Cassandra's POV:
"Aaaahhh! Multo...." sigaw ko.
"Hey baby, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
We're now staying at my grandfather's ancestral house here in Cebu. Ewan ko ba kay Mommy, bakit pa 'ko dito! Supposedly, I'm in Manila bonding with my boyfriend kaso sinama ako. Kainis! Anyway, bakit ako sumigaw? May nakita akong multo. Sa sobrang bilis ng pangyayari, di ko namukhaan.
"Mommy, umuwi na tayo sa Manila. I don't want to stay longer here."
"Bakit nga?"
"May multo dito, Mommy!"
"Really? Oh baka gusto mo lang makasama yung boyfriend mo kaya gusto mo nang umuwi?"
"Whatever!" Shit! Si Mommy talaga, she never trusts me. Lagi nalang kaming may misunderstanding. Si Daddy lang naman kasi yung kasundo ko eh. About my boyfriend, well, legal kami. Actually, ayaw sa kanya ni Mommy but of course, spoiled ako ni Daddy kaya wala syang nagawa.
Oo nga pala, di pa 'ko nagpapakilala. I'm Cassandra Buenaventura, anak ni Mommy at Daddy. Hahaha! Ako lang naman ang unica hija ni Corina at Anton Buenaventura. Housewife lang ang Mommy ko, ang Daddy ko naman, CEO ng kompanya namin. I'm 18 years old, second year college, na nag-aaral sa Adamson University.
May boyfriend ako, si Eric Juan. 6 months na kami. As what I have said a while ago, legal ang relasyon namin. Yun lang muna, mag-aayos pa 'ko ng kwarto ko eh. God! Ano ba 'to? Ang dumi! Oh sige! Maglilinis muna ako!
Corina's POV:
Talaga yung batang yun oh! Palibhasa sunod sa luho, kung makasagot eh parang di nya ako Mommy. Hindi sya uubra sa'kin! Well, her Dad's not here so maybe, I can teach her a lesson. Be ready Cassandra! >.<
By the way, I'm Corina Buenaventura, Anton's wife and the mmost beautiful Mom in the whole world. Hahaha! I'm Cassandra's Mommy. 45 years old na 'ko kaya nahirapan na kaming masundan si Cassy. Malas nga lang talaga at may pagkamaldita pa ang anak ko. Wait muna ah. My cellphone's ringing, sagutin ko muna.
"Hello hon! Dyan na ba kayo?" si Anton ang tumatawag. Napaka-sweet na talaga! Kahit busy sa trabaho, nagagawa parin nyang mangamusta.
"Ah. Oo. Dito na kami. Kakarating lang din namin"
"Si Cassy, how is she?"
"Si Cassandra na naman? Hindi ba pwedeng ako muna ang kamustahin mo?"
"Hon naman! Pati ba yung anak natin, pagseselosan mo? Hindi ka na talaga nagbago."
"Oo na! Ayun, sinasagot sagot na naman ako! Gusto na raw umuwi dyan!"
"Pagtyagaan mo nalang yan. Saka pakisamahan mo ng maayos para magkasundo kayo."
So, kasalanan ko pa ngayon? Loko 'to ah! Kaya namimihasa yung anak namin kasi hindi nadidisiplina. At pakkisamahan ko daw ng mabuti? Ano bas a tingin nya ang ginagawa ko? Yung batang yun ang di marunong makisama! >.<
"Hon. Dyan ka pa ba?"
"Ah. Okay. Sige. Ako nang bahala dito!"
"Bye hon. I love you."
"Ingat ka lagi!"
Hay salamat! Binaba narin nya ang phone, sa wakas! Natutuliro na 'ko! Puro ako nalang lagi yung masama! Mula kasi nung ipinanganak ko yang si Cassandra, lahat ng atensyon ni Anton sa kanya napunta. Ganun talaga, kelangan ko makisama kasi pag nagsama sila, wala na 'kong puwang sa mundo! Oh sige. Magpapahinga muna ako.
*LearnToLoveMe*
BINABASA MO ANG
Mission Accomplished!
General FictionRandom type. You may read this so you would understand.