CHAPTER 9:

3.8K 83 0
                                    

Katitigil lang ng kotse ni Bryle ng biglang magising si Candy...nakatulog pala s'ya.

'Ginawa mo talaga akong driver ano!"agad ay bungad ng binata sa kagigising lang na dalaga.

"I'm sorry!'nahihiyang wika ni Candy..kinusot pa nh bahagya ang kanyang mga mata..hindi nya namalayan na nakatulog na pala s'ya.

'Ayusin mo na ang sarili mo at nandito na tayo!'utos ni Bryle...agad ngang tumalima si Candy.sinipat ang sarili sa salamin..maya maya pa ay bumaba na ang dalawa...

Apat na mga bata ang agad na sumalubong sa dalawa...tuwang tuwang bumati sa kanilang Tito.

'Tito,Bryle!'wika ng apat na bata..nag-uuahan pang tumakbo palapit sa binata.

"Mga bata!'wika ng napangiting si Bryle..pinagbubuhat nya ang mga ito at saka hinalikan.

"Nandyan kana pala,pinsan!'wika ng isang babae...lumapit kina Bryle...sabay halik sa pisngi nito..

"Pinsan!'batian ng lahat kay Bryle..

Nakipagbatian si Bryle sa kanyang mga pinsan...di naman mapigilan ni Candy ang magbigay ng ngiti...marunong naman palang ngumiti ang masungit..infairness gwapo kapag nakangiti ito..

"Insan,sino naman ang kasama mo? S'ya ba ang..."hindi na naituloy ng pinsan ni Bryle ang gusto pang sabihin..agad ay nagsalita si Bryle.

'Kaibigan s'ya ni Mama.'wika ni Bryle.

"Ahhh!'sabay sabay na wika ng apat na pinsan ni Bryle..sabay nagbigay ng makahulugang tingin...

"Hello po!'bati ni Candy sa mga ito.

'Pinatatanda mo naman kami eh!'wika ng isang pinsan...isa-isang nagpakilala ang apat kay Candy..gayun naman ipinakilala ni Candy ang sarili..maya maya pa ay pumasok na ang mga ito sa loob ng bahay..agad na pinuntahan ni Bryle ang may sakit na lola.

"Lola,how are you?'tanong ng binata ..sabay halik sa noo ng lola.

'Im fine now,hijo! Nagpangi-pangita na naman tayo.'wika ng lola.

"I'm sorry. Busy lang kasi kami ni Mama sa shop eh.!"paliwanag ng binata.

Napatingin ang matanda kay Candy...wari ay kinikilala.

"Lola,kaibigan daw po ni Tita Vina!'wika ng isang pinsan ni Bryle..wari ay agad na naintindihan ang tingin ng lola sa bagong mukha.

"Ah! Aba ay kagandang bata! Halika nga ineng at ng makahalik naman sa'yo!'wika ng lola..lumapit naman si Candy..masuyong niyakap ang matanda...simula yata ng isilang s'ya wala s'yang lolang nakagisnan..kaya kay sarap ng pakiramdam na makayakap ng isang lola...

'Kamusta po? Ok na po ba ang pakiramdam nyo?"masuyong tanong ni Candy.

"Ok na ako,hija!'wika ng matanda..hinawakan pa nito ang mukha ni Candy....hindi naman napigilan ng dalaga ang muling yakapin ang matanda..hindi nya naranasan na magkaroon ng lola..kahit sa pagkakataong iyon man lang ay maranasan nya...niyakap din naman s'ya ng matanda..

Ang mga taong nandoon ay nakatingin lamang..ngunit bakas sa mukha ng mga ito ang kasiyahan..hindi maitatangging nagustuhan agad ng matanda ang bagong kakilala..

Wari ay hindi may sakit ang dinalaw nina Bryle at Candy..dahil nagkakasayahan ang mga tao..maging ang matanda ay nakikiindak din..napabulong tuloy si Candy sa katabing si Bryke.

"Bryle,sabi ng Mama mo may sakit daw ang lola mo,sa tingin ko naman eh wala. Ang sigla-sigla pa nga!"bulong ni Candy.

Hindi naman umimik ang binata..maging ito ay biglang naguluhan..mukha ngang walang sakit ang kanyang lola..aba at may handaan pa nga..may videoke pa..napapailing na lang ang binata..

'Ate,marunong kabang kumanta?'tanong ng isang dalagita kay Candy.

'Naku hindi!'pagsisinungaling ng dalaga.

'Cge na naman pagbigyan mo na kami. Ikaw ang kakanta ng chorus. Ako ang magsisimul.'wika ng dalagita.

'Hindi talaga ako marunong kumanta eh!'tanggi ni Candy.

'Cge na naman,Hija! Para sa akin!'wika ng lola..hindi na makatanggi pa ang dalaga..lola na ang humiling..tumango na lamang si Candy...

Nagsimulang kumanta ang dalagita...hanggang sa nagchorus na..ibinigay nito ang mike kay Candy.

MR. DREAMBOY

MR.DREAMBOY.MR.DREAMBOY
ANO KAYA ANG NASA ISIP MO
MR.DREAMBOY.MR.DREAMBOY
LAGI KANG NASA PANAGINIP KO

DOO'Y KINAKAUSAP KA
AT SWEET NA SWEET KANG TALAGA
MEDYO MAY HOLDING HANDS PA NGA
PARANG AYOKO NANG MAGISING PA

SANA'Y MASABI KO SA'YO
ANG NATATANGING LIHIM KO
IKAW ANG MR.DREAMBOY KO

MANANATILING DREAMBOY KO
IKAW ANG TANGING....DREAMBOY KO..

Palakpakan ang lahat ng matapos ang kanta..wari ay isang tunay na singer ang tinhin nila kay Candy ng mga oras na iyo...maging si Bryle..hindi maintindihan ang kakaibang naramdaman...muli nyang narinig ang tinig nito..ngayon yata ay muling nagkakakulay ang tingin nya sa buhay...

DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon