Prologue
"Five...four... three...two...one!!" binuksan ko kaagad yung microwave bago pa ito tumunog na ibig sabihin ay tapos na yung iniinit kong pizza. It's three in the afternoon, nasa site (which is nasa tapat lang ng bahay namin) sila Mama at Papa. Wala man lang miryendang iniwan kaya ininit ko nalang itong Pizza na nasa ref. Bruno, our french bulldog na hindi ko rin alam kung bakit nasa labas ay tahol ng tahol. Siguro may tao?
"Hoy, babae! Ginagawa mo diyan?" napalingon ako at nagulat ng marinig ko ang boses ng ate ko na hindi bumibisita man lang dito sa bahay.
"Ate? Ikaw ba yan?" instead of getting my food sa microwave, I immediately jump towards her. Hindi ko alam kung anong milagrong nag pa uwi dito sakanya, ang alam ko lang ayaw niya na bumalik dito saamin.
"Aray naman, Kianna! Ang bigat mo!" reklamo nito.
"Why are you here? Shit! Alam ba 'to nila Mama?" ngayon ko lang napansin na ang ikli na ng buhok niya, last week kausap ko lang to sa messenger, mahaba pa ang buhok. Break na ba sila ni Marco?
"Nope, asan ba sila Papa?" sabay libot ng tingin niya. Nandito na kami sa sala, pumasok na rin si Bruno na ngayon katabi na ni Ate.
"Nandiyan, hindi mo ba nakita? Nasa tapat natin, may project kasi diyan si Papa, design and build. Tapos na kasi kaya mag fa-final look ata yung client and sila Papa kung may complain nga daw." Our Dad is an Architect and isa na sa mga dinesign niyang bahay ay itong bahay namin at yang nasa tapat na bago. I don't know kung sino may ari, basta kaibigan daw niya dati noong elementary.
"Hindi, dumiretso lang ako dito. Pake ko ba diyan sa bahay." natawa nalang ako sa sagot niya. Tatanongin ko nga ulit kung bakit siya nandito ng naunahan niya ako.
"Kamusta? Nursing na ba kinuha mong program? 2 weeks nalang pasukan niyo na ah?" nawala yung ngiti sa labi ko ng itanong niya 'yon.
"Ano pa ba, walang iba kundi Nursing." I rolled my eyes, my Mom is the one wants me to take up Nursing.
Wala kasi akong masagot na program or course kaya siya nalang daw bahala. Yung dalawa kong kaibigan na genius naman, both of them wanted to be an Architect. Yep, our parent's careers are in line with design and build, construction kung baga. Lumaki kami na puro alikabok ng semento ang nakikita, pero ako lang ata yung nahiwalay sakanila. Architecture or Engineering is not my passion and hindi ko rin nakikita ang sarili ko na nag dedesign ng bahay or nag eestimate. My Mom is a Nurse, isang chief nurse sa isang public hospital dito saamin. My Dad wanted me to take Engineering kaso ayoko talaga kaya si Mommy ang nag decide saakin. Why? Hindi ko rin alam ang gusto ko sa buhay.
"Why not Archi?" natatawang tanong ng bruha kong ate. Well isa din naman siya, kaya nga siya lumayas dito saamin.
"Let me give you the mic, Ate Kassandra. Ikaw itong hindi man lang bumisita dito sa amin. Nasa Palawan ka, bat nandito kana?"
"Well..." inayos niya yung buhok niya at inipit sa tenga niya. At first akala ko nag papacute lang siya pero may nakita akong kumikinang. OH MY GOSH!
"OMG ATE? IS THIS REAL? AHHHH!" and there I am, again hugging my sister who is now engaged? Or baka kasal na 'to?!
"ENGAGED OR KASAL?" binatukan ako nito. Nakita kong kumikinang rin ang kanyang mga mata, she is crying but I know na masaya siya.
"Engaged! Gaga!" I hugged her so hard and cried as well. I don't know what to say but I am really happy with her and kuya Marco.
"Akala ko broken ka eh! Ang ikli ng hair mo!" sabay sabunot dito. Natawa lang to at binatukan uli ako.
"What's the commotion all abo--" naputol ang sasabihin ni Mama ng nakita niyang si Ate ang kayakap ko. It's been six years since my ate left our home... and it's too complicated to share it but I know seeing my Mom shocked face and my Dad's eyes, alam kong nasiyahan sila na narito si Ate and with a big news!!
My Ate shared her big news with my parents. At first they weren't able to utter word but eventually my Mom hugged her. My Dad on the other hand is silent pero may ngiti sa kanyang labi. Well, we can never expect them to be happy, kakabalik niya lang and yun kaagad ang announcement niya. I am sure my Ate understands it.
"Again, I am so happy seeing us complete again, Kasaandra. Sana tuloy tuloy na. Well, since narito na rin naman kayong dalawa, yung client slash our new kapitbahay diyan sa tapat natin, invited us for a dinner. Cancel na muna natin ang family bonding with you, Kass. Nauna kasi ito, and I am sure na narito ka pa naman tomorrow, right?"
"Yes, Ma" I smiled at my Ate
"Sila ang pamilyang Hernandez, may dalawa silang anak. Isang babae at isang lalaki. I haven't seen them and hindi ko rin alam kung ilang taon na sila or even their names but ang pakiusap ko lang, entertain them and behave okay? Lalo kana Kiana, please try to mingle with them okay?" Tumango lang ako sa sinabi ni Mama. Hmm... that surname is quite familiar but anyways, ang daming Hernandez sa mundo.
Pag patak ng 7:00 pm ready na kami. Hawak ko ngayon ang Champagne na pinahawk saakin ni Mama. Welcome gift daw sa pamilya. Seeing their house here in front of ours made me smile, napaka husay talaga ng tatay ko.
"Let's go." sabi ni Papa. Nag simula na kaming mag lakad, papunta sa bago naming kapit bahay. Sana naman mga mababait sila at hindi maingay.
Mahina kaming natawa ni Ate ng nag doorbell si Papa. Ang babaw talaga namin or kinakabahan lang. Isang babae ang bumukas ng gate nila. Hindi nga pala kita dito sa labas ang kalahati ng bahay nila kagaya saamin. Hula ko ito yung Mrs. Hernandez, ang ilaw ng tahanan ng bahay na ito.
"Mark and Michelle! Pasok kayo! Good evening!" ngumiti naman ito saaming dalawa ni ate. All I can say is, ang ganda niya at ang puti-puti. Parang hindi na aarawan. Her eyes remind me of someone, yung parang kaya kang i-manipulate kahit tumingin lang.
"G-good evening po. Para po sainyo." nahihiya kong binigay yung Champagne na dala namin.
"Uy, nag abala pa kayo, sige na pasok kana hija! Siguradong magkakasundo kayo ni Mijo ko... ilang taon ka na ba?" Nawala yung ngiti ko ng marinig ko ang isang pamilyar na pangalan. Mijo? Mijo Hernandez ba? Shit?! Nanay niya ba 'to? Wait baka same nickname lang.
"Hija?" she waved her hands in front of me. Nasa loob na pala ang pamilya ko. Ako at si Mrs. Hernandez ang narito.
"E-eighteen ho... e-eighteen years old."
"Tamang tama hija, ang anak ko rin na panganay ay 18 years old! Dito rin siya nag high school eh diyan sa St. Isabel University! Hindi mo ba siya kilala? Si Mijo, Miguel Joaquin Hernandez." My jaw dropped when she mentioned my high school crush's name! Pakshet! Kapit bahay ko ang dati kong crush?! This can't be happening.
-----------
Hello my readers! Sana magustuhan ninyo itong story ni Kianna! Eversince high school nasa puso at isipan ko na talaga ang Juno and Co. Series! Sana magustuhan ninyo!
Btw Mijo is pronounced as MIHO haha just wanna clarify it!
WARNING
Kung may kapareho man na name, place or any situation or event dito sa story na nabasa niyo rin sa ibang story, nagkataon lamang iyon. The characters of my stories ay gawa ko and they are ALL FICTION nasa sainyo yan kung isasabuhay niyo ang kabutihan or kasamaan nila. A reader must know how to distinguish the right or wrong AND knows what is FICTION.
I accept constructive criticism but if you are rude and perfectionist masyado, please stop reading and find another story that will satisfy you.
Let other readers enjoy this story hehe avoid spoilers please sa mga nag rere-read!!
See you on the next chapters!!
-azithromaecy
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Nightingale (Juno and Co. Series # 1)
Teen FictionKianna Lauren Torres and Miguel Joaquin "Mijo" Hernandez are both high school friends. While waiting for their moving up ceremony practice, their adviser decided to play truth or dare. Kianna took the advantage of the game to confess her feelings to...