FINALE:

6.8K 138 11
                                    

Dahan dahang lumuhod si Bryle sa harapan ni Candy..sa harapan ng libo-libong humahanga sa dalaga..at saka nagsalita.

"I'm sorry! Naging makitid ang utak ko. Hindi ko binuksan ang isip ko. Hindi ko alam kung paanong tatanggapin ang mga nalaman ko. Ngunit ang mas hindi ko matanggap,sa kabila ng lahat ay mahal na mahal pa din kita! Kaw lang ang minahal ko ng ganito. At tanging mamahalin. Patawarin mo ako sa lahat. Tama silang lahat,wala namang magiging problema kung tanggap ko lang talaga na ganyan ka. Na isang sikat,ngunit nanatili ang kasimplehan at pagiging totoong tao mo. Na s'yang minahal ko ng lubos s"yo!'wika ni Bryle.

Walang masabi si Candy..luhaan ang kanyang mukha...ang kamay ay nakataklob sa oanyang bibig...pinipigil na kumawa ang impit na iyak...nagpatuloy sa pagsasalita si Bryle.

"Ikaw ang bumago ng pananaw ko,tungkol sa mga katulad mo! Tama ka! Lahat ng tao ay hindi pare-pareho. Patawari mo ako sa panghuhusga sa mga kagaya mo. Pero tingnan mo ako'ikaw pa ang minahal ko ng ganito. Ikaw lang! Ano man ang makapagpapaligaya sa'yo ay bukal sa loob kong tatanggapin. Handa kong yakapin din ang pangarap mo. Magkasama nating tutuparin ang ninanais mo sa buhay."wika pa ni Bryle.

Wagas na talaga ang iniiyak ni Candy..hindi nya magawang magsalita...takip takip ang bibig upang hindi lumabas ang hagulhol...

Maging ang mga audience ay umiiyak na din..masaya para sa kanilang idolo.

"Candy Bautista! Will you marry me?'tanong ng nakaluhod pa ding si Bryle..at saka inilabas ang singsing...lagi nya iyong dala....iyon sana ang ibibigay nya sa dalaga noon.

Humagulhol na talaga si Candy....sobrang saya nya..hindi nya akalain na pagbibigyan ang kanyang hiling...

Hinarap ni Bryle ang mga audince at saka malakas na nagtanong..

'Gusto nyo bang makasal kami ng idol nyo na si Candy?"malaaks na sigaw ni Bryke..nakatapat sa pa mike.

'Yes! Yes! Yes! Yes! Yes! Yes! Yes! Yes!"ang sigaw ng mga tao.

"So,ikaw na lang ang hinihintay? WILL YOU MARRY ME,CANDY BAUTISTA?"muli ay tanong ni Bryle..

Habang naiyak ay tumatango si Candy..at nanginhinig ang mga kamay na itinapat ang mike sa kanyang bibig...

"Its a BIG YES!!'wika ng luhaang si Candy.

Nasugod naman ni Bryle ng yakap ang dalaga...at saka ipinaikot ikot pa sa entablado....maya maya pa ay dahan dahang isinuot ni Bryle ang singsing sa daliri ni Candy...kasabay ang pagbagsak ng mga naggagagandahang liwanag...na wari'y mga fire works at fountain..lahat ng mga botton para sa mga liwanag na iyon ay sabay sabay na pinindot...at makikita ang isang napakagandang eksena...kung saan ay hinahalikan ni Btyle ang babaeng sinisinta...

EPILOGUE:

Inayos na din agad ang kasal nina Bryle at Candy..hindi na pumayag pa ang binata na mawalay pa ang dalaga sa kanya....kasama ng mga fans.at press.idadaos ang kanilang kasal..

Hindi na nagtagal pa ang paghihintay ng dalawa...dumating na ang kasal na kanilang pinakahihintay....halos mapuno ang simbahan sa dami ng tao..guest..fans..press.relatives....ngunit iisa lang ang kanilang reaksyon..kasiyahan at pagkamangha sa napakagandang bride..

Nagsimulang maglakad si Candy..ngunit nagukat s'ya ng may pamilyar na tinig ang nakanta....ang luha nya ang namumuo na....

SA'YO LAMANG

PUSO KO'Y,BINIHAG MO
SA TAMIS NG PAGSUYO
TANGGAPIN YARING ALAY
AKO'Y IYO HABANG BUHAY

lumabas sa pinagkukublihan si Cindy...sya naman ngayon ang nag-aalay ng kanta para sa kanyang kapatid.

AANHIN PA ANG KAYAMANAN
LUHO AT KARANGALAN
KUNG IKA'Y MAPASA'KIN
LAHAT NGA AY KAKAMTIN

Napaiyak na si Candyganito pala ang feeling kapag ang kapatid mo ang nag-aalay ng kanta sa espesyal na araw sa buhay mo...napakasaya...napakasarap sa pakiramdam..

Dahan dahang luapit si Cindy sa kapatid....maging ang luha nito ay nag-uunahan nadin..

CHORUS

SA'YO LAMANG ANG PUSO KO
SA'UO LAMANG ANG BUHAY KO
KALINISAN,PAGDARALITA
PAGTALIMA,AKING SINTA

Dahan dahang pinunasan ni Cindy ang luha ng kapatid.at nagwika.

"Panatag na ako,dahil alam kong nasa mabuti ka ng kalagayan. Tandaan mong ang isang bagay na hindi kayang palitan ng materyal na bagay ay ang wagas na PAG-IBIG!! At alam kong nakamit mo na iyon."sabi ni Cindy..

Iyak na talaga si Candy..napakasaya nga nyang talaga...hindi na naman nya magawang magsalita....wari ay may nakabara sa kanyang lalamunan.ipinagpatuloy ni Vindy ang pagkanta...hinawakan ang kamay ng kapayid at saka sinabayan sa paglalakad patuno sa naghihintay nitong groom..

TANGAN KONG KALOOBAN
SA IYO'Y ILALAAN
DAHL ATAS NG PAGSUYO
TUMALIMA LAMANG SA'YO

Inilagay ni Cindy ang mike sa gitna nila ni Candy..at sabay nilang kinanata ang huling chorus ng awitin

(Duet..Candy and Cindy)

CHORUS

SA'YO LAMANG ANG PUSO KO
SA'YO LAMANGANG BUHAY KO
KALINISAN,PAGDARALITA
PAGTALIMA,AKING SINTA.

nang mapatapat na ang magkapatid sa groom..masuyong pinaglapat ni Cindy ang kamay ng btide at ng groom...at nagwika..

"Lubos ang aking kasiyahan at natagpuan nyo na din sawakas ang pagmamahal na laan para sa inyo. Hiling ko ay magsama kayong mapayapa at maligaya. Habang buhay!"wika ni Cindy...

Niyakap naman ni Candy ang kapatid...ang luhazng mukha ng dalaga ay kababakasan ng ligaya...sobrang ligaya..ilang sandali pa ay hawak kamay na nilandas nina Bryle at Candy ang patungong altar...at nasisigurado na nilang magsasama sila hanggang wakas.

🎉 Tapos mo nang basahin ang DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete) 🎉
DECEITFUL LOVE By: Reinarose (B2:SINGDERELLA) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon