"Hoy Casoy na hopia o kung paano man banggitin ang pangalan mo, buksan mo tong pinto at magbayad ka na ng renta! Kundi papalayasin na talaga kita sa apartment na to! Di ka naman nagbabayad!"
Haaay! Ang aga-aga naman mambulabog ni Ms. Reyes. Gusto ko pangmatulog ei!
"HOY! Casoy na hopia! Bubuksan mo to o sisirain ko tong pinto?!"
Okay lang kung sirain mo, ikaw naman ang may-ari nito.
Bumangon na ako sa higaan, naligo, nagbihis at kumain. May pasok pa kasi ako. Paalis nalang ako papuntang school hindi pa rin tumitigil si ms. Reyes. Siya ang landlord ng tinitirhan kong apartment.
"Wag kang lalabas at magpapakita sa'kin kundi mananagot ka talaga sa'kin! Naku! Naku! Pasaway ka talagang bata ka!"
Sa bintana nalang ako dadaan kasi baka pag nakita ako ni ms. Reyes mapingot pa ang tenga ko. Nasa 3rd floor ang kwarto ko pero meron namang malaking puno kaya mag-aala-unggoy nalang muna ako. Sanay naman akong dumaan sa puno lalo na pag singilan na ng renta. Bwahehehe!
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa bintana. Dahan-dahan akong bumaba sa mga sanga ng puno. Nang matantsa kong kaya ko ng talunin, tumalon na ako.
Tumakbo na ako papunta sa gate ng apartment then binuksan ko na ito. Lalabas na sana ako nang...
"Hoy hoy hoy! Casoy!"
I'm doom! Nakita ako ni ms. Reyes. Huhuhu! Tumakbo siya sa'kin habang may hawak na walis tingting na ready ng ihampas sa'kin kaya bago niya pa ako maabutan tumakbo na ako palabas ng gate. Habang tumatakbo lumingon naman ako sa kanya at kumaway.
"Gagawa ako ng paraan para mabayaran ka ms. Reyes! Utang muna sa ngayon! Tama na kakasigaw mas-stress lang yung ganda mo! Babye! Labya ms. Reyes! Kitakits mamaya! Mwaaps!" - nagsign pa ako ng heartshape then nagflying kiss.
Huminto na din siya sa paghabol sa'kin. Bago ako sumakay ng jeep nakita ko pa siyang napangiti at napailing nalang.
Ayeeeh! Tinablan ng charms ko si ms. Reyes. Bwahahaha! Iba na talaga ang ganda ko.
----
"Good morning ms. Diaz!"
"Good morning din manong guard! Sabi ko naman po sa inyo na Cassiopoiea nalang. Masyadong formal ang ms. Diaz."
"Ahehehe! Ang hirap po kasi banggitin ng pangalan mo." sabi niya habang nagkakamot ng ulo.
"Edi Cass nalang po! Tsaka sabi ko din po sayo na wag ka na po mag-po'po' sa'kin kasi nagmumukha po akong matanda." nakatawa kong sabi sa kanya.
"Ay, sige po--- hehehe! Ibig kong sabihin sige. Goodluck sayo Cass!"
"Sige po! Goodluck din po sayo manong guard! Babye!"
After kong makipagchikahan kay manong guard hinanap ko na ang first subject ko. 2nd week ko na dito sa La Buendia University and swear, sobrang daming brat and bullies. Pangmayaman kasi ang university na to at kaya lang ako nakapasok dito dahil sa full scholarship na natanggap ko. Kaya kahit anong pambubully at pagpapahirap na gawin nila sa'kin hindi ako susuko kasi sayang ang scholarship.
"Cassy! Cass!" - sigaw sa hallway ng isang babae.
Napatingin naman ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Nics!"
"Kamusta weekend?" she asked then hug me.
"Kaloka to! Kung makayakap ka parang di tayo nagkita nung Friday ahh?" natatawang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Anatomy Of A Broken Heart (ON-HOLD)
Novela JuvenilThis story is about the girl who suffered a lot because of the man he loves. She experienced different kind of pain. She then promise to herself to get revenge to all the people who had hurted her. But can she still fulfill her promise to herself if...