ng pera!"
Basta talaga pera ang bilis ng H*y*p na ito.
Napatingin ako kay Aliana na naka ngiti bago basain ang labi ko. "tara."
"Huh huh huh huh huh huh
Huh huh huh huh huh huh
Huh huh huh huh huh huh
Huh huh huh huh huh huh"Si Eugene ang nasa gitna at kami ni Jack ang nasa gilid at umiindak sa intro ng kanta at animo'y nakaldag, iniindak ang balakang na pa-sulong at paantras.
"Kami sa 'yo ay napra-praning
Ang beauty mo kasi ay pang-beauty queen~"Kanta ni Eugene sa Mic habang na kembot at tinuturo ang asawang si Daniella na hawak ang kanilang anak si Jeremiah.
"Ikaw ang number one sa list namin
Hayop ang beauty mong ibang-iba ang dating~"Inigaw ni Jack ang Mic at nag mala macho dancer habang nalapit sa asawa. Agad naman umasim ang mukha ni Jeji dahil sa ginawa ng mister.
"Oh h*yop sa ganda... oh h*yop sa ganda.. oh H*yop sa ganda..oh hanep s'ya..ahhh~
"Oh h*yop sa ganda... oh h*yop sa ganda.. oh H*yop sa ganda..oh hanep s'ya..ahhh~" Sabay-sabay naming kanta at kumaldag sa beat."Ligaya ang hatid mo sa amin
Ngumiti ka lang lahat ay nagniningning~"Agad ko sa Mic habang naka tingin ng palihim kay Aliana at ginagalaw ang balakang.
"'Wag mo naman ipagkait sa 'min
Ganda ng kutis mong ibang-iba ang dating~"Kanta nI Jack at Eugene na akala mo endorser ng sabon dahil sa nilalandas nila ang sariling daliri sa braso na akala mo kay kinis tignan.
"Huh huh huh huh huh huh
Huh huh huh huh huh huh
Huh huh huh huh huh huh (whoa)
Huh huh huh huh huh huh"Nag si lapitan ang dalawa sa kanilang asawa at pinipilit pasayawin kasama nila. Habang ako ay lumapit kay Aliana, natawa ito at tumayo saka naki sayaw sa'kin.
"Oh aking bituin wala nang hiling
Ikaw ang beauty queen
Oh aking bituin wala nang hiling
Ikaw ang beauty queen~"Sabay-sabay naming kantang tatlo at puno ng hiyawan at palakpakan ang lahat habang patuloy kami sa pag kanta at indak.
Natapos ang kanta at nabigya kami ng tatlong limang daan. Ngiting aso si Jack habang ibinigay ni Eugene ang pera sa anak. At ako naman ay lumapit kay Aliana at ibinigay ang pera, napa tingin pa siya sakin bago kuhanin. "Sinong hi-hindi sa pera, salamat!"
Napa ngiti ako sa kasiglahan ng kaniyang boses. "Hoy love birds! hihipan na yung kandila tara!" Sigaw samin ni Eugene kaya mabilis kaming tumungo.
Kinantaha namin si Jeremiah at hinipan naman ito ng bata. "Anong wish mo anak?" Ngiting tanong ni Eugene. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti.
Parang dati lamang ay lagi siyang iniinsulto ng mga tao na magiging masamang ama sa magiging anak dahil sa ugaling kalye na pinapakita nito, pero ngayon ay halos siya ang ama na aasam-asamin ng isang bata.
"Gusto mo ba ganyan din cake mo pag nag birthday ka?" Rinig kong tanong ni Jack sa anak. "Ikaw mahal, gusto mo ganyan din cake natin sa anibersaryo?"
"Loko, superman cake 'yan." Irap ni Jeji kaya natawa si Jack.
"Pinangarap mo na bang mag ka-anak?" Nagulat akos a itinanong nI Aliana sa'kin ng ihatid ko siya sa kanyang apartment.
Dahan-dahan akong tumango, "oo naman. Sa katunayan ay matagal ko ng nakita ang nais kong maging Ina ng magiging anak ko," Seryoso kong sagot at napatingin siya sa'kin.
"Bakit wala ka pang anak ngayon?" Marahan akong napa ngiti. "Dahil hindi niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya." Kahit naka ngiti ay rinig mo ang kalungkutans a aking boses.
Kung alam mo lang Aliana. Kung alam mo lang ang hirap ko habang pinapanood kang sinasaktan ng ibang lalaki, pinapanood ka sa malayo at tinatago ang damdamin ko para sa'yo.
Kung alam mo lang na mahal kita.
"Sige na, anong oras na rin. Aalis nako," Ngiti kong paalam at tumalikod saka nag lakad paalis. Pero hindi pa'ko tuluyan nakakalayo ay rinig ko ang sinabi niya.
"Ako diba yung babaeng 'yon?"