Chapter 3

25K 677 12
                                    

CHAPTER 3

Pinark ko na yung kotse ko. Bumaba na rin si Mia at naginat-inat, sumunod naman ako. "San tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Mia habang nakatingin sa mga estudyante na nadaan. Kakatapos lang ata ng klase nila. Seriously, it was a one big campus! May convenient store pa. Wow

Napatingin naman agad ako kay Mia na pumunta sa mga nadaan na estudyante. Tinanong nya yung babae kung saan ba dapat pumunta yung mga transferee. Bigla namang tinuro nung babae yung isang building na may engrandeng pinto sa first floor. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Mia. "Dun daw sa principal's office" sabi nya saken. Huh? Pricipal's office? Agad? Nagpunta nalang kami dun sa building na tinuro nung babae kanina. At yung tinuro kong may engrandeng pinto.



Dun kami pumasok mapapa-Woah ka talaga kung nasa loob ka na. Merong upuan na pangmayaman pero sa tingin ko para lang yan sa mga guest. May mga painting na halatang sinauna na pero maganda parin. Yung gilid ng frames ginto. Edi sila na mayaman. Sinalubong kami ng isang magandang binibini na nakadamit na pang-opisina at pormal na pormal.

"Good Morning, ako ang secretarya ni Mrs. Chung. Sunod lang po kayo saken" instruct nya samen. Ayun, pumasok naman ulit kami sa isang kwarto. May nakita kaming isang matanda na busying busy sa pagpirma ng papeles. Siguro mga 52 yung edad


"Excuse me Maam, may transferee students po tayo" napalingon naman yung matandang babae samen ni Mia. "Good Morning po!" bati ni Mia at nag-bow ng konti. Nagbow lang din ako. May binulong yung matanda sa secretarya nya tas biglang umalis yung secretarya.


Pinaupo kami nung matandang babae sa harap nya. Ininterview kami kung saang school daw kami galling ganto ganyan. Ilang taon na daw kami. Psh! Di naman kami magaaply ng trabaho eh. Si Mia lang yung madalas na sumasagot. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Ilang sandal pa dumating na ulit yung secretarya may dalang susi at dalawang black folder. At binigay kay tanda "Girls, eto ang susi sa dorm nyo." sabi ni tanda sabay bigay ng dalawang susi. Kasama sa susi yung dorm number.


"At eto ang class na aatendan nyo. Anjan na yung schedules at kung sino ang teachers nyo each subject" sabay bigay nung dalawang black folder samin ni Mia. Nagpasalamat kami sa kanila bago lumabas. Bukas pa kami mag stastart sa klase. "Ang tahimik mo naman kanina, Brey. Hays!" reklamo ni Mia. "Tss, I told you. Di dapat tayo nagsuot ng uniform ngayon. We look stupid" sabi ko naman sakanya tsaka tinarayan. Tinawanan nya lang ako.

Hinanap na namen yung dorm namen. Buti kami magkasama kami ni Mia sa isang room. Nagtatanong kami kung saan ba toh banda makikita. Yung susi kasi silver tas may tag na matigas na parang nakalaminate. Sa loob nito ay kulay red na papel na may nakasulat na Cherry Blossom 23. Tanong kami ng tanong hanggang sa mahanap na namen. Nasa harap na kami netoh ngayon.



"Ready?" tanong ni Mia saken. Tumango lang ako bilang sagot. She inserted her key sa door knob. Parehas lang naman kami eh. Pagpasok namen ayos lang naman yung kwarto. May dalwang queen size bed tas gitna ng bed na yun may isang lampshade. Yung color ng walls ay cream. Yung bagahe namen nasa kotse pa. Mamaya ko nalang kukunin. Humiga agad ako sa kama na malapit sa pinto. Si Mia ayun, nag tour sa kusina, sa banyo sa sala na nasa tapat ko lang.

Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon