Dahil birthday ni Kuya bukas at nagpapatrend ngayon, naisipan kong ipost na ito. Haha. May epilogue pa po. Thank you for reading guys! Love you!
Happy22ndBirthday ELMOMAGALONA
*****
Finale
As usual, marami nanamang tao. Jampacked nanaman. Album launch ng third album ni Julie. Medyo wala lang siya sa mood kasi...
"Ate, okay ka lang? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Joanna sa ate niyang nakatulala lang sa harap ng vanity mirror habang hawak ang cellphone niya na kanina niya pa binabantayan.
Magtext ka naman please. Tsk! Humanda ka talaga sakin pag nagkita tayo. Naku!
"Okay lang ako."
"Sure ka? Kanina ka pa tingin ng tingin diyan sa cellphone mo eh. May hinihintay kang text 'no?" Nakangisi nitong sabi kay Julie.
"Wala." Mabilis na sagot niya sa kapatid.
"Talaga? Eh kulang nalang ihagis mo yang cellphone mo eh. Para magtext kung sinuman yung hinihintay mong magtext sayo na alam ko naman kung sino." May halong pang-aasar na sambit ni Joanna sa ate niya.
"Si Elmo kasi eh."
Napangisi naman si Joanna sa sagot ng ate niya. I knew it!
"Oh bakit?"
"Di pa nagtetext."
"Kayo ba?"
Napahinto naman si Julie sa sinabing iyon ng kapatid. Oo nga pala. Hindi naman pala sila.
Bakit ba ganito ang inaarte ko?
"H-hindi."
"Eh bakit kailangang magtext sayo?" Natatawang sambit ni Joanna.
"Joanna Marie."
"Oh?! Totoo naman diba, Ate?"
"Eh basta."
"Hala si Ate. Ang clingy mo ah!"
"Siya rin naman eh! Ako nga, di lang makareply sakanya within 10 minutes, may more than 10 missed calls na ko from him eh." Pagmamaktol niya.
"Pero, Ate, hindi nga kasi ka--"
"Oo na! Pinapaulit-ulit mo pa eh." Naiinis na putol ni Julie sa sasabihin ng kapatid.
Tinapik naman ni Joanna ang balikat ng ate niya habang pinipigilan na matawa ulit.
"Chill lang, ate. Ayusin mo na yang busangot mong mukha. Haharap ka sa mga fans mong ganyan yung itsura mo? Ay wow! Ikaw na!"
"Argh! Nagpunta ka ba talaga dito para mang-asar?"
Lumapit si Joanna sakanya saka yumakap naman ang kapatid niya sakanya at yumakap.
"Hindi no! Syempre, I'm here to support my one and only Ate. Tsaka I'm very sure na mage-enjoy ka later."
You'll definitely enjoy what will happen later, Ate. And I'm sure, you'll also love it.
"Talaga lang ha?"
"Yes, Ate. Trust me." Ngiting sabi nito saka pa kumindat.
As soon as she step on stage, naghiyawan na ang mga fans na dumalo para sa launching ng third album niya. Nagagalak ang damdamin niya sa nakikitang pagmamahal at suporta sakanya ng mga taong naroroon.
This is my dream. This is what I want. This is where I truly belong. This is... my life.
Every time na nakikita niya ang mga taong sumusuporta sakanya, napapatunayan niyang tama na ipinaglaban niyang manatili sa mundong ginagalawan niya ngayon. Napapatunayan niya ring lahat ng sakripisyong ginawa niya ay hindi napunta sa wala. Yung mga sakripisyong hindi niya akalaing magagawa niya. Lalo na ang sakripisyo nilang dalawa ni Elmo.