Chapter 1

27 1 0
                                    


"Zoi, Anak, gumising ka at may pasok ka pa." rinig kong sigaw ni mama mula sa baba ng aming bahay.

"Prinsesa, gumising ka na, baka ma-late ka pa!" sigaw niya ulit.

"Gising na ako ma!" pabalik na sigaw ko, pero mukhang hindi kuntento si Mama sa sagot ko, "Aba bumaba ka na, ano pang hinihintay mo? Buhatin kita d'yan pababa?"

Ano ba 'yan si Mama, 5 A.M pa lang oh! Mas excited pa siya sa akin. Ako ang may first day of school ngayon pero kung umasta para siya ang papasok.

Nag-unat muna ako bago ko niligpit ang higaan namin. Dito kami sa taas natutulog ni Mama dahil mas komportable. Gawa lang ito sa plywood, hindi siya literal na 2nd floor kung tutuusin, wala pa naman kaming pera pampa-ayos ng bahay at tsaka si Mama na lang at ako ang nakatira dito sa bahay na nilipatan namin, pagkatapos mamatay ni Papa. Namatay siya noong anim na taong gulang pa lamang ako.




"Zoi, hindi na kita ihahatid, anak ha? Alam ko naman big enough ka na para pumunta sa school mo. Malapit lang din naman iyon." sabi ni Mama habang nag ba-brush ako ng aking ngipin.

Nagmumog muna ako bago lumingon sa kanya, "Ayos lang Ma, kasabay ko naman po si Charls." habang nagpupunas na ako ng bibig kong basa.

"Devi!" sabay kaming napatingin ni Mama sa pa may pinto, "Ay ayan na siya, Ma. Alis na po ako." lumapit ako kay Mama para humalik sa pisngi.

"Baon mo." may inabot siyang thirty pesos sa akin pagkatapos kong humalik sa pisngi niya, "Mag-iingat kayo ha, aalis na rin ako para pumasok."

"Yes, Ma. Ingat ka rin po, I Love You." sabi ko sa kanya, habang hawak-hawak ang bag ko,

" I love you more, Anak!" sagot niya.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Charls doon sa labas at hinihintay ako, "Tara na?" sabi ko nang makita niya ako. Tumango siya at sabay kaming umalis para pumasok sa school.

Si Charls, kaibigan ko since elementary. Grade two yata kami unang nagkakilala, hanggang ngayon hindi kami mapaghiwalay. Pero this school year ay iba na siya ng section. Hindi na siya section one, parang gaga kasi itong kaibigan ko, hindi ko rin alam pinag-gagawa sa buhay niya.

"Hoy! High School na tayo! Sana maraming pogi 'no?" sabi niya habang na sa tabi ko, kasabay ko maglakad.

Napatingin na lang ako sa kanya, at umiling, "Sira ka, aral muna hoy."

Inakbayan niya ako, "Be. High School na tayo, teenager na, era na kung saan mas ma e-enjoy natin ang buhay..." Habang magpataas-taas ng kamay.

"Mas malala ang curiosity natin sa isang bagay, at maaaring ma-try natin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa noon." pagpapatuloy niya habang nakangiti, "Sabay nating gawin 'yon ha?" napatingin siya sa akin at humagikgik.

Ano ba 'tong babae na 'to? Sana lahat kayang magmukhang kampante at masaya kahit hindi pa lubusang na e-experience ang high school life, ako kasi kinakabahan talaga. What if mas matalino pala kaklase ko? Paano na ako nito?

"Bilisan natin maglakad at mali-late na tayo, Charls. Next time na 'yang sabay nating gawin na 'yan. Kung ano man 'yan, may oras para d'yan." hinawakan ko ang pulsuhan niya upang hilain at bumilis naman siya sa paglalakad.



Narating kami dito sa school. Umakyat kami hanggang marating kami sa third floor ng paaralan.

Obtaining your Past MemoriesWhere stories live. Discover now