"Ma! Alis na po ako. Pupunta lang ako sa classmate namin para tapusin yung group activities." sigaw ko kay Mama para magpa-alam ulit, baka kasi malimutan kahit nagpaalam na ako kanina.
Mas malapit ang bahay nila Agradecido sa school kaysa sa amin. Katulad ng sinabi ko, kung dadaan kami sa street kung na saan ang bahay nila, mapapalayo kami dahil ang daming pasikot-sikot.
Ako lang mag-isa pupunta sa bahay nila, siyempre hindi ko naman classmate at groupmate si Charls, so hindi siya kasama. Feel ko sawa na rin kami sa isa't-isa. Joke! HAHAHA. Ito kasi, hindi ko rin naman masyado pang close yung ka-groupmate namin, ni-isa sa kanila hindi ko naging classmate last year so bago ko lang sila kakilala.
Nandito na ako sa harap ng bahay nila, actually kinakahaban ako. Ewan ko rin. Second floor ang bahay nila, parang salamander orange ang shade-color ng bahay, hindi naman mukhang corny tingnan. Maayos at malinis nga e. Malawak kahit sa labas mo lang tingnan, parang kasing laki ng apat na bahay namin, hindi naman kalakihan ang bahay namin.
Paano ba ako papasok? HAHAHAHA. Tanga-tanga amp.
Kakatok ba ako? Or may doorbell dito?
Nang kakatukin ko na ang bakal nilang gate, may lumabas mula sa pintuan nila sa loob. Mama yata nila ito. Nang makita ako ay ngumiti siya, kaya napangiti na rin ako. Hindi ko alam name ng mother nila hehe.
"He-hello po, Ma'am. Dito po ba bahay ni Agradecido? May group activity po kasi kami." ay tanga ka ulit self.
Ngumiti lang siya at sumagot, "Oo dito kaming mga Agradecido nakatira, be. Sino sa mga anak ko hanap mo po?" sabi niya, ang lambing ng boses huhu.
O 'di ba tanga ko, buti na lang hindi ako sumigaw ng 'Agradecido' kanina, baka kasi lahat sila lumabas.
"Ay si ano po. M—"
Magsasalita ako nang maunahan ako nang kung sino, "Mom, ready na po ako." uy si ano. Si Beau, crush ni Mayo.
Nag-aayos siya ng laylayan ng kanyang damit nang tumabi sa kanyang Ina, napatingin siya sa akin, at tumingin ulit sa Mama niya.
Ay wait, pogi niya sa malapitan ha, infairness.
"Classmate po siya ni Meds."
"Ah. Oo, naalala ko. Nagpa-alam si Meds sa akin na mag go-groupings sila ng mga groupmates niya sa school."
Binuksan nila ang gate ng bahay nila at pinapasok ako, pinaghintay nila ako may sala at tinawag si Meds.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng bahay nila, Nako, Mayo. Ang ganda ng bahay nila,be. Dapat ka lang mainggit sa akin kasi nakapasok ako, Char! Ang bango! Amoy air freshener, panis! . Bulong ko.
Iniwan nila ako doon at pupunta raw sila sa church dahil may meeting.
"Uy! Hi!" rinig kong tinig galing sa may pangalawang palapag ng bahay nila.
Si Meds nandoon. Nakangisi sa akin. Parang tanga lang.
Pinakitaan ko nga ng mukhang naalibadbaran ako sa kanya.
Nang makababa nagtanong siya agad, "Wala pa sila?"
Tumitingin-tingin ako sa paligid, mukha ba akong may kasama? So, hindi ko siya sinagot. Obvious naman kasi.
He just smiled. A cute smile. Luh! LUHHHH
"Mukhang wala kang balak sagutin ako, Desarrollo." siya habang umiiling, nakangisi pa rin ang hayop.
Nilagpasan niya ako para makapunta sa pintuan nilang nakabukas. "Dahil tayo pa lang, at tayo lang nandito..." Sinarado niya ang pinto.
Luh parang tae.
YOU ARE READING
Obtaining your Past Memories
RomanceAcademic Rivals-to-Lovers. The Christian Couple met each other at a young age. Things they learn together as they grow up-fates they didn't expect. Everything is alright; most of their prayers were answered. Not until one day, someone found out som...